Chapter 21.

272 33 9
                                    




Borj

Nagmamadali akong maligo para makapag-ayos at makapunta agad kina Yuan. Can't wait na makita si Roni. Mababaliw na kasi ako kakangiti sa harap ng salamin ko sa kwarto. Hindi ko kasi maiwasan na hindi maisip si Roni.

Especially ngayon. Okay na kami. Masaya na akong nakakausap ko siya. Kahit na hindi ko naamin sa kanya na gusto ko siya. Atleast makakasama ko na siya palagi.

Sinusuklay ko ngayon ang buhok ko na medyo mahaba na. Humuhuni-huni pa ako habang napapaindak dahil sa saya na nararamdaman ko.

"Aba. Mukhang atang masaya ka?" natigilan ako ng magsalita si Lola nang makapasok ito sa kwarto ko habang hawak-hawak nito ang polo na susuotin ko maya-maya.

"Ikaw pala, La." agad ko itong dinaluhan para kuhanin sa kniya ang polo ko. "Excited lang po ako para mamaya.." ani ko.

"Ngayon naman excited ka. Akala ko ba wala kang balak pumunta?"

"Akala ko din kasi 'yon, La. Naisip ko din po kasi kung magkukulang ako dito tapos ang barkada nagsasaya sa party. Mas maigi ng sumama ako sa kanila, diba po?" nakangising sabi ko. "Para na rin po makita at makasama ko si Roni.." mahinang bulong ko.

"Ano sabi mo?" tanong nito.

"Ah..wala po. Sige po. Mag-aayos lang po ako." sagot ko.

"Mabuti pa nga. 4:30 na ng hapon. 6:00 ng gabi ang simula ng party niyo. Dadaan ka pa ata sa bahay nila Tito charlie mo." aniya.

"Opo, La. Patapos na rin po ako." iginiya ko na siya sa pinto. Hinalikan ko pa ito sa noo bago ito tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Masaya akong bumalik sa harap ng salamin ko.

Nakita ko ang isang picture frame sa harap ng bedside table ko na may litrato ni Trisha. Kinuha ko ito at tinitigan ng maigi.

"I think this is the right time to let you go, Trish..." mapait akong ngumiti habang hawak-hawak ko ito.

'Sapat na siguro yung mahigit isang taon na paghihintay ko sa pagbabalik mo..Halos gumuho ang mundo ko nang iwanan mo ako ng walang dahilan. Hindi ko naman siguro deserve yun noh.' naramdaman ko ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha ko sa pinsgi ko.

I thought hindi na ako magmamahal ulit. Akala ko hanggang dito na lang ako. Sa pagiging miserable ang buhay. Lahat ginawa ko para makalimutan si Trisha. Para lang maiwasan ko ang isipin siya ng palagian. Buti na lang nandiyan sina Yuan to help me. Pero sa loob ng mahigit isang taon. Siya pa din ang mahal ko.

Until one day, Roni came to my life. Actually, she came into my life when I was a child. But this time. She became my enemy. Maingay. Masungit. Pero hindi mo aakalain na sa simpleng pagsusungit at pagbubuganga niya. Doon pala ako mahuhulog. Hindi lang doon. Mabuti siyang tao. Roni is different from others. Iba siya sa lahat ng mga nakilala ko.

Akala ko nung una same characteristic sila ni Trisha. But I was wrong. Hindi sila pareho. Magkaiba sila.

Pinunasan ko ang mga luha ko na kanina pa nag-uunahan sa pagpatak. Muli kong sinulyapan ang picture ni Trisha bago ko ito binalik ng pataob sa kinalalagyan nito.

Inayos ko muli ang sarili ko. Para pag nagharap kami ni Roni. Disente akong tignan.

Dali-dali akong bumaba ng sala. Naabutan ko sina Lolo and Lola doon na masayang nag-uusap. Nagpaalam ako sa mga ito na aalis na ako para pumunta kina Roni at doon na lang maghihintay sa barkada. Pero dahil sweet si Lolo and Lola sa akin. Hinatid pa ako ng mga ito.

Kaya ayun. Puro pang-aasar ang inabot ko kay Yuan. Dinaig ko pa daw ang gradeschool. Hatid sundo pa daw ako. Bwisett na Yuan 'to. Basag trip. Buti na lang nasa kwarto pa niya si Roni nang dumating ako at asarin ako ni Yuan. Hindi niya nairirinig ang pangbubuska na ginagawa ng Kuya niya sa akin.

Warring hearts, United soulsWhere stories live. Discover now