11

143 1 0
                                    

magi-isang buwan na kaming nag-uusap ni Sandro. lagi lang naming topic ay kung anong task ang ginagawa namin, kung may meeting ba siya sa congress and so on.

wala talaga akong iniisip na magkakagusto ako sa isang tao lalo na lumaki ako na wala manlang nakikitang love sa pamilya ko pero, nung nakilala ko si Sandro iniba niya ang mundo ko.

bawat pag-gising ko ng umaga ay ang mga chats niya agad ang bumubungad sa'kin, may mga araw pa na halos isang araw na kaming magkausap by a video call dahil wala lang daw, gusto lang daw niya akong makausap at makita kahit sa video call lang.

"oh tina, 'di ba nakapagtapos ka ng Political Science and Administration, right?" tanong neto habang kumakain ng lunch

yeah tama kayo, miski sa lunchbreak niya kinakausap niya pa rin ako.

"oh yeah, why did you ask?"

"i just wanna know if you would like to be a secretary of.....mine." sagot ni Sandro sa tanong ko

"why?" sa lahat ng tumatakbo sa isip ko, eto lang ang naitanong ko sa kaniya

kasi nakakagulat naman, halos mag-iisang buwan pa lang kaming nag-uusap, pero ngayon. inaalok na niya akong magtrabaho at malapit pa sa kaniya.

"ikaw kasi ang nakikita kong fit to this position and beside, i don't have a secretary for almost a month na." paliwanag neto sabay tingin sa camera at binigay ako ng isang ngiti.

"s-sure i'll accept that. at tsaka, wala pa akong nahahanap na work for now." pagpayag ko sa pag-alok niya sa'kin

"t-thank you, tina. keylan ka free para makapunta ka here in congress?" masayang tanong neto sa'kin, kaya mas lalo akong nakaramdam ng hindi ko maintindihan siguro baka sa excitement lang

"maybe tomorrow, i'll just commute na lang ng maaga." sagot ko dito habang papuntang mini terrace ko dito sa kwarto ko.

"okay, tina. pero wait...." pagpapahinto niya na ipinagtaka ko naman.

pansin ko 'to tuwing magkausap kami, nung una medyo weird talaga pero nasanay na ako sa kan'ya.

"susunduin kita bukas." pagpatuloy ng kaniyang sinasabi kaya medyo nagulat lang ako

"w-wag na, Sandro. tsaka pag-pumunta ka dito, marami pang nakasunod na PSG sa'yo." pagsabi ko sa kan'ya na parang natataranta, pero ba't pa ako natataranta?

"hindi naman masyadong marami ang PSG na kasama ko, i-i just wanna fetch, tina."

"basta sabi mo na hindi maraming PSG ah!" bilin ko dito na agad naman siyang natawa

"you're so worried naman."

"yes, lalo na ayoko mabalita na sinundo ako ng Congressman ng Ilocos Norte and Presidential Son of President Marcos Jr." pagkasabi ko dito ay agad ko naman siyang tinarayan.

"hi ate ko, mukhang busy ka ah!" sigaw na bungad ni Steph sa baba ng terrace ko

"ay, andyan ka pala. teka, dito ka na sa kwarto." aya ko dito kaya pumasok na rin siya sa loob ng bahay namin at ilang minuto ay andito na siya sa kwarto ko

"hi bestfriend! how are you?" agad naman na tanong ni Steph sa'kin sabay yakap

"it is Stephanie was there?" agad na tanong ni Sandro sa kabilang linya, kaya napatingin na rin si Steph sa phone ko tsaka kumaway

"hi Sandro! mukhang ikaw lagi ang kausap ng bff ko ah!" kilig na sabi neto sabay ng pagtingin sa'kin na parang may iniisip na ewan. kaya agad ko siyang pinalo sa braso

"ye-yeah, ang saya niya kasing kausap." sabi neto habang nag-aayos ng kan'yang buhok. fairness ang gwapo niya pag ganon

"masaya talaga kausap itong si Athena, kaya napakaswerte mo at nakilala mo'to." sabi neto kay Sandro kaya medyo napangiti lang ako ng unti

maswerte ba talaga ako?

"sinabi mo pa, Stephanie. super thankful nga ako na nakilala ko 'yang kaibigan mo." sagot naman ni Sandro dito na agad na ikinilig ni Steph

"oh tina, i'll call you back. may meeting pa pala ako with DOLE for my new project in Ilocos." bigla netong paalam kaya agad ko ng kinuha ang phone ko kay Steph

"sure Sandro, goodluck sa meeting." ngiti kong sabi dito

"nagkaroon na tuloy ako ng motivation, sige na. i just update you na lang kung natapos na kami." hindi ko alam kung banat niya ba 'yon or ano.

"ingat!" paalam ko dito at sabay kaming kumaway ni Steph, ganon rin ang ginawa ni Sandro sa kabilang linya. ako na rin ang nagbaba ng tawag namin.

"kakaiba pala mag-update ang isang Ferdinand sa'yo, Athena." ngiting sabi neto at naupo na sa katabi kong upuan dito

"ganon lang 'yon, Steph."

"ay, tina. basta ramdam ko may something sa mga galaw ni Sandro sa tuwing kausap ka niya." pangungulit pa neto sa'kin

"hindi mo ba pansin?" tanong neto

"ikaw talaga! nilalagyan mo pa ng malisya." tawa ko dito sabi

"totoo naman kasi ang sinasabi ko 'te, iba ang kilos sa'yo ng isang Marcos. teka hindi mo ba talaga napapansin?"

"napapansin ko pero normal lang 'yun 'nukaba."

"manhid ka ba, tina?"

"n-no i'm not!" pasigaw kong sagot, dahil hindi naman talaga ako manhid. ganon lang talaga ang napapansin ko kay Sandro

"teka tinatanong lang kita, defensive ka agad jan." tawang sabi neto kaya napalo ko siya sa braso

"ikaw kasi, hindi nga ako manhid 'te!" taray kong sagot sa kanya

"hindi ka manhid, ih nung may nanliligaw sa'yo nung first year tayo in college. halos wala lang sa'yo lahat ng efforts ng taong 'yon."

"come on, Steph. focus pa ako non sa acads and i don't like to enter in one relationship 'no." sabi ko dito, kasi wala talaga akong naiisip na ganon.

"pero pag nagkagusto ba sa'yo si Sandro, pagbibigyan mo ba?" isang tanong ni Steph sa'kin na mas lalong nagpagulo sa nararamdaman ko

hindi ko itatanggi na masaya ako sa tuwing nakakausap ko si Sandro, pero normal lang 'yon diba?

"i-i don't know." mahina kong sagot dito

Love or Career (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now