14

124 3 0
                                    

andito na ako sa loob ng kwarto, since mabilis lang naman ang byahe kahit na rush hour

agad na akong nagbihis ng pambahay at nag-ayos ng sarili tsaka tinawagan si Steph

"bakit napatawag ang Mrs.Marcos?" bungad agad neto pagka-appear ng mukha niya na naglalaptop

"be, ano bang nararamdaman mo pag nagseselos?" bigla tanong ng lumabas sa bibig ko, ewan ko bakit ganon na nangyayari sa'kin

"bakit mo natanong, tina? pag nakakaramdam ako ng ganiyan parang nawawalan ako bigla ng lakas at gana." sagot neto habang may acting pang nasasaktan

"selos na pala 'yung nararamdaman ko kanina." walang lakas kong sagot na agad namang kinagulat ni Steph

"Ano! Athena Dela Cruz?! nagse-selos ka?" gulat netong tanong na nakapagpatigil sa ginagawa niya

"ye-yeah, i think?"

"pero teka? kung nagseselos ka, kanino naman? at sinong dahilan?" agad namang tanong ni Steph sa'kin

"beh para kang reporter jusko! atat na atat?" inis kong tanong, dahil parang tanga lang kasi 'yung reaction niya

"sorry naman tsaka first time ka lang nagtanong sa'kin ng about sa gan'yang topic. sino bang taong dahilan ng selos mo?"

"si Sir" mahina kong sagot

"sinong sir 'te?" hindi niya agad nakuha

"jusko naman 'te, si Sandro kasi. ok na?" sagot ko sa kanya sabay kamot sa ulo ko

"HUH?! si Sandro ang dahilan? teka papano?"

"basta, hindi ko maintindihan bakit ganito nararamdaman ko....sa t-tuwing may nagpupuri saming tao na perfect daw kami as a couple, nasasaktan ako sa sinasagot niya. lalo na kanina, sinagot niya 'yung tawag ng gf niya sa harap ko pa." paliwanag ko kay Steph sa nangyari habang siya nakatutok lang sa pagkinig ng sinasabi ko




"tina, gusto mo nga si Sandro." biglang sagot ni Steph na agad ko naman pinagtaka





"a-ako? magkakagusto kay Sandro? baka nagkakamali ka lang, Steph?" tanggi kong sabi

"be, ikaw na mismo nagsabi na iba ang nararamdaman mo sa tuwing sinasabi niya lang na walang namamagitan sa inyo, lalo na nung kinausap niya 'yung gf niya sa harap mo pa."

"so means, etong nararamdaman ko for almost 2 months ay iba?" takang tanong ko dito, dahil miski ako gulong-gulo na rin

"oo teka? 2 months mo nang nararamdaman 'yan?!" gulat na tanong sa'kin ni Steph kaya tumango na lang ako bilang sagot.

"jusko ka! ba't hindi ko nahahalata?"

"ewan ko rin, baka nga hindi rin nahahalata ni Sandro ih." lungkot kong sagot, dahil sa tuwing magkakasama naman kami ramdam ko na hindi niya nahahalata o kahit nararamdaman 'yung nangyayari sa'kin

"bakit wala ka pang balak umamin sa kan'ya?" seryosong tanong sa'kin ni Steph na agad kong ikinataas ng kilay ko

"okay ka lang, 'te? may girlfriend na nga 'yung tao tapos aamin pa ako. wala rin namang mangyayari kung gagawin ko 'yan." sagot ko dito sabay ng pagtaray

nakakainis lang kasi

"pero tina, need malaman ni Sandro 'yung about sa'yo. napaka-panget naman kung mas lalo mong itatago 'yan samantalang 'yung taong dahilan ng nararamdaman mo kasama mo pa araw-araw at walang kaalam-alam." advice ito ni Steph, pero hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. kung aamin ba ako o iiwasan ko siya

"siguro, mas maganda na huwag na lang akong masyadong lumapit kay Sandro.

"eh ang tanong pag-ginawa mo ba 'yan, mawawala rin ba 'yung nararamdaman mo?" balik na tanong sa'kin ni Steph

"ay bahala na!" inis kong sabi

"basta tina, kung anong desisyon mo. andito lang ako ah. sige na may tasks pa akong tatapusin dito sa office namin. usap na lang tayo uli. bye!" paalam ni Steph sa kabilang linya

"sige, Steph. ingat, thank you sa time. bye!" paalam ko dito sabay kaway sa screen ng phone ko at ako na rin ang nagbaba ng tawag

pagkatapos nun ay agad akong nahiya sa kama, grabe pala. ganito pala ang pakiramdam ng selos

papikit na sana ako ng biglang may tumawag sa phone ko

"kakababa ko lang ng tawag, na-miss agad ako neto." tawa kong sabi sa sarili sabay kuha ng phone at hindi ko na tinignan kung sinong tumatawag kaya agad ko na itong sinagot

"hello 'te, katatapos pa lang nating mag-usap. namiss mo agad ako." bungad ko dito habang natatawa pa

"tina, are you at home na ba? hindi ka kasi nagca-chat sa'kin kaya nag-aalala na ako." sagot ng nasa kabilang linya na si.....






SANDRO




TF






ATHENA





NAKAKAHIYA!!




"hey, are you still there?" tanong ni Sandro

"ye-yeah, i'm here. nakauwi na ako. wag ka ng mag-alala." utal utal kong sagot

"thank God, you're safe. ok ka na ba?" tanong neto sa'kin

"yes, i'm good na." simple kong sagot

"good to know, tina"

"pero puso ko hindi." pasimpleng sabi ko dito

"w-what? ano 'yun, tina? sorry hindi ko narinig." dahilan neto pati ba naman 'yon hindi mo pa rin narinig?

"nothing. sige na, pahinga ka na." paalam ko dito

"ikaw rin, susunduin pa kita bukas."

"w-wag na sir, kaya ko nama-"

"kahit ayaw at sa gusto mo, susunduin kita. and 'di ba ang sabi ko sa'yo don't call me sir." seryosong sabi neto, aba siya pa may ganang magalit

"sinasanay ko lang sarili ko na maging professional SIR." diniinan ko talaga 'yung sir dahil naiinis na talaga ako sa kan'ya

"oh come on, tina. just call me sands na lang. ok ka naman kanina ah."

"ok naman na din po ako ngayon SIR." sagot ko dito, bahala siyang mainis jan

"i'm sleepy na, SIR. goodnight po." paalam ko dito

"goodnight din, tina. maguusa-" naputol na 'yung sinasabi ni Sandro sa kabilang linya dahil naiinis na talaga ako sa kaniya

"hindi niya talaga dama?" tanong ko sa sarili

"tsaka bakit ba ako naghihintay na mahalata niya? come on, Athena. nababaliw ka na siguro?" sabi ko sa sarili at tuluyan ng natulog.

Love or Career (Sandro Marcos Fanfiction)Where stories live. Discover now