KABANATA 22

145 4 1
                                    

"Ajax, why are you here?" I asked with my normal tone. "At saka... paano ka nakapasok?" tanong kong muli. Tiningnan ko ang likuran niya at hindi ko naman nakita si Yaya roon.

"Uh, I'm sorry. Pumunta ako rito dahil nag-aalala ako sa 'yo. I heard my mom talking to your mother about you. And I heard your mom found out about your relationship and that she disagrees." He said with sincere concern in his eyes.

Tumango ako, "I'm fine, Ajax. Hindi lang gaanong maganda ang pakiramdam ko dahil sa nangyari."

"Your maid said that you're still not eating yet."

I smiled sadly at him. "Nakatulog kasi ako."

"Mugto ang mata mo. You were crying since...?"

"Yesterday?" natawa ako nang bahagya. "But really, I'm fine, Ajax. Thank you for your concern. I appreciate it a lot."

"Tara sa dining area. May dala akong pagkain. I need to make sure you're not starving yourself because of this situation we have."

Tinalikuran niya ako at naglakad na palayo sa akin. Habang ako ay naiwan na nakatulala roon at pinapanood siyang lumayo.

Why is he this kind to me? After my rejection some days ago to him? Why is he acting as if he heard nothing from me? Mabait lang ba talaga siya at nag-aalala sa akin bilang kaibigan o gusto niyang kunin ang loob ko?

Whatever it is, I should not let my guard down.

Sumunod ako sa kaniya sa dining area at nakita ko siyang naghahanda ng mga dala niyang pagkain. Iba-ibang klase 'yon at masasabi mong masasarap lalo pa at galing sa isang mamahaling cuisine.

Napakamot siya sa batok nang makitang nakatitig ako sa mga dala niyang pagkain na ngayon ay nakahanda na.

"I'm sorry. I don't know how to cook. So... bumili na lang ako ng pagkain sa isang kilalang restaurant." He said apologetically.

I smiled and shook my head. "No, it's fine for me. I'm just looking at it because... uhm." Hindi ko na matapos ang sasabihin ko dahil nakatitig na siya sa akin.

He smiled at me. "Then, let's eat."

Pinaghugot niya ako ng silya para roon ako umupo. Dahil ayaw kong magmukhang maldita sa harap niya ay roon ako naupo. Siya naman ay sa kaharap kong silya naupo. Nilagyan niya ako ng kanin sa plato at lalagyan din sana ng ulam nang pigilan ko siya.

"Ayos lang, kaya ko naman kumuha." I refused him politely.

Tumango siya at ibinaba na ang hawak na ulam at hinayaan akong kumuha ng sariling pagkain. Kumuha na rin siya ng para sa kaniya. Nagsimula na kaming kumain nang tahimik habang panay ang sulyap niya sa akin. Medyo maiilang ako sa paraan ng pagtingin niya pero hinayaan ko na lang siya dahil ang rude ko naman kung aawayin ko pa siya dinalhan na nga niya ako ng pagkain dito.

Nami-miss ko tuloy si Blade. Nami-miss ko na agad ang luto niya para sa akin.

"Uhm... may I ask where's your boyfriend right now?" he suddenly asked. Napaangat ang tingin ko sa kaniya at nakita ko namang mukha lang talaga siyang curious kung nasaan si Blade ngayon.

"He has a family problem right now." I honestly answered him.

His eyes narrowed then looked somewhere else. Tila ba may iniisip na malalim.

"Hindi ka pa ba niya napuntahan dito?"

Nagsalubong ang kilay ko nang itanong niya 'yon. Medyo personal para sa akin 'yon at medyo insensitive ang dating para sa akin.

"Hindi pa and I understand him." I still managed to answer him without sounding offended.

Tumango siya at hindi na muling nagsalita.

Luscious Man Series 3: Danrev Blade MontilloDonde viven las historias. Descúbrelo ahora