Glossy PC

0 0 0
                                    

2-11-2024
Excuse my writing style. Sinusulat ko sa paraan kung pano ko sya kinukwento sa isip ko. Sorry, huhu.

I wrote the summary of this story para di ko makalimutan.

---

"SHOPEE PO! "

Dinig na dinig ang boses ng rider sa labas, kanina pa yata naghihintay. Agad akong bumangon sa higaan at hinanap ang wallet ko, pagkatapos ay lumabas na kahit wala pang hilamos o pagsipilyo.

Juice colored naman, Ala-syete pa lang, sobrang aga naman ni kuyang shopee.

"Thankyou po kuya " sabay abot ko ng tip na bente. Lagi na kasi sya saming nagdedeliver kaya kilala ko na rin.  Bente palang kaya ko ibigay, tsaka na pag bilyonaryo na ako.

Kinuha naman ni kuya, ang kaso ay agad ding umalis nang hindi manlang tumitingin, nandidiri ba sakin si kuya? Sabagay baka may laway pa ako sa bibig.

TANGINA!

Pagbalik ko sa kwarto ay tsaka ko lang na-realize. Naka-tshirt nga lang pala ako at walang bra! Parang mountain Everest tuloy ang mga joga ko. Charis lang, hanggang kababayan lang talaga yung akin pero size doesn't mother naman eh.

Mother? Matter? Ano ba talaga? Anyway...

Binuksan ko na yung parcel. Tagal Kong naghintay dito, pre-order kasi. 50pcs na customized photocard lahat. Ang mga pictures ay mula sa nakalkal Kong lumang folder na Puno ng mga senior high at college pics ko.

Magaganda lahat ng print, buti nalang glossy pinili ko. Pakak na pakak ang kulay, ang lakas pa maka-idol ng pc.

May nalaglag na maliit na envelope sa plastic. Aba! May pa-freebie si seller! 1million stars 'to sa akin.

May libreng 2 extra na picture pala. Yung isa ay yung picture ko noong graduation, tapos yung isa naman ay .....

TEKA...

Picture naming dalawa!! Picture pala namin ng best friend ko ito.    Tandang-tanda ko pa to. Pano ko nga naman makakalimutan, eh first love never dies.

Ang kaso nga lang, hindi ko na alam nasan sya ngayon.

I guess ito nga talaga yung tinatawag nilang TOTGA.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Glossy PCWhere stories live. Discover now