Pahina 01

13 0 0
                                    



September. 


Nais kong malaman mo na iniibig kita. Hindi ako naging interesadong kilalanin ka sapagkat pakiramdam ko ay gulo, pait, at sakit lang ang dala mo. Ngunit patuloy tayong pinagtatagpo ng tadhana. Nasisilayan kita bawat araw na dumaan. Simbahan. Pasilyo. Parke. Mga lugar kung saan kita tinitigan at hindi na muling binitawan. Nakakahalina ang iyong itsura. Tila ba ikaw ay isang libro sapagkat ang mga mata mo ay nagpapahiwatig ng maraming kuwento. Sana ay batid mong para kang buwan at bituin. Bukod-tangi at nag niningning. Sa tuwing nakikita kita ay bumabagal ang bawat minuto at bumibilis ang tibok ng puso ko. Araw-araw kong ipagdarasal na sana ay makamit mo ang lahat ng pangarap mo. 

Letters from the uncertaintiesWhere stories live. Discover now