Pahina 04

7 0 0
                                    


March. 


Nakakapanibago. Ibang tao na pala ang gusto kong masilayan sa bawat araw na dumaan. Ayaw na kitang makita ngunit ang tadhana ay mapaglaro. Parati tayong pinagtatagpo. Sa pasilyo ulit, kung saan una kitang nasilayan at tinitigan. Naisip ko lang, kung hindi kaya ako umamin sayo ay baka naging matalik na magkaibigan pa tayo. 

Magkaibigan. Hanggang doon nalang talaga ako palagi. Mainam na maging estranghero nalang kesa maging kaibigan mo lang. Sana ay maubos na ang nararamdaman ko para sayo. Sana'y tubig nalang ito sa baso na kapag naubos na ay papalitan na ng panibago. 

Letters from the uncertaintiesWhere stories live. Discover now