CHAPTER 3 Hallucination

75 4 1
                                    

STELL POV

Sumabay na rin ako kay Josh sa pamimili. Habang na namimili kami, dadak ito ng dadak, kahit anong pangyayari sa buhay nito ang nilalahad.

"Josh, ang ingay mo, alam mo yun" sinaway kuna ito, dahil maraming mamimili ang naagaw ang atensyon dahil sa sobrang ingay nito.

"Ahh, pasensya na, di ko namalayan napa dadak na pala ako hehehe" sabay peace sign nito.

Hindi ko na pinansin ito, nagpatuloy nalang ako sa pamimili. Sumunod nalang ito.

"Stell? Bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan si ken?" Sunod-sunod na tanong nito.

Napatigil ako dahil sa tanong nito. Naalala ko naman ang last moment namin na magkasama.

"Wala na si ken,Josh, tatlong taon na ang nakalipas simula ng nawala ito." Nagbago bigla ang expression nito, na tila kanina masaya, ngayon ay parang dismayado sa nalaman.

"Bakit ano ba kinamatay ni Ken?" Dismayado pa rin ang expression nito. nakakalungkot man sagutin pero sinagot ko pa rin ang tanong ni Josh.

"Nabangga ng Truck habang nagmamaneho ito. Josh, wag na natin pag-usapan. Baka next time pag okay na ang lahat ay ikwekwento ko ito. Pero sa ngayon wag lang muna."

Kahit pilit ko pa rin kalimutan ang kahapon, bumalik at bumalik parin.
Mukhang naintindihan namn ni Josh, yung ibig kong sabihin. Kaya di na ito nagtanong pa.

Nagbayad na kami ni Josh, Pagkatapos ni Josh magbayad ay ako naman ang nagbayad. Pagkatapos namin magbayad, lumabas na kami.
Nasa labas na kmi ng 7/11. Sa di kalayuan ay nakita ko si Ken.

Kinusot-kusot ko naman agad ang mata ko, pero pagmulat ko ng mata ay wala na ito sa lugar kung saan ko ito na kita.

Guni-guni ko lang yata, may patay ba na mabubuhay. Hasytt ano ba Stell, patay na yung tao. pabulong kung sabi.

Time after time (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon