Our family decided to go to La Union after Christmas. It's just an hour away from Baguio. All of my cousins and the rest of our family are with us. It's a staycation. I actually don't know how many days we'll stay here.
Kakapost ko pa lang ng bikini pictures ko sa Instagram ay dinumog na kaagad ng mga kaibigan ko. Nakahalukipkip ako habang nakaupo sa rocking chair sa veranda ng hotel.
quinnvalerie and 228 others like your post.
quinnvalerie : sino ka d'yan
dheiaurica : so ganda!
itsyoboyallen : #beattheheat #summertimesaga
jacqueline_v : iba talaga ang may dilig.
rileykai : hindi man ako kasing matcho ni johnny bravo pero itataya ko sayo lahat pati bato
Umirap ako. Kaunti na lang, iblo-block ko na silang lahat.
Isang notification lang ang nagpaahon sa akin mula sa paghiga. Nicklaus liked my picture. Hindi pa ako tapos magulat doon nang isa-isahin niyang pinagla-like ang mga pictures ko sa Instagram!
I refreshed it for 30 minutes. Umabot na siya sa dulo ng posts ko sa Instagram. Lahat iyon ay pinag-lalike niya!
I thought he was done after that, but my phone vibrated and popped his profile, requesting a video chat.
Inayos ko ang aking crochet bikini top. I made my boob pop up more. The afternoon glow of the sun in La Union felt good in my fair skin. Namumula ng kaunti ang mukha ko galing sa init. It made my cheek look even more rosy. My hair is curly because I just removed it from its braids.
I opened the camera. Bumungad sa akin si Klaus na nasa kama. He's wearing nothing on top. Nakadapa siya at yakap yakap niya ang unan niya. His hair made him look like he just woke up from a nap. Namumungay pa ang mga mata niya.
From his background, I saw that he was at home. At his apartment. Napabangon ako doon.
"You're home," I said it like I was gladly surprised. Inayos ko ang tono ko. "You're home, Klaus."
He smirked. "Yes. Just landed 5 hours ago."
Tinikom ko ang nangingiti kong mga labi. Oh, ano ngayon, Blair? Buhay ka na naman. Masaya ka na naman?
"Okay..." sabi ko at tumitig sa dagat.
I heard him sigh. "Ikaw naman ang malayo..."
Tinignan ko siya. "Well, I'll be home soon."
His lips pouted a bit. "When?"
Ngayon na, kung gusto mo, Klaus.
I shrugged. "Ewan. Kapag na-bored ako dito."
"I want to see you, though."
Iniwasan kong tumingin sa camera. I was just scared that my knees would turn jelly as soon as I looked at those eyes. Because I know I could go home instantly. With just those pleasing eyes.
Lumunok ako. "You're looking at me."
Humugot muli siya ng buntong hininga. "Send me a picture, then."
Nilingon ko siya. Tumaas ang kilay ko. Hindi ko maiwasan na matawa. He looks like a kid wanting me to buy him his favorite candy. Nagsasalubong na ang kilay niya. Hindi mo alam kung matatawa ka o maaawa.
"What picture, Klaus?"
"Yours," he said. "You posted a picture. Send me the ones you didn't post."
"Bakit? You don't want those pictures I posted?"
