TATLUMPUT APAT

155 5 0
                                    

Carina's POV

Ilang minuto lang ang byahe namin pabalik ng Maynila mas mabilis daw kasi ang eroplano kaysa barko saka naka-park daw sa Airport  Terminal 3 ang kotse ni Argus at panigurado daw na malaki-laki na ang babayaran niya dahil sa pay-parking daw niya iniwan ang mamahaling Sasakyan. Pero worth it naman daw dahil kasama na niya kami ni Baby. Masuyo ako ginawaran ng halik ni Argus habang naglalakad kami pababa ng eroplano bitbit niya ang mga bagahe namin na hand carry lang naman.

Tinahak namin ang direksyon kung saan nakaparada ang kulay itim niyang Maybach pinagbuksan niya ako ng pinto ng passengers seat saka ako inalalayan sa pag-upo maingat niyang sinara ang pinto sa gawi ko bago umikot sa drivers seat pagkapasok niya at agad itong halil sa labi ko bago ilagay sa backseat ang mga dalahan.

“Sa Mansyon tayo. Siguradong magugulat si Ate Amelia hindi ko pa kasi sinabi sa kanilang nakita na kita.”

Ayun na naman ang kaba ko gaya nung araw na natuklasan ni Mama ng buntis ako at si Argus ang Ama. Nanlalamig ang mga palad ko para akong hihimatayin sa lakas ng dagundong ng puso ko paano kung hindi pa rin ako napapatawad ni Mama lalo na ngayon na masmalaki na ang tiyan ko kaysa dati.

Bumalik ako sa reyalidad ng tapikin ako ni Argus sa hita ko saka ako nito binigyan ng determinadong ngiti.

“I'm with you kaya wag kang matakot kakausapin ko si Ate Amelia na kukunin kita sa poder nila ni Kuya Apollo.”

“K-kukunin mo ako?”

“Yup! Sa akin ka na titira simula ngayon. Bakit ayaw mo ba?”

Nakagat ko ang labi ko pano mukhang tutulo na naman ata ang mga luha ko eh.  “S-salamat, Argus. Hindi mo naman kailangang gawin ‘yon hindi pa naman tayo kasal diba.”

Sinulyapan ako nito bago paandarin ang kotse.  “Gusto kong lagi kang katabi sa kama ko syempre namiss kitang yakapin at si Baby na rin.”

Tuluyan na ngang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan bahagya akong yumuko para itago ang mukha ko saka ko itinuon sa mabilog kong tiyan ang mga mata ko habang sige ang haplos ko medyo sumisipa kasi si Baby mukhang nagustuhan niya ang sinabi ng Papa niya.

***

Bumukas ang malaking gate ng Mansyon ni Tito Apollo, talagang hindi ko mapigil ang kaba ko kahit pa sinabi ni Argus na kasama ko naman siya hindi ko maiwasang manginig at matakot kay Mama.

Huminto ang kotse na sinasakyan namin sa harapan ng malaking pinto ng Mansyon naunang bumaba si Argus. Mula sa pintuan ng Mansyon ay napansin ko si Mama na agad na nakatayo doon tinanguan ito ni Argus na sinagot naman ni Mama ng tipid na kaway hindi nga pala niya alam na nakita na ako nu Argus.

Nakatitig lamang ako kay Mama ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita na niya ako. Naitakip ni Mama ang mga kamay niya sa kanyang labi ng umikot sa gawi ng kinauupuan ko si Argus saka iyon binuksan. Inilahad ni Argus ang kaliwang kamay para alalayan akong makalabas. Kinapitan ko ng mahigpit ang malaking kamay nito simula sa araw na ito itong kamay na ito ang magsisilbi kong lakas para magpatuloy. Kagat-labi akong umahon mila sa kinauupuan ko at naka yukong tumayo sa tabi ni Argus.

“C-Carina!”  Garalgal na tawag sa akin ni Mama laya nag-angat ako ng tingin, mabilis ang bawat hakbang niama palapit sa akin.

Napaatras ako ng malapit na sa akin si Mama natatakot akong baka saktan niya ako. Hahakbang pa sana ako paatras ng maramdaman ko ang matigas na braso ni Argus sa balikat ko. Hindi na ako nag-angat pa ng tingin sa kanya nanatili kay Mama ang mga mata ko.

Bumagal ang hakbang ni Mama ng ilang hakbang na lamang ang layo namin sa isa't-isa saka niya ako hinagod ng tingin bumuhos ang mga luha ni Mama ng mapako ang mata niya sa mabilog kong tiyan.

Nanginginig ang mga labing nagsalita si Mama.  “A-Anak…”

Kahit pinagtabuyan niya ako noong panahong higit na kailangan ko siya para gumabay sa akin sa pinagdadaanan ko ay hindi ko magawang magtanim ng galit sa kanya alam ko naman sa sarili ko kung gaano ako kahalaga kay Mama nagkataon lang na nabigla siya at nasaktan.

Binalingan ni Mama si Argus.  “S-salamat. I-inuwi mo ang Anak ko— pwede ko ba siyang mayakap?” 

“No problem, Ate Amelia. Basta wag mo lang siyang sasaktan.”  Matigas na sagot ni Argus nakahinga ako ng maluwag dahil may kakampi na ako pakiramdam ko ngayong mga oras na ito walang pwedeng manakit sa akin kahit si Mama dahil nasa tabi ko na ang Tatay ng Baby.

Inalis ni Argus ang braso niya na nakaakbay sa balikat ko para mayakap ako ni Mama pero hindi siya lumayo sa akin.

Muling humakbang si Mama nanginginig pa ang mga kamay niya ng tuluyan niya akong makulong sa mga braso niya napapikit ako ilang gabi ko ding inayakan ang pagkakalayo naming mag-ina.

“C-Carina, Anak patawarin mo ako hindi ko sinasadya. Mahal ka ni Mama.”  Turan ni Mama habang sige ang hagulhol.

Gumanti ako ng yakap.  “S-sorry po Mama k-kung sinira ko po ang mga pangarap nyo para sa akin— Mama m-magiging Lola na po kayo sana po matanggap nyo po ang Baby namin ni Argus.”

Sunod-sunod ang pagtango ni Mama habang nakayakap sa akin.  “Oo naman syempre Apo ko iyan! Mahal na mahal ko kayo alam mo yan lahat ng ginagawa ko para sayo diba n-nabigla lang talaga ako k-kaya nasaktan kita pero pinagsisisihan ko ang lahat maniwala ka. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya dahil nandito ka na.”

Mula sa pagkakayakap ay ikinulong ni Ma sa mga palad niya ang mukha ko saka ako dinampian ng halik sa noo gaya noong bata pa ako sa tuwing umiiyak ako dahil inaasar ako ng mga kaklase ko. Napangiti ako walang nagbago kay Mama ganito siya maglambing sa akin. Si Mama lang ang kasama ko noong mga sandali na pinagtatawanan at inaalipusta ako ng lahat dahil sa pagiging mahirap ko at dahil sa Anak ako ng Babaeng nagbebenta ng aliw. Malayo na ang narating naming mag-ina tingin ko isang pagsubok lamang ang nangyaring samaan ng loob sa pagitan namin mananating si Mama pa rin ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko kahit pa magkaroon na ako ng sarili kong Pamilya hinding-hindi ko siya pababayaan gaya ng ginawa niya maitaguyod lang ako.

“Mahal ko din po kayo Mama.”

“O tama na yang iyakan nyong mag-ina pumasok na kayo dito sa loob para makapagpahinga naman yang si Carina.”  Nakangiting turan ni Tito Apollo.

Mahigpit na hawak ni Mama ang kamay ko saka kami marahang naglakad papasok ng Mansyon habang kasunod naman namin si Argus.

Niyakap ako ni Tito Apollo.  “Welcome home, Carina.”

“Salamat po.”  Nahihiyang turan ko.

“O tara sa dining area nagpahanda ako ng makakain tiyak na gutom ka na tignan mo nga naman at malaki na pala ang tiyan mo! Aba! Excited na akong maging Tito-Lolo!”  Natatawang saad nito kaya lalo lang akong nahiya.

Magkakasama kaming kumain tahimik lamang ako habang nakikinig sa pag-uusap nila Mama, Tito Apollo at Argus. Tinotoo nga ni Argus ang sinabi niyang hihingin niya ang kamay ko kay Mama. Natigilan tuloy ako sa pagsubo at nagkatinginan kami ni Mama pigil ko ang hininga ko habang inaantay ang sagot ni Mama.

Ngumiti si Mama.  “Basta ingatan mo ang Anak ko at Apo.”

“No worries, Ate Amelia. Aasikasuhin ko na po ang Kasal gusto ko po kasing Apelyido ko ang gagamitin ng Anak namin kaya bago siya manganak pakakasalan ko po siya.”

Isang may pagmamalaking tango ang isinagot ni Tito Apollo.  “I'm proud of you Argus.”

“Salamat kung yan ang plano mo Argus.”. Sagot ni Mama.

Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Argus. Agad naman ako nitong inalalayan para hindi ako mahulog sa kinauupuan ko.

“Carina, may masakit ba sayo?”

Umiling ako.  “Nahihilo lang ako.”

“Ganyan talaga kapag buntis ang mabuti pa eh magpahinga na muna kayo sa kwarto baka napagod din ang Anak ko sa byahe pabalik dito.”

“Okay, Ate Amelia.”

Tatayo na sana ako ng bigla akong buhatin ni Argus kaya hindi na ako nakatutol pa kumapit na lamang ako sa leeg nito baka kasi mahulog ako. Baka nga napagod ako sa byahe. Para akong dinuduyan habang kalong ako ni Argus sa mga bisig niya hanggang unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Inaantok ako. Sana hindi ito panaginip. Sana paggising ko nasa tabi ko pa rin si Argus.

Captiva Decus (Voice Over at Marie Calvajar Love Stories YT Channel)Where stories live. Discover now