she save my daughters life

1.5K 31 11
                                    

Ah miss pwede bang umabante ka na wala ng tao sa harapan mo oh kanina kapa namin hinihintay umabante hindi ka manlang naiingli dyan sita ng babae na nasa likuran ni Sen.

Pasensya na po hindi ko po napansin chinecheck ko kasi kung nadala ko ba lahat ng requirements na kakailanganin sa pag aapply ng trabaho paliwanag niya saka nag madaling tumayo at lumipat sa unahang upuan.

No need to explain tsaka bakit kasi dito mo inaayos yang requirements mo wala ka bang bahay? masungit na tanong sa kanya ng babae.

Imbis na sagutin ang tanong ng babae ay mas pinili na lang niyang manahimik kaysa makipag talakan mukhang hindi rin kasi mag papatalo ito.

" Good morning Lorelei, ito na lahat ng mag a-apply kayo na ba mag iinterview o kami na?" tanong ng kanyang personal assistant ng maka baba siya sa sasakyan.

" Oo please kasama ko kasi si Lindsay alam mo naman yung anak kong yun kung nasaan ako nandun din siya" sagot ni Lorelei sa kanyang assistant.

"Mommy wait for me.... hindi ko makita si banyca did you get it?" tanong ng kanyang anak na 7 years old na aligagang hinahanap ang kanyang manika.

" Yes baby.... Come here na" tawag niya rito mabilis namang lumapit ang kanyang anak "Goodmorning po tita Thida" magalang na bati ng bata.

" Goodmorning Lindsay how's your school?" balik niyang tanong habang nilalaro laro ang ulo ng bata "It's fine po"

" Mabuti oh siya sumunod kana kay mommy mo medyo mainit dito " utos ni Thida sa bata na agad ding sinunod.

" Thida.... Tingnan mo itong isang nag apply may potential siyang maging model" sambit ng kanyang kasama habang naka tingin sa computer lumapit naman si Thida upang tingnan.

" Anong pangalan?" tanong niya habang tinitignan ang picture " Lada Wongsawat, 24 years old " sagot ni Ploy na naka tutok din sa computer.

" Wongsawat? Thai yata yung surname na yon sige approved n yan " wika ni Thida saka tinawag " Miss Lada Wongsawat? " sigaw niya tumayo naman ito pagka tawag niya.

"Approved ka Miss bukas bumalik ka kasi titingnan namin yung mga damit na bagay sayo pwede mong i model " bilin ni Thida.

" opo ma'am maraming salamat po" naka ngiti niyang sabi.

" Walang ano man makakauwi kana" bago lumabas si Lada pinuntahan niya muna ang kanyang kaibigan.

" hoy Sen good news na approved ako.... sa wakas matutupad ko na yung pangarap kong maging model ni Miss Lorelei " kinikilig niyang sabi.

" Buti kapa na approved sana ako din..... " malungkot niyang sabi.

" Ano kaba? wag kang mawalan ng pag asa tandaan mo hanggat may buhay may pag asa kaya tiwala lang " pag papagaan ng loob ni Lada.

" parang ako naman ang nag sabi sayo non eh..... teka uuwi kana ba?"

" hindi pa.... hihintayin kita, alangan namang iwanan kita dito eh sabay tayong nag apply hihintayin na lang kita sa labas " Lada.

Lumipas ang mahabang oras ngunit dismayadong lumabas si Sen hindi siya natanggap as a model ng StarGlow Model Company, hindi niya napigilang huwag maiyak ng siya'y tuluyan ng makalabas agad naman siyang kinomfort ng kanyang kaibigan.

StatueWhere stories live. Discover now