ADLK - 10

305 20 3
                                    

Miss Lorie thank you nga po pala sa Guitara na ibinigay niyo sa akin nahihiyang sabi ni Sen.









Walang ano man nakita ko lang kasi sa mga post mo mahilig ka palang kumanta at mag piano nabasa ko din yung Shared Post Mo Manifesting Guitar? kaya ibinigay ko sayo yung isa kong guitara paliwanag ni lorie habang naka upo sa swivel chair niya at nag cecellphone.









Alam niyo po Facebook account ko? takang tanong ni Sen tumango naman si Lorie, kinuha ni Sen ang kanyang cellphone sa bulsa at binuksan ang kanyang FB tiningnan niya lahat ng friends niya sa facebook wala naman siyang na kitang pangalan duon ni lorie, hindi naman po kita friend sa FB eh saad ni Sen.









Bakit gusto mo ba akong maging friend sa FB? tanong ni lorie hindi pa nakakasagot si Sen ng mabilis niyang hablutin ang cellphone nito, nagulat pa si Sen dahil sa ginawa niya.










Saglit lamang at ibinalik na muli ni Lorie ang cellphone kay Sen at bumalik ang attention sa kanyang cellphone na-accept na kita so mutual na tayo naka ngiting saad ni lorie.









Mutual Friend pero Hindi Mutual Feelings wika ni Grazia na nakapasok lang sa office na nag sisimula na namang mang asar.








Oh ano na namang ginagawa mo dito DisGrazia pang aasar ni lorie natawa naman si Thida.









Aba't nakahanap ka ng pang asar sa akin ah...... Pero okay lang the best parin yung Lexie Lore mo - Grazia.









Ay walang tatalo sa DisGrazia mo everytime na tinatawag mo ako na didisGrazia ako tumatawang wika ni lorie.









Happy Yarn....... Pairap na sambit ni Grazia.









Siya nga pala Lorie na ayos ko na yung mga dadalhin natin sa London for Runaway si Lada ang final walk natin kasi solo siya tapos kayong dalawa ni Sen ang partner tapos kami naman ni Grazia na confirm ko na yun sa admin - Thida.









Sabay sabay silang napalingon ng may biglang kumatok miss lorie na sa labas po yung asawa niyo wika ng Guard pandalas namang lumabas si Lorie kasunod sina thida.











Ikaw na naman Belle? Ano na namang bang kailangan mo kay Lorie inis na wika ni Thida.










Gusto ko sana siyang makausap yung kaming dalawa lang seryosong sambit ni Belle.










Tapos ano bibilugin mo na naman ang isip ni lorie nakakainis kana...... - Grazia.









Ano na naman ba kasing kailangan mo sa akin akala ko ba kapag binigyan kita ng pera lulubayan mo na kami ng anak ko! Mas pinili mo yung lalaki mo diba? Inutusan kaba niya na muling humingi ng pera sa akin dahil naubos niyo na yung perang ibinigay ko? Kung hihingi ka parin ng pera bibigyan kita ng 20Million at wag ka ng mag papakita sa amin ng anak ko kahit kailan yung annulment natin na pirmahan ko na tapos na tayo gigil na sigaw ni lorie.










Lorie hindi ako hihingi ng pera gusto kitang makausap dahil gusto kong maayos ang pamilya natin mahal na mahal kita alam mo yan hindi ko pipirmahan ang annulment natin seryosong sabi ni Belle.










Wala na tayong dapat pag usapan pa maraming beses na kitang binigyan ng chance pero hindi ka nag babago kaya't mas mabuting tuluyan na tayong mag hiwalay saad ni lorie.








Sa tingin mo ba gugustuhin ni Lindsay na mag hiwalay tayong dalawa sa tingin mo ba matutuwa siya kapag nalaman niyang ang mga magulang niya'y hindi niya na makakasama ng magkasama? - Belle.









Edi sana yan ang inisip mo bago ka ng nang lalaki sana inisip mo ang anak ko bago mo inuna yang kakatihan at kalandian mo........ parang ako pa yung gina-gaslighter mo ah singhal ni Lorie.









Alam mo naman yung reason ko kung bakit ako nanlalaki hindi ba? Wala kang oras sa akin lagi na lang trabaho at anak natin ang iniisip mo paano naman ako Lorie - Belle.








Napa buntong ng pagkalim si Lorie at saglit na lumingon nakita niya si Grazia na naka crossarm habang naka tingin sa kanila si thida naman at si Sen magkahawak ang kamay na seryosong nakikinig sa kanila.









Napaiwas ng tingin si Sen ng magkasalubong sila ng tingin ni Lorie.









No! kahit anong sabihin mo wala ka ng babalikan kung gusto mo pang makita si Lindsay hahayaan kita irerespeto ko yun dahil ikaw ang ina niya pero about us tapos na tayo na pirmahan ko na yung annulment bahala kana kung pipirmahan mo o hindi matigas ngunit may sinseridad niyang sabi tara na sa loob huling sabi niya saka tinalikuran si Belle.










Wag kang susunod belle hanggang dyan ka na lang mataray na sambit ni Grazia saka sumunod sa tatlo.

StatueWhere stories live. Discover now