Part 7

569 20 0
                                    

Kreigh's Pov

" Salamat ho ma'am" pasalamat namin ni mama sa aming suki , halos buwan buwan sila ummoorder ng ilang box ng cocoa , ibinibigay daw at stocks ng amo ni ate.

Di na namin natanong kung sinong amo nya ,  lubos akong nagpapasalamat sa kung sino man sya malaking tulong din ito sa amin ni mama .

Sumakay na ako ng motor na pinahiram sa akin ng pinsan kong si Dean after naming madeliver ang orders .

Nakita ko naman si manang na sumakay sa magarang sasakyan .

Sandali parang pamilyar yung taong yun ah? parang nakita ko na kung saan . Mabilis itinaas nang lalaki ang bintana ng sasakyan at umalis na ito .

sino kaya yun? sya ba yung amo ni ate?

Pamilyar talaga ang lalaking may kaedaranan na .

Hala baka secret admirer ko? ano yun mag eespadahan kami HAHAHHAHHA

Nakarating kami sa bahay na tila ay bumabagabag sa isip ko .ang weird

"ateeeee , mama "

lumapit si Drae sa amin , nagmano sya kay mama at niyakap naman nya ako .

"dba sabi ko wag kang lalabas ng gate at ikaw lang ang mag isa dito , nakipagchismisan ka nanamn siguro kay aling marites" natatawang ginulo ang buhok nito.

"hi"

Devonne?

Ginawa na nya atang tambayan ang bahay , di naman ako nagrereklamo .

Gustong gusto ko nga eh hehehe

"oh iha nandito ka pala , kanina kapa ba rito? kumain kana? nang mapaghanda kita "

alok sakanya ni mama , lagpas lunchtime na kase

"I'm good na po tita , actually hinahanap po kita may need lang akong idiscuss sa inyo about the business, mabuti at dito si Drae at pinapasok ako "

Panay na ata ngiti nya noh? pero bat sa iba ang bait nya tapos sakin kulang nalang mahulog eyeballs nya kakairap

Nakasuot lang sya ng simpleng oversized shirt at black short shorts , ang haba at kinis ng mga binti . Sana all

Pumasok na kaming lahat sa loob at sinimulan na ninong magdiskusyon ,pinapacheck nya kay mama kung okay naba yung mga naorder jyang gamit at dmidedeliver na dito bukas .

"I would like to invite you sana tita sa site , nakapagsimula na sila sa pag gawa ng production house nung monday"

ang bilis naman ata , ganon nya lang kabilis na deal ang lahat? ang dami nyang time

galak na galak namang pumayag sina mama at nagsabinv mag aayos na .

" huy unggoy "

kita mo , ang bait sa iba tapos nav iibang anyo sakin

"oh siopao"

"tulala ka always "

"eh kase may magic kaba? bat ang bilis mo.naman atang naayos lahat? "

di maitatago ang amusement sa aking tinig

" well I'm Ver Devonne Larzi noh , easy pisssssyyyyyy , pahingi nga ako ng tubig "

kung dati rati ay mahiyain yan rito , ngayon naman ay sya na ang kusang nagbubukas ng ref Hahahhaahahha

" bat di kapa magbihis? "

"ang poganda ko na nga oh , no need "

"gosh kadiri "

kunot noo itong lumapit sakin at inayos ang buhok ko , pinunasan nya ng dalang panyo ang noo ko pababa sa leeg .

A LESSON I NEVER MEANT TO LEARN ( GXG ) (intersex)Where stories live. Discover now