Part 32 ( Edited )

654 32 7
                                    

Kreigh's Pov

"Parang awa na ma'am kahit yung anak ko nalang ang tanggapin nyo , kahit sya nalang maawa po kayo " biglang lumuhod si mama sa paa ng babaeng matapobre , sa gilid lamang ako ni mama at nagtataka sa nagyari , 4 nataong gulang palang ako

" Umalis na dito ang asawa ko , wala sya dito kaya umalis kana , umalis na kayo nang bastardang yan ! " masama akong tinignan ng babae , napayuko naman ako

" Parang awa nyo na , kahit wag nyo nang sabihin sa asawa nyo na anak nya to , tanggapin at alagaan nyo lang ang bata "

" Walang hiya ka ! nagpabuntis ka sa lalaking ikakasal na ibibigay mopa sakin ang bunga ng pagkakamali nyo ? "

mas napaluhod na si mama sa sahig habang ako naman ay naiiyak na habang tinitignan sya , bakit nya inaaway ang nanay ko?

" umalis kana ! umalis na kayo ng batang yan" kinaladkad nya palabas ng gate si mama at naiiyak naman akong napayakap .

" wag po " iyak ko nang sasampalin nya na si mama .

"wag po maawa kayo sa amin " paruloy parin ang pagdaloy ng mga luha ko . hindi ko kayang makitang ginaganyan nya ang nanay ko

" mga salot kayo at mabababang uri ng tao wag na wag kayong lalapit sa pamilya namin " dinuduro pa kami ng babae .

" ikaw na bata ka paalisin mo na yang nanay mo bago pa dumating ang asawa ko !

" oh eto , yan naman ang gusto mo dba? chupe alis na ! " tinapunan nya kami nang pera at naiiyak na pinulot ni mama , hindi iniinda ang dumudugong tuhod nya sa pagkaladkad sakanya ng babae .

" ayan madami pag pera para naman tumahimik ka , wag kang magkakamaling sabihin sa asawa ko yang pagkakamaling nagawa nyo , itago mo yang anak mo kung ayaw nyong masaktan "

pinagtatapon nya mga pera sa harapan namin , dinuraan nya pa muna kami bago tumalikod . Tinignan ko sya ng puno ng sama ng loob .

Ang sama ng ugali ng mayayaman .

" ma bakit sya ganon ? hindi ka nya daat inaaway "

" hayaan mo naanak , ngkamali rin ang mama hmm " hinalikan nya sa noo habang umiiyak

" anak tara na umuwi na tayo at lumalalim na ang gabi " umiiyak akong napayakap kay mama habang naglalakad kami .

Gusot gusot na ang damit nya at gulomg gulo ang buhok nito dahil sa pagsabunit sakanya ng salbaheng babae

" ma wag kana iyak "

" Ang sama ng ugali nya "

" hayaan mo na anak wag na wag kang lalapit sa babaeng yun ha "

A LESSON I NEVER MEANT TO LEARN ( GXG ) (intersex)Where stories live. Discover now