008

6 0 0
                                    

“I’ll take you home,”

Dahlia can not even talk. She closed her eyes and lean on me. Napagod na siguro siya sa pagwawala kanina sa rurok ng pagkalasing kaya hindi na siya makagaslaw ngayon. Mabuti naman, ayaw kong mag-alaga ng wild na wasted.

I took her to my condo and surely, she’s aware. Alam niyang hindi siya puwedeng umuwi na ganito ang hitsura, alam na alam ko rin kaya nga rito ko na siya dinala. I put her down to bed, ubos na ubos ang lakas niya dahil hindi siya nagrereklamo at nagsusungit ngayon.

“You want me to call someone to clean you?”

“I’m sleepy, let it pass.”

I shrugged. “Sabi mo, e.”

Pero kumuha pa rin ako ng bimpo at planggana para punasan kahit ang mukha at braso lang niya. Bubungangaan lang ako nito bukas kapag nagising siyang malagkit ang pakiramdam ng katawan. Kumuha na rin ako ng tubig bago pumasok sa kuwarto.

“Drink this first before you sleep,”

Ayaw niya pang tumayo kaya pinilit ko pa. Alcohol is all over her body, hindi ko alam kung paano pa siya nakaka-keep up. Nang maubos niya iyon ay nahiga ulit ito, naupo ako sa gilid ng kama.

“Pupunasan kita ng kaunti, ha?”

“Bahala ka...” May bahid ng pagsusungit pa rin.

Why am I even doing this nang paulit-ulit? I am always in charge of taking care of wasted Dahlia even if it is not my responsibility to do. Is it still part of a friend’s duty? Ah, ewan. But one thing is for sure, I love taking care of her.

•••

(iv) burnoutWhere stories live. Discover now