014

2 0 0
                                    

“Gatas,”

Ipinatong ko sa gilid ng center table ang baso. Nakaupo siya sa lapag at kaharap ang mga papel niya pero nakatuon naman ang atensyon sa phone.

“Nagyayaya si Ever bukas.” Aniya, hindi ako nililingon.

“Are you going out with them?”

Naupo ako sa tabi niya at pinakialaman ang mga papel na nagkalat sa mesa maging sa sahig. She looked stress but not at all. Nas-stress lang siya kapag nakikita ang mga gagawin niya pero wala pa ring ginagawang aksyon. Tulad ngayon.

“Hindi pa sure. Dami kong hinahabol.”

“Sa weekends na lang, Dal.” I suggest.

Ramdam kong lumingon siya sa akin. Hindi ko siya tiningnan pabalik, sa halip ay binuklat ang folders niya.

“Mag-aral ka muna. Tutulungan naman kita.”

•••

(iv) burnoutWhere stories live. Discover now