Chapter 8

4 1 0
                                    

Sam's pov

Pagatapos ng shooting range training pinabalik sila ng mga military instructors para makapagpahinga silang lahat dahil bukas naman ay tutungo sila sa kabundukan, si daniela naman ay pinipilit na huwag ipakita ang sakit ng katawan niya.

"Nu bayan buddy" si daniela ay nakaupo sa higaan.

"Bakit ano bayon?" Tanong ni sam sabay punas ng lamesa dahil wala naman siyang gagawin at hindi rin napapagod.

"Magbubuhat daw kami ng mga equipments sa gym, potek sam alam mo bang sawang sawa na ako" padrama drama niyang iyak.

"Yan kasi pumasok sa PMA walang plano, kaya mo yan ilang taon nalang makakatapos narin tayo" tumigil siya sa paglinis at tinignan si Daniela.

"Wow ha grabe, Nevermind nalang titiisin ko. Ganda naman ng babaeng senior kanina yung pumalit kanina sa pandak na senior, ang ganda no-" nagulat si daniela nang hinampas siya sa mukha ng kaniyang unan mula sa kaniyang higaan.

"Wag managinip ng gising mag ayos ka ako na bahala sa dorm natin" seryoso niyang akma at pagtalikod niya ngumiti siya ng patago.

"Hahah grabe naman, may sasabihin pala ako sayo kanina"ngiti ngiti niyang akma sabay sa pagkuha ng kaniyang tuwalya sa kaniyang cabinet.

Tumahimik lang si sam sa pagaayos ng kaniyang mga libro at alam naman ni Daniela na nakikinig ito sa kaniya.

Kaya kinuha ni daniela ang oppurtunidad para sabihin.

"Alam mo nung kumakain tayo sa cafeteria may nakatitig sayo na babaeng senior" linagay niya ang tuwalya sa balikat at kinuha din ang mga kagamitan niya para sa pagligo niya.

"Ganon talaga syempre senior yun, laging nakabantay sa atin" nirasonan niya ito.

"Hindi eh, di ganon. Kasi ang tagal ng titig sayo siguro mga ilang minuto. May rason yun" nag isip ni Daniela ng ilang segundo at napasabi ng *aha*

"Baka tipo ka nun"

Napahinto naman si sam sa pag punas ng book shelf, at liningon si daniela na may ngiti

"alam mo Daniela you're considered as late sa gagawin mo kung may oras and second sira talaga yang ulo mo, kaya please maligo kana kasi mabaho kana" napabuntong hinga ito.

"Alright im leaving na ha, goobye sayo maganda kong buddy" lumakad siya papuntang pinto sabay gewang gewang, huminto ito at naging seryoso sa paglabas sa dorm.

Sam's pov

Hindi rin makuha kuha sa isip ni sam ang senior, mula sa amoy at hawak.

Humina ang pagpunas niya sa pen holder at inisa isa ang bawat natatandaan niya mula sa ginawa ng babaeng senior sa kaniya.

Ang amoy niya nung malapit siya kay sam, ang bango, ang amoy niya kahit babae magugustuhan ito. hindi masakit sa ilong ngunit matapang ang kumakapit kahit sa t-shirt niya kanina kapingkapit.

Ang mga kamay niya ( kinuha niya ang isang kamay na nakahawak sa pencil holder at tinitigan ito ) nakahawak sa kamay ko, napaka-higpit at mainit ang kanyang palad.

Nakatayo lang si sam iniisip ang lahat pero nagpupunas padin ito ng mesa ni Daniela ( desk ).

Nagiisip din si sam kung bakit kailangang pang pisilin ng babae yun ang bewang niya, mas maiintindihan niya kung hinawakan lang pero pisil? Tapos binulong pa sa tenga niya na puwede ding sinabi ng deretsohan sa kaniya ba't binulong?.

Isinira nalamang niya ang mga mata at pinigil ang sarili sa pag-iisip

*wag sumubra*sinabi niya sa isip.

*Minsan lang ako umibig pero wag ngayon*

Nagulat si sam ng may kumatok sa pinto ng dorm

Tinignan ni sam at nakita niya ang babae, ang babaeng gusto niyang makita ang itsura kanina.

Sa mga oras na to sa lahat ng buhay niya ngayon lang bumilis ang tibok ng puso ni sam.

Sumalodo siya sabay sabi "ma'am!"

Sa tingin naman ni sam nagche-check lang ang mga seniors ngayon sa kada dorm.

"Naglilinis ka?, hindi naman day of cleaning ngayon?" Tinignan niya ng deretsohan si sam sa mga mata, at binigyan ng senyales na ibaba ang kamay niya.

"Ma'am wala po akong magawa kaya nag linis po ako" rason ni sam at pilit na kinakalma ang sarili dahil sa palihim itong nabibighani sa senior.

Tumaas ang kilay niya at tumango ito dahil naintindihan niya.

"what's your name cadet?" Tanong niya dahil natural lamang ito para makilala ang bawat cadet sa kada dorm. Malamig ang boses at natural na seryoso ito.

"Sam L. Villarosa po" pginagawa padin niyang seryoso ang kaniyang expression.

"Puwede pumasok?" Tanong ng senior na babae.

"Opo" yun lang masabi niya dahil kapag pumilit siyang magsalita baka hihina lang ang boses niya dahil sa senior.

"Ano ang L sa pangaln mo, which is your middle name." Sabi ng senior ng walang expression sa itsura

Si sam naman ay namangha dahil mataas ito at mas nakikita niyang malapitan ang mukha ng babae.

pinunas niya ang index finger sa bawat desk mukhang ine-expection niya ito kung totoo talaga ang sinabi ni sam.

"Lucia po" akma ni sam tumatayo padin ng matuwid.

"Sam Lucia Villarosa" inulit ng senior at mahina niyang binigkas ang bawat salita sabay sa paglagay ng malalim na wakas sa nahuhuling salita.

"Magandang pangalan, Sam siguro ay galing kay papa mo, yung lucia sa mama mo." Tinitignan niya ang kuwarto at sinisiguradong walang dumi.

"Salamat po, at opo nanggaling sa kanila" di rin mapigilan ni sam na titigan ang itsura at katawan ng babae.

"Mahusay, walang dumi, lahat organisado. Kasi ikaw ang naglinis" sabi ng senior.

Paano kaya nalaman ng senior? Oo nung nagkaraang linggo si daniela yung naglinins ng kuwarto pagatapos madumi padin sabi ng hindi kakilala nilang senior na babae din, baka pinagusapan nila yon.

"Opo, pero sinabihan ko na po yung buddy ko na gagawin niya ng maigi ang paglinis at iba pang gawain" naintindihan ni sam at tumango din ang senior na babae.

"Mabuti naman, maiiwan na kita rito" lumakad siya papalabas ng kuwarto at tumayo sa door frame.

"Yes po ma'am" sumalodo ulit si Sam at umalis ang senior papalayo.

Lumakad papuntang pinto si sam at isinara ito, ng maisara ito napabuntong hininga siya dahil sa presensya ng babaeng yun kabado ang katawan at isip niya.

Iniisip ni sam na imbes ang senior ang may tipo sa kanya, baka siya yon.

Pero gusto niyang malaman kung sino ang senior na nakatitig sa kaniya sa cafeteria kung saan si daniela mismo ang nakakita, kung ma timing sana sasabihan niya si daniela na ituro kung sino yun.

Kaya malaman kung sino talaga ang babaeng yun.

To Be Continued



Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 29 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Over Significant To Desire YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora