CHAPTER 11

1.7K 30 19
                                    

WARNING : MATURE CONTENT 18+!

"Felise..." Para akong binuhusan ng mainit na tubig at bumalik sa reyalidad.

Nanlaki ang mga mata ko at akmang aalis na sana sa pagkakayakap sa kan'ya...nang bigla niya nalang akong ikinulong ulit sa bisig niya.

"S-ir..." Mahinang tawag ko, pero napatigil lang ako nang maramdaman ang buong mukha niya sa balikat ko.

Tangina. Dapat itinutulak ko na s'ya, pero bakit parang...nanhihina ako? Parang hindi ko na kontrolado ang katawan ko at hindi na maawat sa pagwawala ang puso ko....nararamdaman ko pa rin pala, ang naramdaman ko sa kan'ya dati.

Tangina.

"Fe-lise..." Sinubukan kong tigilan ang mahinang pagsinghap sa pagtawag niya sa akin... Hindi ko alam. Dapat ngayon ay galit na galit ako, dahil ayoko sa kan'ya at kinamumuhian ko siya. Pero bakit tila nararamdaman lang ulit ng katawan ko ang mahigpit niyang yakap...ay nanhihina na ako? Kung dati ay hindi ito hinahayaan idama nang katawan ko, pero bakit ngayon nag-iiba na?

Napahawak ako ng mahigpit sa tupperware sa kamay ko at mariin na pumikit.

Hindi...pwede. Hindi pwedeng hayaan ko ulit ang sarili kong makaramdam nito.

Itutulak ko na sana siya nang mapatigil ako sa sinabi niya.

"Sabihin mo lang sa'kin na mahal mo pa rin ako, Felise...sabihin mo lang sa'kin na kaya pa kitang bawiin.." Napalunok ako at damang dama ko ang panhihina ng katawan ko. Gusto kong sabihin na hindi ko na siya mahal pero parang mayro'n namang pumipigil sa'kin. Gusto kong sabihin na ayoko na sa kan'ya...pero iba ang sinisigaw ng katawan ko...Gusto kong sabihin sa kan'ya na galit pa rin ako...pero ramdam ko naman na nanlalambot ang puso ko tuwing nariyan siya.

Hindi pwede...ayoko!

Hindi ko na siya mahal at manloloko siya.

Tama...hindi ko dapat hayaan ang sarili kong maging mahina muli sa kan'ya at hindi ko dapat hayaan ang sarili kong masaktan nang dahil sa kan'ya.

Buong determinasyon kong iminulat ang mga mata ko...pero agad ding nanghina. Malalim nakatitig ang malungkot, ngunit puno ng pag-asang mga mata niya.

"Fe-lise..love...sabihin mo na kaya pa kitang bawiin..." Bakas na naman sa tono niya ang pagmamakaawa. Hindi ako makaimik at nakatingin lang sa kaniya.

Nanginginig ang labi ko at nakatingin sa mukha niyang nagmamakaawa na naman. Tangina..kinagat ko ng mariin ang labi ko at doon kumuha nang lakas, saka binuka ang labi ko para magsalita.

"T-ama na...Calvin..tama na..." dahil baka hindi ko na mamalayan ang sarili kong bibigay na sa'yo.

Ang pag-asang nakaukit sa mga mata niya kanina ay tuluyang nawala at napalitan ng matinding kalungkutan. Napatitig ako roon at pinagmasdan ang mga mata niyang puno ng kalungkutan. Hindi ko alam, bakit pa laging nakaukit ito tuwing titingin sa'kin...Umiling ako..pinepeke niya lang ang lahat.

Baka nagpapaka-awa lang siya, pero lolokohin lang din naman niya ako ulit.

"Wa-la na ba talaga?" Napatigil ako at napulunok nang pumatak ang luha sa mga mata niya. "Hi-ndi na ba talaga...pwede?" Agad akong umiwas at kinagat ang labi ko sa tono ng boses niya...parang naiiyak at nasasaktan ang tono na iyon. Hindi ko kayang dinggin 'yon.

Ramdam ko ang agarang panlalamig at pagtigil ng katawan ko...nang hinawakan niya ang panga ko. "Ca-lvin..." Biglang naisambit ko.

Ngumiti siya at marahan na hinaplos ang panga ko..na nagdulot ng libo libong kuryente sa katawan ko.

"When you told me that you didn't love me anymore, I tried to accept it." Nanhihina niyang sabi habang hinaplos ang panga ko. "I tried to move on as well. Yes, I want to beg, and beg, and beg over and over again, just so you can take me back. But I respect you, Felise. I respect that you don't want...me an-ymore." Basag na basag na boses na sambit niya, habang kada salita ay tumutulo ang luha niya.

MY BOSS IS MY EX-FIANCÉWhere stories live. Discover now