CHAPTER 30

123 3 0
                                    

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION

CHAPTER 30:

KIANNA'S POV

AFTER FEW MONTHS AGO

Malalim akong napatitig sa kawalan kasabay ng pagkawalang gana kong inihagis ang cellphone ko.

Its been a few months ago, pero tila nawalan ako ng karapatan sa asawa ko.

Walang kahit anong balita ang dumating sa akin, about his operation.

Wala akong makontak ni isa sa kanila.

Pati si Yohan, alam kong umiiwas siya.

Bakit?

Ano na ba talagang nangyari kay Steven.

Damn it.

Kung alam lang nila, na sa bawat gabi pinagdarasal ko na sana bumalik na siya.

Malapit na akong manganak, and i want him in my side that time.

Pero tila hindi na iyon mangyayari, ipinagpatuloy ko ang buhay ko na wala siya....

Pero umaasa pa ako na babalik siya, at tutupad ito sa pangako niya.

Nasa sala ako ngayon, naghahanda ng pagkain...

Pero namanhid ang katawan kong madiing napahawak sa isang upuan ng maramdaman ang biglang pagsakit ng tiyan ko.

Animo'y naging mabigat at makirot ito dahilan para mapakagat labi ako.

"Ahhhh....a-arayy" tuluyang hindi ko nakayanan ang sakit na iyon.

Dahil kahit anong pigil ang gawin ko, i know...this is the month...

"Ahhhhh....t-tulong....m-manang" malakas na pagsigaw kong hingi ng tulong.

Inhale, exhale...habang tinatanggal ang kaba sa dibdib ko.

Masakit iyon, dahilan para mapasigaw ako ng malakas.

Buti nalang at lumapit ang ilang kasambahay na tinulungan ako at dinala sa pinakamalapit na ospital.

"D-doc....ahhh...m-manganganak na po ba ako" tanong ko ng napasinghap ng hangin yung doctor.

"Yes..." sabi nito.

"But....we have an problem" usal nito na ikinakunot noo ko.

"Po...ano po yun?".

"Malaki ang bata, at maliit ang butas na paglalabasan nya....baka hindi mo kayanin" saad nito.

"A-ano pong gagawin ko??"

"Iha....K-kailangan mong manganak....sa isang paraan....its an cesarean" saad ng doctor na tuluyang ikinaawang ng labi ko.

Naging halo halo ang emosyon ko, nanginginig ang katawan ko ng palabas na raw ang baby na iyon....kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan nila mailabas lang ang anak ko.

Unti unting tumulo ang luha sa mga mata ko kasabay ng pagtus0k ng anesthesia sa kamay ko para hindi ko maramdaman ang anumang sakit na iyon na paghiwa sa tiyan ko.

Siya dapat ang nasa tabi ko.

Siya dapat ang may hawak sa kamay ko.

Siya dapat ang nagpapalakas sa loob ko, but....wala siya....wala yung lalaking inaaasahan ko na sasamahan ako.

___

And after four years ago.

Yes...four years na walang Steven Jackson Hernandez ang nagparamdam at bumalik sa buhay ko.

Kinaya ko lahat ng sakit at hirap para mapalaki ang nag iisang anak namin na si Dwight.

But still...I'm hoping that one day, he will be back.

Nakatitig lang ako sa kwintas na huling ibinigay nya ng bumukas ang pintuan, tuluyang nangunot ang noo ko.

"Steven, its been a year....saan kana! Sabi mo babalik ka...." bulong ko sa hangin.

"Mommy" napabalikwas akong itinago iyon mula sa drawer at ngumiting humarap sa batang nasa harapan ko.

"Mommy, are you crying?" Tanong nito.

"No baby! Im not" sabi ko.

"Mommy....b-bakit si Baby Jamie may daddy...b-bakit ako wala" tanong nito na ikinanlaki ng mata ko

Tila namanhid ang katawan kong napatingin sa kaniya, pero napuno ng kuryosidad ang mukha nito. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag iyon sa kaniya, hanggang sa.

"Baby, you have an daddy okay. Pero wala siya dito eh....pero promise, kapag dumating siya....sigurado ako na magiging masaya ka! Hmmm diba..." saad ko ng tumawa ito.

"Yes mommy! Kase...gusto ko na magkaroon ng daddy eh" sabi pa nito.

Seryoso akong nakikipag usap sa anak ko...nang biglang ilang katok ang kumawala mula sa pintuan.

And it was Manang.

"Ano yun manang?" Tanong ko.

"Maam....may lalaki pong naghahanap sa inyo sa baba" saad nito na ikinanlaki ng mata ko, tila nawindang akong mabilis na bumaba dahil sa kaba sa dibdib ko.

Umaasang si Steven iyon, pero hindi...

Natigilan ako sa lalaking nakaupo sa sofa, nanlulumo ang mukha nya kaya mapait akong ngumising malakas na tumikhim.

"Kianna" saad nito.

"Yohan....its been four years, nandito kana pala....how's states?" Tanong ko ng tumamgo siya, pero kitang kita ko ang pag iwas nito sa akin.

"Its been a year Yohan, how's my husband?"seryosong tanong ko

"Kianna"

"Yohan, where's he?"

"K-kianna...kase" garagal ang boses nito na tila nagpalakas ng kabog sa dibdib ko.

"Kase ano? Yohan alam kong successful ang operasyon nya...then where's is him? Nandyan ba sya?!...Yohan ano ba! Sabihin mo sakin...nasaan ang asawa ko!!.." malakas na boses kong tanong.

"Kianna....successful ang operasyon....p-pero....pero....i-isa ka sa nakalimutan niya...at.." hindi nito nagawang ituloy ng tila nadurog ang puso kong umiling iling.

"Hindi totoo yan...nagbibiro ka lang diba?! Nasaan sya ha? N-nasa labas ba sya??...Yohan sabihin mo naman sakin...nasaan sya!...Yohan maawa ka sakin...kailangan kong makita yung asawa ko, k-kailangan nyang malaman na nanganak na ako..." sambit ko sa garagal na boses saka mabilis na lumabas.

Animo'y tila ako nababaliw sa paghahanap ng isang tao mula sa labas, pero tila nanlumo akong napabagsak ng wala akong nakitang isang Steven. Hanggang sa magsalita si Yohan mula sa likuran ko~...

"Wala siyang maalala Kianna...and the most worst thing is.....m-may iba na siya...its been one year s-simula ng may naging karelasyon siya sa states na isang filipina...we try to stop him for his doing....p-pero hindi namin nagawa..." sabi nito na ikinaawang ng labi ko.

"W-what?!...M-may girlfriend ang asawa ko??.." tanong ko pa.

"Kianna....w-wala ng Steven na mahal ka....w-wala ng Steven na baliw na baliw sayo....he changed a lot, at sa pagbalik niya....masasaktan ka lan~" hindi nito nagawang ituloy ng magsalita ako.

"Saan sya?! K-kailan siya babalik?" tanong ko.

"Nandito na sya sa pilipinas....kasama ang girlfriend nya"

END OF SEASON 1

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon