CHAPTER 44

177 2 0
                                    

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION -SEASON 2

CHAPTER 44: aksidente.

KIANNA'S POV

It's already seven am in the morning. Pero nagtataka ako kung bakit hindi ko pa nakikitang bumababa si Steven, nagpatuloy ako sa ginagawa kong pagluluto hanggang sa tumambad sa harapan ko si Yohan, kasama nito ang kapatid ko.

Tsk. Tignan mo nga naman tong pandak na ito.
Tinarget pang shotain tong kapatid ko.

"Yohan, nakita mo ba si Steven? Kanina ko pa siya hinahanap eh" saad ko kay Yohan ng pagak itong tumawa na ikinakunot noo ko.

"Ate, namimiss mo na kaagad?!" saad ni Anna.

"Hindi noh, nagtatanong lang ako...kasi kanina pa ako naghihintay sa kaniya, may gusto lang akong tanungin" saad ko pa ng mapang asar nila akong tinitigan.

"Wag ka mag alala Kianna, nagpagamot lang sya" sabi ni Yohan.

"Nagpagamot? Bakit? Ano bang sakit niya?" sunod sunod kong tanong.

"Nasisiraan na sya ng ulo. Kaya dinala nya 'yung sarili niya sa mental" saad ni Yohan na ikinataas ng kilay ko.

"Ha?"

"Ganito kase ang nangyari kagabi, edi...naglasing sya, nabubuang kakaisip kung bakit daw kumukulo dugo niya sa selos." Sabi ni Yohan.

"Selos? What do you mean? Alam na ni Steven na may iba si Dan~". Hindi ko nagawang ituloy ng magsalita sya.

"Sa boss mo mainit ang ulo niya, kaya kagabi...pati yung nakawig na baks ayun pinatos. Akala niya ikaw, nagmimilagro" saad nito na ikinaawang ng labi ko.

"Anong pinatos?"

"Pinatos...nakipagsupsupan" sabi nito.

"Ha?!..si Stev~" hindi ko nagawang ituloy.

"Kaya nga nya dinala yung sarili niya sa mental. Sinabihan ko kasi na nababaliw na sya...ayun naniwala" saad ni Yohan.

Hindi ako mapakali, ilang oras na din yata ang lumipas but still...wala pa rin siya, ilang missed calls na rin ang ginawa ni yohan, pero wala pa rin. Mabuti nalang at wala akong trabaho ngayon.

______

//-STEVEN'S POV-//

"WHAT THE F*CK YOU DOING HERE" asik na singhal ko ng tila nakikita ko si Kianna sa harapan ko.

Ilang beses ko pang sinabunutan ang sarili ko sa inis na animo'y nababaliw na ako sa babaeng 'yon.

Damn it.

F*cking shit.

Bakit ba hindi ko siya magawang alisin sa isip ko.

"Are you okay?" Tanong ng babaeng nasa harapan ko.

"Teka...ginagaya mo ba ang asawa ko" asik na singhal ko.

"What do you mean? Mr.Hernandez i am the doctor here..." sabi nito ng inis akong napahilamos, kasabay ng paglakad ko patalikod doon.

Damn it..

Kianna, kianna...kianna!!.

"F*ck!!.." mura ko ng makababa ako at makasakay sa kotse, mabilis ang pagharurot ko sa kotse ko.

Hanggang sa makarating ako sa isang restaurant, at hindi ko inaasahan na nandito tong mokong na Martinez na toh. Pasinghal at tuwang tuwa siyang sumisimsim ng kape ng makita nya ako.

"Brooo" saad nito ng walang emosyon akong lumapit sa kaniya.

"What the hell you doing here" singhal na tanong ko.

THE MAFIA BOSS CAR RACER OBSESSION Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora