Kabanata 9

20 2 0
                                    

Nakipag pulong si Derum sa Hari ng mga Aruha. si Haring Amon. Nabahala rin ang Hari ng nalaman ang masamang pangitain ng matanda, kaya naman pumayag ang Hari na maghanap at pumili ng mahuhusay at may malakas na kapangyarihang Aruha.



Inutusan niya ang kanyang mga kawal na magdala ng mga mensahe sa buong mamamayang nasasakupan ng Hari. Mensaheng naglalaman ng imbitasyon sa mga lalakeng kabataan papunta sa kaharian upang masubukan angkanilang lakas.


Ang prinsesang si Hasi na anak ng Hari ang magbibigay ng mga pagsubok sa kanila. Taglay rin ng prinsesa ang malakas na kapangyarihan.




Matapos ang pakikipag pulong ng matanda ay umuwi siya sa templo at gumawa ng sulat para kay Qrolo, nais Niya rin itong pumunta sa kaharian upang mapabilang siya sa mapipili ng prinsesa.




Tiwala ang matanda sa kakayahan at taglay na kapangyarihan ni Qrolo. Nang matapos niya ang sulat ay kaagad Niya itong ipinadala sa mensahero.


Dumating Naman ang sulat ngunit si Kenro na ang tumanggap at nang basahin niya ito ay nakaramdam siya ng kaba, dahil baka magalit ang matanda pati sa kanya dahil hindi niya napigilan si Qrolo sa pag Alis nito.



Ngunit kahit natatakot siya ay kinailangan niya paring ipaalam sa matanda ang pag Alis ni Qrolo para hanapin si Yana sa mga teritoryo ng mga Ronoru. Kaya naman nagpasya si Kenro na personal na sabihin sa matanda kesa magpadala ng sulat.




Napilitan namang isama ni Kenro si Lexa dahil walang magbabantay rito kung iiwan niya ito, baka mapahamak lang ang dalaga.




"Aalis Tayo ngayon"

Ang sabi ni Kenro kay Lexa ng magising ito.

"Saan naman Tayo pupunta?"

Takang tanong ni Lexa.

"Sa templo ng lugar na ito, hindi Kita pwedeng iwan ng mag isa kaya sumama ka na lang sakin."




Sabi naman ni Kenro at tumango tango na lang si Lexa bilang pag sang ayon. At umalis na sulat upang puntahan ang matandang si Derum sa templo nito.



Samantala huminto na muna sila Riyugi sa Isang ilog na nadaanan nila. Dahil sa pagrereklamo ni Yana masyado ng masakit ang mga sugat niya sa pulsuhan.



Nang bumaba sila sa kabayo ay tiningnan ni Riyugi ang mga pulso niya.



"Ang sakit ng mga sugat ko."

Ang sabi ni Yana.

"Bakit ganito Parang lumalala ang mga sugat mo? Imposible namang dahil lang sa pag kakatali."

Ang sabi naman ni Riyugi.

"Hindi ko alam sobrang sakit ng mga sugat ko pakiramdam ko ay napapaso ako" ang sabi naman ni Yana.



Kaagad naman lumapit si Banki at inilapit niya ang iling niya sa mga sugat ni Yana. Para siyang aso na inamoy amoy ito.



"Ang mga sugat niya, naamoy kong may lason."

Ang sabi ni Banki, isa sa mga kapangyarihan ni Banki ang matalas na pang amoy.

"Ano? P--papaano Naman nangyari yun?"

Tanong Naman ni Riyugi.

"Sa tingin ko ay binahiran ng lason ang Tali na pinangtali sa mga pulso Niya, at ng magkasugat ito pumasok at humalo na sa mga sugat Niya ang lason."

ANG MISTERYOSONG PUMAPATAY SA PANAGINIP [COMPLETED]Where stories live. Discover now