Kabanata 16

21 2 0
                                    

Hindi naman alam ni Yana ang sasabihin niya para bang na blangko ang utak niya sa mga narinig niya mula kay Qrolo.


Pero masayang masaya siya nang malaman ang nararamdaman ni Qrolo para sa kanya. Nang bumitaw si Qrolo sa pagkakayakap sa kanya ay hiniwakan ni Yana ang kwintas na binigay sa kanya ng lola niya at tinanggal niya iyon.



Magkaharap parin sila ni Qrolo nakangiti namang nakatingin sa kanya si Qrolo. Maya maya ay tumingkayad siya at isinuot kay Qrolo ang kwintas na binigay ng lola niya sa kanya.



Nagulat naman si Qrolo sa ginawa niya at hindi niya maunawaan kung bakit isinuot ni Yana ang kwintas sa kanya. Matapos maisuot ni Yana ang kwintas kay Qrolo ay tumingin siya sa mga mata nito.


"Binigay Sakin ng lola ko ang kwintas na yan, ang sabi niya may kakayahan ang kwintas na ito na protektahan ako dito sa panaginip. Pero tingin ko hindi ko na ito kailangan dahil sapat ng nandyan ka na handa akong protektahan, at mas kailangan mo ito, gusto ko na meron ding poprotekta sayo. At Sana totoo ang sinabi ng lola ko at maprotektahan ka ng kwintas na ito."

Ang sabi ni Yana at napangiti naman si Qrolo sa mga sinabi ni Yana. Yumuko si Qrolo at hinawakan ang pendant ng kwintas na kalahating buwan. At saka ngumiti muli.


"Maraming salamat Yana ... Iingatan ko ang kwintas na to."

Sabi ni Qrolo at muling tumingin kay Yana. Ngumiti naman si Yana sa kanya. At hinalikan niya si Qrolo sa pisngi nito, nagulat naman si Qrolo at hindi siya makakilos.



"Mahal Kita din Kita Qrolo.. at nasasaktan ako kapag nakikita kitang napapahamak dahil sakin.. gusto kong maprotektahan ka rin."

Ang pagtatapat ni Yana sa kanyang nararamdaman. Ikinagulat naman iyon ni Qrolo hindi niya akalain na pareho sila ng nararamdaman ni Yana sa isat isa.



Sobrang saya ng nararamdaman niya. Hinawakan niya si Yana sa pisngi at hinalikan niya ito sa noo at niyakap muli, hindi maalis alis ang mga ngiti sa kanyang mga labi.



Nang araw din na iyon ay ibinalita ng Hari sa buong nasasakupan ng kanyang teritoryo ang gaganapin na parada kinabukasan upang pumunta ang mga Aruha sa kapitolyo.



Samantala habang naglalakad lakad si Riyugi at Banki sa kapitolyo ng teritoryo ng mga Ronoru ay naririnig na nila ang bali balita at usap usapan tungkol sa parada at ang pagpapakilala ng itinakda.


Kaya naman nag desisyon si Riyugi na pupunta sila bukas sa parada at gagawin ang lahat para makuha ang taong itinakda.


Pero nag aalangan si Banki dahil teritoryo iyon ng mga Aruha at dalawa lamang sila na pupunta baka ay mabigo lamang sila, pero buo ang loob ni Riyugi na pumunta. Wala namang nagawa si Banki kundi sundin ang kanyang pinuno.


Kinabukasan ay nakahanda na silang lahat para sa parada at pagsasa publiko ng itinakda sa kapitolyo. Pinahanda ang karwahe na sasakyan ni Lexa kasama sa loob na sasakay rin ang Priestess knights.


Sasama din ang Prinsesang si Hasi bukod ang karwaheng sasakyan niya. at maiwan naman ang Hari sapagkat Marami pa siyang dapat na asikasuhin sa loob ng Palasyo.


Gusto rin ni Yana na pumunta at makita ang parada, hindi siya mapapakali na maiwan sa Palasyo nag aalala parin siya sa kaligtasan ng mga ito.


Noong una ay hindi pumayag ang Hari, gusto nito ay manatili siya sa Palasyo para sa kasiguraduhan ng kanyang kaligtasan, at sang ayon naman si Qrolo sa desisyon ng Hari. Pero nagpupumilit si Yana, katwiran niya ay hindi naman siya ang makikilala na itinakda.



ANG MISTERYOSONG PUMAPATAY SA PANAGINIP [COMPLETED]Where stories live. Discover now