Chapter 17

266 7 0
                                    

After that night Me and Ethan were always together. Halos lagi siyang nandito sa unit ko buong araw at gabi na siya umuuwi

Kahapon ay sinamahan niya akong bumili ng regalo para sa birthday ng Mama nya it's just simple gold necklace.

Habang naglalakad nga kami sa Mall ay maraming lumalapit sa amin I was surprised na marami ding nagpapapicture sa kanya. Mukhang hindi naman siya naninibago well marami din kaseng nakakakilala sa kanya sa Bayan at Isla kaya siguro sanay siyang napapansin

Now I'm driving heading to the venue of his Mom's birthday party. Hindi niya na ako nasundo ngayon kase tinutulungan niya ang Ate nya sa pag-aasikaso sa venue

I just wore a simple peached color dress. And a peachy makeup look mukhang bagay pala sa akin ang mga ganitong ayos. I look cute with this look mukhang masasanay na ata akong hindi masyadong naka heavy make up and fierce look. Mukha akong fresh ngayon and I liked it!!

I was on the trip for almost an hour, the venue is not too far from my condo, but you know the traffic in this country was insane!

I have arrived at the venue. I parked my car and came out. Omg parang nag-uumpisa na the hell! kasalanan ito ng traffic kahit pa naka heels ako ay mabilis akong naglakad binalikan ko pa saglit ang regalo ko sa kotse na muntik ko pang maiwan

May sumalubong sa aking crew. They assist me on my table. It's really starting nagsasalita na ung host sa harap

I think ung nakaupo sa mini stage ayun na yung Mama ni Ethan . She's celebrating her 60th bithday pero mukha pa siyang bata ang ganda niya din. Namana ni Ethan sa kanya ung mata at ngiti niya


Nagulat ako nang may kumalabit sa akin mula sa likod. It was Ethan, he's wearing a gray tux bagay pala sa kanya magsuot ng mga ganito sa isla kase kung hindi siya naka polo, naka shirt or nakasando lang siya lagi

"Kanina kapa?"

"No, karararing ko lang nag uumpisa na nga ng dumating ako"

"Jan ka lang ahh babalikan kita agad" tumango ako nagmamadali naman siyang naglalakad

Bumalik ako sa atensyon ko sa harap. Ethan Mom's was listening to the messages from her guest. I was smiling while hearing some of the jokes and funny stories from them

"Tara Courtney" Ethan suddenly appeared from somewhere

"Huh? where?" kinuha niya ang dala kong paper bag na regalo ko sa Mama niya. Tumayo ako


"Ang layo pala ng table mo tara doon tayo sa harap" he grip my hands we started walking. Sa gilid lang kami dumadaan mukhang naaaliw ang mga tao sa nangyayari sa harapan kaya hindi kami napapansin


When we reached the spot I noticed that his whole family was sitting there. There's a aged man sitting on a wheelchair I think that's his dad. Nakaupo din sina Ezra and Esau roon

Napansin naman nila na papalapit na kami kaya sa amin sila ni Ethan nakatingin

"Pa si Courtney po" pakilala niya sa akin sa papa nya lumapit ako para mag mano


"Hello po Tito. Nice to meet you po" bakit bigla akong kinabahan?


"Ay buti narito na ang girlfriend mo Ethan nako matutuwa ang Mama mo kapag nakita ito. Ay kagandang bata" Girlfriend? tumingin ako kay Ethan he just shrugged mukhang wala naman siyang sinasabi sa kanila baka nag aassume lang yung family niya

I smiled awkwardly. Paano ko ba sasabihing hindi ako girlfriend ng anak nila but we already kissed. Naalala ko na naman nag-init tuloy ang pisngi ko

Drown by His Love | COMPLETED |Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang