CHAPTER 27

80 3 0
                                    

Xzavier's POV:

Andito ako ngayon sa labas ng morgue kong saan nakahimlay ang walang Buhay na katawan ni Freya. Bago namin nilasan ang lugar sinuyod muna namin Ang buong Lugar. Isinugod din namin Ang matanda na napag-alaman namin na adopted father pala ni moriggan na si Mr. Rogeoun Lewis. puno ng pasa Ang katawan nito dahil sa pambubugbog nito sa kanya. Napag-alaman din namin na tutol ito sa pinaggagawa ng anak kaya imbis na magalit kami sa kanya ay naawa kami nito dahil sa kanyang pagtutol ay napapahamak siya.

Nakatanggap ako ng Text message mula kay Finn Acer na kailangan ko daw pumunta sa Room 204 kung saan naka confined si Mr. lewis kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad naglakad papunta doon. Pagkadating at pagkadating ko dun agad akong pumasok sa loob agad kong nakita si Tito Harvey na kausap Ang matandang Lewis.

“ Bro!” tawag ni Finn sa akin. lumapit ako sa kanila at nakinig Kong anong pinag-usapan nila. Nakita Kong napabaling Ang tingin sa akin ng matandang Lewis at ngumite ng bahagya.

“ Mr. Coen! Ako na ang humingi ng tawad sa ginawa ng anak ko sa pamilya mo...ilang beses ko siyang pinakiusapan na huwag kayong guluhing mag-asawa pero hindi siya nakinig...”mahinang wika ng matanda. “ Hindi ko alam na pati ako idadamay niya sa kasamaan niya..Tama nga siguro Ang sabi nila na ‘ Kung ano ang puno, sya rin ang bunga’.” sabi niya at mahinang natawa.

“..Wala Kang dapat ikahingi ng tawad Mr. lewis. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari kundi kasalanan ito ng anak-anakan mo..hindi ikaw Ang dapat humingi ng tawad Mr. Lewis kundi si moriggan mismo pero I don't think kong mapapatawad ko ba siya, sa bigat ng mga kasalanan niya.”wika ko sa matanda. Halata Naman kasing mabait Ang matandang ito base on his looks at kong paano ito magsalita.

“ I understand iho! tulad mo mukhang hindi ko mapapatawad ang aking kinikilalang anak!!” malungkot na wika ng matanda.“ Minahal ko siya na parang tunay na anak..binigay ko sa kanya lahat, alam mo? Mr. Coen? Nung una  palagi na siyang nakaabang sayo mula sa malayo kahit nasa abroad siya ng tatlong taon may tao siyang inutusan upang manmanan ka... kaya nung nalaman niyang iniwan ka ng Asawa mo ginamit niya Ang pagkakataong iyon upang makalapit sa iyo umuwi siya galing paris at nag apply siya bilang secretary mo kaya laking tuwa niya ng matanggap siya bilang secretary mo.” mahabang litanya ng matanda.

“..at dahil sa pagmamahal niya Kay Xzavier nakagawa siya ng masama..muntik ng malagay sa panganib ng Buhay ng anak ko..muntik ng mawala sakin Ang panganay ko.” mahinahong wika ni Tito Harvey na naikuyom ang kamao. Alam kong pinigilan lang niya ang kanyang sarili na huwag magalit sa matanda dahil wala Naman itong kinalaman sa lahat.

“ Patawarin mo sana kami Mr. lewis ngunit doble-dobleng Kaso ang isasampa sa kanya..walang kapatawaran Ang ginawa niya sa pamilya namin.” wika ko.

“ Naiintindihan ko..'yan Naman talaga Ang nararapat sa kanya..Kong malakas lang sana ako hindi mangyayari ang lahat ng to! pinalaki ko s'yang may mabuting puso pero hindi pala sapat iyon sa para kanya. lahat ng pagmamahal ng Isang ama ipinaranas ko sa kanya..ibinigay ko sa kanya..pero lahat 'yun ay banaliwala niya..para sa kanya Wala akong kwentang ama.” wika ng matanda at may namumuong luha na naglandas sa kanyang mga mata. Masasabi Kong napakabuti niyang ama pero lahat iyon ay binaliwala ng Isang anak na walang utang na loob sa taong nagpalaki at nag-aruga sa kanya.

BREAKING NEWS: nagbabagang mga Balita sa Oras na ito nahuli na Ang babaeng nag-ngangalang Moriggan Lewis dahil sa pagpatay nito sa kanyang kapatid na si Freya Wallis.. basi sa imbestigasyon ng mga pulis  ay kapatid ni Ms. lewis si Ms. Wallis sa Ina at ninais lamang ni Ms. Wallis na matanggap siya  bilang kapatid nito ngunit naging matigas si Ms. Lewis at ginawang sunudsuran Ang kapatid Bago niya ito tanggapin ngunit nabigo Siya nito dahil ayon sa mga nakalap na impormasyong ng mga pulis hindi nito tuluyang napatay Ang taong gustong ipapatay nito. nag-uulat Jenny Panhan ng BWs pH.

HIDING HIS SON (Bxb) (Mpreg)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora