You're Worth to Wait and Pursue 4

17 4 0
                                    

"Magandang buhay mga bata!" Masiglang bati ko sa mga bata at sumagot naman sila.

"Handa na ba kayo para sa araw na ito?" Tanong ko sa kanila.

"Opo!" Sabay-sabay nilang sagot.

Sinimulan namin ang introductory rites saka ko tinawag sila Dwayne, Brix at Hazel para sa isang animation nila. I was just smiling while looking at them na masayang sumasayaw at sumasabay ang mga bata.

"Gusto niyo bang makinig ng isang kwento at matuto?" Tanong ko sa kanila.

"Opo." Sagot nila sa akin.

"So tatawagin ko na ang magku-kwento sa atin ngayon. Bigyan natin ng masigabong palakpakan si Ate ninyo Hazel." Nakangiti kong sabi at tumango kay Hazel.

"Magandang umaga sa inyo mga bata." Masiglang bati niya.

"Bago tayo maglaro mamaya ay gusto ko munang may matutunan kayo." Nakangiting sabi ni Hazel.

"Naririnig ko ang tibok ng puso mo ah. Dugdug dugdug dugdug." Asar ni Brix dahil katabi ko siya.

"Shut up. Focus ka nga sa ginagawa mo." Suway ko sa kaniya.

"Nagniningning mga mata mo oh." Asar niya ulit bago umalis sa tabi ko.

"Blue, snacks ka muna." Napatingin ako kay Jiezel at kinuha mula sa kaniya ang tubig at tinapay. They will have a snack break muna bago kami magpalaro.

"Kuya." Napatingin ako sa batang humila sa laylayan ng damit ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pabukas po." Sabi niya.

"Pahawak muna." Sabi ko kay Jiezel at pinahawak ang snacks ko. Binuksan ko ang bottle at binalik sa bata. Maya-maya ay may iba pang bata na nagpabukas.

Pagkatapos kong magbukas ay hinanap ng mata ko si Hazel. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti siya pero umiwas agad.

"Nakahanda na pala iyung lunch ng mga bata para mamaya. Tinulungan ko iyung ibang guro kanina." Sabi ni Jiezel.

"Mabuti naman para after nilang maglaro ay kakain sila saka magpatuloy sa paglalaro, giving of gifts and awardings na." Sagot ko sa kaniya.

Pinapanood ko si Hazel at ang iba na nagpapalaro sa mga bata.

"Balik dito agad." Natatawang sabi ni Hazel sa bata na tumatakbo.Naglalaro kasi sila ng potato race.

"Grabe ka na Brix. Ang competitive mo." Angal ni Hazel kay Brix.

"Mabilis lang tumakbo mga ka-grupo ko kaya ganon." Tumatawang sabi ni Brix kaya inirapan siya ni Hazel.

Pagkatapos nilang maglaro ay kumain na kami ng lunch.

"Dito ka oh." Aya ko kay Hazel dahil may space sa tabi ko pero si Jiezel ang pina-upo niya.

"Dito nalang ako." Sabi niya at tumabi sa isang bata. Sa kabilang side ng table siya naka-upo sa tabi ng isang batang babae.

"Masarap ba ang pagkain?" Tanong niya sa batang katabi niya.

"Opo." Sagot ng batang babae.

"Kain lang kayo ah, mamaya maglalaro ulit tayo." Nakangiting sabi ni Hazel at sumubo sa pagkain niya. Hindi niya ako tinapunan ng kahit isa manlang na tingin. Nakakatampo.

"Blue ayos ka lang?" Tumingin ako kay Jiezel ng kausapin ako.

"Oo." Sagot ko sa kaniya.

"Blue, Jiezel sali kayo para sakto ang players." Tawag sa amin ni Brix.

Captivated Hearts Where stories live. Discover now