EXS #43

284 32 12
                                    


Ex kong nonchalant

+639-***-****-***

Nakakainis talaga pramis
Ako pa sasabihang cheater?
Kapal ng mukha puta sya

Hayaan mo na yan

😑😑😑
So ganun lang yun?
Hahayaan lang?
Kelan ka ba magkakapake
sa mga issue natin ha?

Di yun sa walang pake
Gusto mo lagi may kaaway eh
Kung gusto nyang magreact sa date natin
edi magreact sya
Kung ipo-post nya in public,
desisyon nya yun
May proof naman na nagcheat sya
Kung ilalabas nya yan in public
edi ilabas din in public yung ebidensya sa kanya
Iblock mo na lang para di ka mainis

Di mo man lang ba ko ipagtatanggol?

Di kita kelangan ipagtanggol kasi nga
obvious naman na mina-manipulate lang
nung ex mo yung situation
para pagmukhain kang guilty
Kung gaganti ako, edi guilty nga yung side mo
Gets mo ba?

Ah so ok lang sayo na pagsalitaan
nya ko ng kung ano ano

Ang sabi ko i-block mo para di ka na nga
maka-receive kung kahit anong reply sa kanya
Mahirap bang gawin yun?
Para sa peace of mind mo ang sinasabi ko Jai
Kasi kahit pa anong explain mo o explain ko
kung gusto nyang pagmukhain kang masama
kaya nyang pagmukhain kang masama
Jai wag mo syang bigyan ng way
para i-abuse ka mentally
Ang basic ng remedyo, ayaw mo lang gawin
simpleng block lang. Yan lang.

Ewan ko sayo
Wag mo muna kong kausapin

Ok.


♥♥♥

Ex-tra ServiceWhere stories live. Discover now