EXS #66

219 29 16
                                    


Jayle 🔒 @jaichii • 1h
✨friend✨ lang muna
One step at a time 😌👆

♥♥♥


06-15

Ex kong nonchalant

+639-***-****-***


Antok na ko ✨friend✨
Kanina pa kami dito sa covered court
Di pa dumadating yung speaker
ang init 🥺

Wala bang fan dyan?

Meron kaso di abot sa pwesto namin huhu
Open naman yung area
Kaso ang alinsangan talaga

Katabi mo sila Warren?

Hindi huhu alphabetical kasi
Anlalayo talaga namin
Juego si Reny tas Yuzon si Sheng
soaper layo
Medj malapit kami ni Warren
kaso tatlong row pa sya bago akin

May pamaypay ka?

Meron kaso nakakangawit
kanina pa ko nagpapaypay
Dami namin ditong graduating ng
nursing ✨friend✨huhu

May tubig ka dyan?

Uu, pero di ako masyadong nainom
kasi baka maihi ako

Sa Sat graduation nyo no?

Uu, parang antagal nga ng araw haha
Uy chika ko lang ✨friend✨
May nakilala akong cutie kanina
na taga-San Lazaro
Tinanong ako kung gusto ko ng water
Ehe sya nagbigay ng isang bote ko rito
Sweet nya huhu
may pa-tissue pa
sakin lang sya nagbigay ng tissue huhu
ganda ko talaga ehe 💅

😒 nainom mo na?

Paubos na 😅
Tas tinanong nya ko
kung san ko gusto magwork after
Pwede nya raw ako irefer
sa San Lazaro kung like ko

Eh diba may baking class ka after grad 😑

🥺👉👈Uu nga huhu
Pero malay mo diba? Hehe
Kanina pa sya paikot-ikot
dito sa banda sa letter T row
Cute ng smile niya ✨friend✨
kileg ac0e ✋😩 huehuehue

😒 ano daw oras kayo matatapos dyan?

🤔 sabi nila 5PM daw ih
4:49 na wala pa speaker huhu
Dumaan pa yata sa PGH
Sabi din kasi nila Doc Gwen male-late daw talaga
kasi may emergency meeting kanina
patawag ng DOH
Kaya baka maextend kami

😒 sabihin mo agad pag dumating na

Wala ka bang work?
Parang ang dami mong time ✨friend✨?

Syempre di naman agad-agad
papasok yung booking sa app

Dami kayang nagbu-book 🙄
baka ayaw mo lang tumanggap ng byahe
Magtrabaho kang mabuti uy

Nagtatrabaho naman ah
Fault ko bang walang
pumapasok na booking?

Eh bat ka masungit?🥺
Nagtatanong lang naman 😔

🙄 ayan tuloy napasukan ako ng booking
Haaay

HAHAHAHAHAHA
byahe ka na ✨friend✨
Para di ka tambay dyan sa inyo
Babae passenger mo?

Oo babae John Harex pangalan 😒

HAHAHAHAH
gagalet ka na naman ✨friend✨

Tsk tigilan mo nga yang sparkle na yan

Eh bat muna puro ganto emoji mo 😒
Yan lang kilala mong emoji ✨friend✨?

😒 magtetext ako mamaya
Ihatid ko lang to

Owkie ✌️😚
Ingat sa byahe ✨friend✨
love you
as a ✨friend✨


♥♥♥

Ex-tra ServiceWhere stories live. Discover now