Kabanata V

179 14 10
                                    

Kabanata V

Helena Devin

Simula nang mamatay si Papa ay parang namatay na rin kami ni Mama. Ilang taon din siyang nagluksa. At sa tingin ko'y kahit nag-asawa siya ulit, hindi nito napantayan ang nawala kong ama. The man she loved next simply filled my father's position but didn't really live up to it. Marahil doon nagsimula ang lahat.

My mother gripped my life with her iron hands. At first I concluded she needed control. She needed to be sure her daughter would never go away. See, it didn't get all miserable and suffocating and imposing in a snap. Nagsimula ito sa mga mababang grado na nakuha ko noong elementarya, sa mga pag-iimbita sa akin ng kung kani-kaninong debut noong highschool. Na sa utos niya ay mariin kong tinanggihan. Hanggang sa naunang kursong pipiliin ko sana noong college.

It was written all over her face – the disappointment.

Tulad ng gabing umuwi ako.

"Saan ka galing?"

Hindi ko na kailangan pang lumingon upang malamang si Mama iyon. Ikinandado ko muna ang pinto bago umikot patungo sa kaniya. Agad na bumaba ang tingin niya sa palumpon ng mga bulaklak na hawak ko.

At times like this, everything made it clear to me that I was indeed her disappointment. Kahit anong hirap ko, kahit anong pagpupursigi ko. Yet at the same time, I was also her redemption. Her safety net. And now, her investment.

Alam ba niyang sa ginagawa niya ay nananatili akong patay?

"Ang paalam mo sa akin ay may group study kayo, Sabina, ng mga kaklase mo. Kailan ka pa natutong magsinungaling?"

Hindi ako kumibo.

"Bakit ka nagsinungaling?"

Matulis na matulis ang tingin ni Mama sa akin na nakatayo malapit sa altar ng aming tanggapan. Ako naman, nasa kanyang harapan, diretso lang ang tingin. We looked so alike yet so different.

"Kailan mo pa 'ko niloloko?"

Hindi kailanman. Ngayon lang...para lang maramdamang nabubuhay pa ako.

"Pumapasok ka ba talaga sa eskuwelahan? O nagbubulakbol ka lang?"

Sa taas ng mga grado ko ay pag-iisipan mo pa ako na nagbubulakbol, Mama?

"Tumingin ka sa akin kapag kinakausap kitang bata ka."

Kusang dumiretso ang gulugod ko sa talim ng kaniyang pananalita. Nakipagtitigan ako kay Mama na nagpupuyos ang mga mata sa galit. Though controlled because the rest of the household was fast asleep.

"Graduating ka na, 'di ba? Konting-konti na lang, Sabina. Tapos na ang paghihirap mo. Tapos na rin ang paghihirap ko," iling ni Mama sabay duro sa hawak ko. "Ano 'yan?"

My coldness somehow faltered. Gusto ko mang itago mula sa mapanakit niyang tingin ang mga bulaklak ay huli na ang lahat.

"Sinong lintik ang nagbigay sa'yo n'yan?" Gigil na gigil si Mama.

Napalunok ako ngunit hindi pa rin sumagot.

"May boyfriend ka na, Sabina?" hindi makapaniwala niyang tanong sabay hindi rin makapaniwalang humalakhak. "At ano namang sinabi niya sa'yo? Mahal na mahal ka niya at hindi ka iiwan? Sapat na ba 'yon para suwayin akong ina mo?!"

Hinigpitan ko ang hawak sa mga bulaklak.

"Noong una ay balak mo kaming iwan ng kapatid mo. Dinadahilan mo pa ang pag-aaral mo para lang layasan kami tapos ngayon ay ito naman? Hindi kita pinalaking sinungaling. Lalong hindi kita pinalaking malandi, Sabina!"

Burning Red (Ruins of Helen # 5)Where stories live. Discover now