Sender - 33F
Hi readers ! im Shea 33 and hindi jowain
hindi naman jowa problema ko😅
so ito nga kasi gusto ko ng magresign sa trabaho ko !
sobrang toxic kasi and nabuburn out na talaga ako!
feeling ko pumapasok nalang ako para ibayad sa bills ko!
sa renta sa apartment!
sa tubig ,sa ilawtapos sabayan mo pa ng
padala sa pamilya mo sa probinya!
akala ata kasi nila ang laki ng sahod ko!
di nila alam kada magsisimula ang disi sais ay hotdog,longanisa nalang ulam ko
hindi dahil sa pangyayamanin to ah
talagang ito lang afford ng budget ko 😔 isang balot ng hotdog at 1/4 na longanisa papaabutin ko sa susunod na sahod
buti na nga lang magisa lang ako sa bahay ko
walang magrereklamo😅
kaso one time
sumama ako sa ka officemate ko s starbucks ! libre niya kasi birthday naman daw niya and first time niya lang daw susubukan yun parehas kami kaya syampre gumora ako
pinost yun ng officemates ko at naka tag ako
nakita yun ng nanay ko na nasa probinsya! nag comment pa nga siya sa mismong picture na pinost ng officemate ko !!
"nak kala ko ba wala ka ng pera? bakit anjan ka ? mahal yan diba?"
para talaga akong lulubog sa lupa nong panahon na yun
syempre puro Happy birthday comment sa post
tapos makikita mong ganon post ng nanay mo??
kaya chinat ko si mama
"ma libre lang sakin yun"
"akala ko ba wala kang mahihiraman ng pera para sa pambili ng cake ni Andy? pwede ka naman atang manghiram jan sa kasama mo!"
hindi ko alam kung anong sasagot ko ng time na yan
pano ko sasabihin sa mama ko na " ma may utang pa ako jan yung binayad sa bill ng ilaw ni ate loleth jan ko hiniram"
ang laki laki na ng utang ko sa mga kasama ko
dahil ano?
kakapadala sa probinsya!
para sa birthday ni ganto
para sa gamot ni ganyan
nakakasawa na
napapagod din ako
lalo na 2years n ko sa trabaho
ni piso walang laman yung alkansya ko
gusto ko muna magpahinga
kahit sandali lang
YOU ARE READING
Anonymous Post ( based on a true story)
RandomThis is a new way for people to share their thoughts and feeling as an anonymous post .. were they can vent out their feelings, without the people who may know them ...can judge them share your stories with me ! malay mo dito mo pa mahanap ang sago...