Sender -68M
magandang araw sa iniyo! ako si ernesto 68 anyos at magisa nalang na naninirahan ngayon dito sa bahay ko
meron akong isang anak na babae sa unang kasintahan ko si Matilda ,hindi ko pa sya nakikita uli simula ng maghiwalay kami ng mama niya nong kakasilang palang niya
siguro nasa 27anyos na din ang edad niya. hindi ko siya mahanap dito sa fesbuk
nagaral ako mag fesbuk para hanapin ang anak ko,sabi kasi ng kapitbahay ko ay makikita mo ang lahat ng hinahanap mo dito
pero ilang taon na at di ko pa din alam kung pano sya mahahanap kahit ang mama niya ay wala din sa app na ito
kaya sa lahat ng nagbabasa sana tulungan niyo akong hanapin ang anak ko si Gracia at ang nanay niya ay si Matilda
sana patawarin niyo ako sa lahat ng nagawa ko lalo na sa anak ko na hindi ko na nakita pa ng isilang dito sa mundo . sa dati kong kasintahan patawarin mo ako at hinayaan ko kayo,pinabayaan ko na mawala kayo dahil sa takot pa akong maging ama ng mga panahong yan,puro sugal at alak pa ang inuuna ko.
ngayon nagiisa nalang ako wala a din ang babaeng sinamahan ako, nauna na siya sa akin sa lugar ng panginoon
kaya siguro ako hindi pa kinukuha ng taas dahil hindi pa ako harapang humihingi ng tawad sa iniyo
ano mang mangyari sana kahit sa huling pagkakataon ay makasama ko kayo
matanda na ako
kunti nalang ang itatagal ko dito sa mundo
ESTÁS LEYENDO
Anonymous Post ( based on a true story)
De TodoThis is a new way for people to share their thoughts and feeling as an anonymous post .. were they can vent out their feelings, without the people who may know them ...can judge them share your stories with me ! malay mo dito mo pa mahanap ang sago...