03

148 8 1
                                    

CHAPTER THREE


NABIGLA si Paige kaya hindi siya kaagad nakakilos. Ibinalik ng lalaki ang baril sa loob ng jacket nito at hinawakan siya sa braso.

“Lakad,” utos nito.

Walang imik na tumalima siya. Noon lamang siya natakot nang ganoon sa tanang buhay niya. Dapat ay hindi siya bumaba ng kotse niya. Ngunit ano ba naman ang malay niyang may mangyayaring ganoon sa kanya?

She silently prayed. Hindi niya alam kung ano ang kailangan ng lalaking ito. Hindi niya alam kung balak lamang siyang kidnap-in at ipatubos sa kanyang stepmother. O baka naman may isang taong sadyang malaki ang galit sa kanya at ipinatutumba siya.

Napakaraming posibilidad. Kailangang manatiling alerto ang kanyang isip. Kailangan niyang makuha ang baril sa glove compartment ng kanyang kotse. Kailangan niyang makahingi ng tulong.

Palihim na iginala niya ang mga mata sa kanyang paligid. May mga sasakyan naman na nagdaraan.

Ngunit hindi niya magawang makahingi ng saklolo dahil nasa tagiliran niya ang dulo ng baril. Isang maling galaw ay maaaring maging katumbas ng kanyang buhay.

Nakita niyang may nakasakay nang lalaki sa kotse niya. Sinenyasan ito ng lalaking nasa tabi niya at

umalis na rin ito. Naglakad sila patungo sa isang kotseng nakaparada sa tabi ng kalsada. Binuksan ng

lalaking nakahawak sa braso niya ang pinto sa backseat at pilit siyang pinasakay roon.

Nag-alinlangan siya. Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit idiniin nito sa tagiliran niya ang baril na

nakakubli sa jacket nito. Napilitan siyang lumulan sa kotse.

“Tara na, Bogart.”

Tumango ang lalaking tinawag na Bogart na nakapuwesto na sa driver seat. Pinaandar na nito ang kotse.

Dalawa lamang ang dumukot sa kanya. Ang kotse niya ay wala na. Wala siyang ideya kung nasaan na

iyon. Nawawalan na rin siya ng pag-asa sapagkat tinted ang kinalululanan niyang sasakyan at walang

makakakita anuman ang gawin ng dalawang buhong sa kanya.

Habang binabaybay ang kahabaan ng kalsadang iyon ay inilabas ng katabi niyang lalaki ang isang

posas at bonnet. Alam niyang sa kanya nito iyon gagamitin. Hindi rin niya alam kung saan sila pupunta.

Pasimpleng sinulyapan niya ang lock ng pinto. Kaya niyang abutin iyon. Hindi rin automatic ang lock

niyon sapagkat ordinaryong Nissan Sentra lamang iyon. Ang baril naman ng lalaki ay nakatabi na.

Mabibilis ang takbo ng mga sasakyan sa gawing iyon. Malabo kung bababa siya bigla at paparahin ang

mga iyon. Ngunit ano ang choice niya? Kapag naposasan na siya at natakpan na ng bonnet ang kanyang ulo ay lalo siyang mapapahamak.

“O, isuot mo.” Iniabot ng lalaki sa kanya ang posas.

She looked ahead. May dalawang headlights siyang nakikitang papalapit. “S-sino kayo? Saan ninyo ako dadalhin?”

“Isuot mo nàyang bonnet. Wala nang tanung-tanong pa.”

Tumango siya at inabot ang posas. Tila hindi naman goon kung makaasta ang lalaki gaya ng

napapanood niya sa pelikula. Mukha pa ngang mahinahon ito. Marahil ay naisip nito na cooperative

naman siya. Ngunit nagkakamali ito. Nang maabot ang posas ay ginamit niya iyon para ipansuntok sa mukha nito.

“Aray! Puta!” Hindi na niya hinintay na makapag-react ito nang higit pa roon. Napalingon sa kanila si

Bogart at agad na inihinto ang sasakyan nang makitang duguan ang mukha ng lalaking katabi niya.

Sinamantala niya ang pagkakataon at agad na binuksan ang pinto.

“Patakbuhin mo ang sasakyan, gago!”

Napahiyaw siya nang hilahin ng katabing lalaki ang kanyang buhok. Nagpumiglas siya. She reached

back and scraped her fingernails on the man’s hands. Nabitiwan siya nito at nakatakbo siya bago pa man

bumilis ang takbo ng sasakyan. Gayunpaman ay nadapa siya. Hindi na niya naisip ang pagdurugo ng

tuhod. Agad siyang tumayo at tumakbo sa kabilang direksiyon.

Panay ang kaway niya sa sasakyang paparating. Nasa gitna siya ng kalye. Huminto naman iyon. Nang

lingunin niya ang mga lalaking dumukot sa kanya ay nakita niyang ang driver lamang ang humahabol sa

kanya. Sa tingin niya ay napuruhan niya ang kanyang katabi kanina.

“Paige?”

Napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig. Nakabukas ang bintana ng humintong kotse.

Nakadungaw roon si Franco.

For a split second, she felt as if she was looking at an angel. Aktong bababa ito nang pigilan niya.

“Don’t get off! Just open your door!” Tinakbo na niya ang sasakyan nito.

Hangos siyang sumakay sa kotse nito. Kapagkuwan ay pinasibad nito iyon. Nilagpasan nila ang kotse

ng dalawang lalaking nagtangkang dumukot sa kanya. Nasa labas na rin ang lalaking kinalmot niya.

Duguan ang mukha na nakatingin lamang ito sa kanila. Muli na itong sumakay sa kotse at sinundan sila.

“Bilisan mo, Franco! Bilisan mo!” halos hiyaw niya. Umiiyak na rin siya. “May baril sila! Baka barilin nila tayo!”

“Calm down. Hindi nila tayo babarilin. Makakatawag-pansin iyon. Don’t worry, I know what to do. Geez! What are you doing with those two?”

“Dinukot nila ako! They took my car!” Hysterical pa rin siya.

“Calm down, calm down, Paige. I’m gonna take care of you.” Lalo pang binilisan nito ang pagpapatakbo ng sasakyan. Hindi nagtagal ay inihinto nito iyon sa tapat ng isang police station.

Lumingon siya. Wala na ang mga sumusunod sa kanila. Tila isang malaking tinik ang nabunot sa

kanyang lalamunan.

Noon lamang siya umayos ng pagkakaupo. Kapagkuwan ay natutop niya ang kanyang noo. “Oh, God,

I thought I was going to die.”

“Sshh, calm down. Everything’s fine now. Sa tingin mo, sino ang magtatangka sàyo?”

“E-ewan ko. Maraming galit sa akin. Maraming naiinggit sa akin. H-hindi ko alam. Thank God for

you, Franco. What were you doing there anyway?”

“Papunta ako sa kaibigan ko. Shortcut ang daan nàyon. C’mon, let’s go. I-report natin ang

nangyari.”

Tumango siya at sumunod dito. Nagtagal sila sa police station dahil maraming mga larawan

ng mga most wanted kidnappers sa bansa na ipinakita sa kanya. Ngunit hindi niya nakita roon ang mga

nagtangkang dumukot sa kanya.

She felt so helpless. Paano na kung bukas ay may magtangka uli sa kanya? Ang sabi ng nakausap

nilang pulis ay mabibigyan naman daw siya ng proteksiyon kung nais niya. Nang mga oras daw na iyon

ay wala pang available ngunit bukas daw ay maaari na siyang padalhan ng escort.

Mahal niya ang Pilipinas ngunit hindi siya makapaniwala sa kaluwagan ng sistema ng pulisya.

Salamat na lamang at naroon si Franco. Natatakot pa rin siya pero unti-unti nang napapanatag ang loob

niya dahil kasama niya ito.

“Paano kung nakasunod pa rin sila sa atin ngayon, Franco?” tanong niya rito nang lulan na uli sila ng kotse nito.

“Hindi nàyon. Huwag ka nang mag-alala. Ihahatid na kita sa inyo. Safe ka ba ro’n?”

“I think so.”

“Bakit hindi ka muna magbakasyon?”

“Alone? You’ve got to be kidding me.”

Nagkibit-balikat ito at pinasibad na ang sasakyan.

Panay ang linga niya sa paligid. Mukhang safe na nga sila nang mga oras na iyon. But she dreaded

going out tomorrow. Kung buhay lamang marahil ang kanyang ama, natitiyak niyang alam nito ang

gagawin. She suddenly felt so isolated, so alone.

Tahimik lamang siya habang bumibiyahe sila. Nasabi na niya kay Franco kung saan siya nakatira.

Hindi pa rin siya makapaniwala na kanina lamang nangyari ang lahat ng iyon sa kanya. Ano na ang

nangyari sa kanya kung hindi si Franco ang nagkataong dumaan? Hintuan man lang kaya siya?

Oh, God, she didn’t even want to think what might have happened if Franco wasn’t there.

Nang maihatid na siya nito ay pinatuloy na muna niya ito sa loob. Alam niyang hindi pa rin ito

naghahapunan dahil kanina pa sila magkasama sa editing room. Nagpahain siya kay Nanay Choleng.

“Okay ka na ba?” tanong ni Franco.

“I guess. Gabing-gabi na. Dito ka na lang matulog.”

Ngumisi ito. “That’s a very indecent proposal, Paige.”

Hindi niya naiwasang matawa sa kabila ng mga nangyari nang gabing iyon. “Puro ka talaga

kalokohan. I’m not kidding. Maraming extra rooms dito. It’s a big house. You can stay here for the night.

Ayoko nang mag-alala sàyo, Franco, lalo ngayon. Please stay here for the night.”

“Sure.” He smiled at her.

She smiled back. Bakit ba noon lamang niya napansin na napaka-cute pala ng ngiti nito? Sumasabay

sa pagngiti nito ang mga mata nitong mataman kung tumingin. Nagmumukhang singkit ito kapag

nakangiti ito. May isang sungking ngipin ito sa harapan na sa tingin niya ay bagay na bagay rito. Ang

weird nga dahil parang nakadagdag pa sa appeal nito ang hindi perpektong ngipin na iyon.

Pero bakit ba niya inoobserbahan ang hitsura nito? Ang tagal-tagal na niyang kasama ito sa istasyon

ay hindi naman niya iyon ginawa noon.

She didn’t know but she couldn’t help staring at him now. He was so manly, yet so childlike. Ah,

ewan. Basta malaki ang pasasalamat niya rito.

Pagkakain ay nagkuwentuhan pa sila nang ilang minuto sa sala. Tinanong siya nito kung ano ang plano niya.

“Ang totoo, hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko,” sagot niya.

“Bakit hindi ka magbakasyon?”

“Tama ka. Parang mas magandang magbakasyon na lang ako. Pero saan? Nakakatakot na ako lang mag-isa ang aalis.”

“Why don’t you go abroad?”

“Alone?”

Ngumisi ito. “What? You want me to go with you?”

Sukat nag-init ang buong mukha niya. Paano ay kanina pa niya nais yayaing samahan siya nito.

Nakahiyaan lamang niyang sabihin. Una, ano na lamang ang iisipin nito? Ikalawa, alam naman

niyang may trabaho ito.

Naguguluhan nga siya sa kanyang sarili. Bakit ba ito ang nais niyang kasama? Siguro ay dahil

panatag ang loob niya rito. Wala naman kasi talaga siyang masasabing totoong kaibigang maaasahan.

Ang mga ka-team niya sa istasyon ay hindi naman maaasahan pagdating sa mga ganoong bagay. They

were friends, not protectors.

Ang dalawa roon ay babae, at ang isa ay bakla. Baka siya pa ang magprotekta sa mga iyon.

Besides, out of the question na yayain niya ang mga iyon. Masyadong abala ang mga iyon. Her

stepmom? Nah! Ayaw niyang masama pa ito sa kaguluhang iyon. While Franco seemed a good choice.

“N-no. Of course not,” sabi na lamang niya.

“Are you sure? Because I could take some time off, if that’s what you really want.” Hindi nawawala

ang mapanudyong ngiti sa mga labi nito. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis dito.

Nawi-weirdo-han na siya sa nangyayari. Hindi naman sila maikokonsiderang close, ngunit hayun at

nais na nga niyang yayain ito. Nababaliw na yata siya.

“Nakakainis ka, Franco.” Inirapan niya ito.

Ang lakas ng tawa nito. “Lalo kang gumaganda kapag nagba-blush ka. Think it over. Sabihin mo sa

akin kung ano ang pasya mo kapag nakapag-isip ka na.”

She sighed. “How could you possibly offer me help just like that? You’re always available. You’re

like a handyman. You’re practically a Swiss army knife.” Natawa siya. “Don’t you have other things to do?”

“Marami akong gagawin, kung gagawin lang naman.”

“So, bakit masyado kang available?”

“Ito ay sekreto lang nating dalawa, okay?”

“Okay.”

“Masyado akong available, oo. Pero sàyo lang.”

Nabura ang ngiti niya lalo at seryoso ito nang sabihin nito iyon. Napayuko siya. Bumilis ang pintig ng

puso niya. Was he for real, for crying out loud? Hindi niya malaman ang kanyang sasabihin. She had an overwhelming urge to hug him so tight. Kasabay naman niyon ay naiilang siya.

“O, baka naman isipin mong pinopormahan na naman kita, ha? Hindi po. Idol lang talaga kita.”

Napatingin siya rito. “I-I’ll show y-you your room. C-come.”

Inihatid na nga niya ito sa isa sa guest room. They exchanged goodnights. She even kissed his cheek.

Napahagikgik siya nang mamula ito.

“Thank you, Franco."

Nagkamot ito sa ulo. “Nahiya tuloy ako.”

“You’re crazy. Sige. Sleep tight.”

“You, too.”



BILING-BALIGTAD si Paige sa kama. Pinag-iisipan niya ang sinabi ni Franco. Sa tingin niya, ang

pinaka-logical niyang gawin ay ang magbakasyon. Malinaw naman na hindi basta-basta ang nagtatangka

sa kanya. Ni hindi niya alam kung ano ang totoong plano ng mga iyon—kidnap-for-ransom o ang patayin siya.

Napakarami niyang maaaring paghinalaan. Sa DQ ay hindi lamang iisa ang nakabangga niya mula

nang maging board member siya. Marami ring nagtangkang sumabotahe sa kanya noong ialok sa kanya

ang pagiging presidente niyon. In the end, ang ibinoto niyang presidente ay ang matalik na kaibigan ng

kanyang ama.

Marami ring miyembro ng board ang nais bumili ng stocks niya. Marami ring mga manliligaw na

nabigo sa kanya. At hindi lamang miminsang may ex-girlfriend o girlfriends ng mga iyon ang nagpahayag

ng galit sa kanya. There were just too many suspects. Mahirap gumalaw dahil hindi niya kilala ang

kanyang kaaway.

Aminado siyang natatakot siya. Maaaring ang nagpadala ng bulaklak sa kanya ang nagtangka sa

kanya, o maaari ding hindi. Nais niyang umalis muna at habang wala siya ay saka niya paiimbestigahan

ang bagay na iyon. Hopefully, mareresolbahan kaagad iyon at sa kanyang pagbabalik ay maayos na ang lahat.

O baka may kakilala si Franco sa NBI o sa kung saang ahensiya ng batas. Hindi siya mapakaling

hintayin pa ang umaga. Nagpasya siyang katukin si Franco sa silid nito upang sabihin ang nasa isip niya.

Ngunit nang nasa tapat na siya ng silid nito ay nag-alangan siya. Alas-tres na nang

madaling-araw. She figured she could wait. Aktong patalikod na siya nang bumukas ang

pinto. Nahigit niya ang hininga nang tumambad sa kanya ang binata. Naka-boxer shorts

lang ito.

Napalunok siya. Murang dilaw ang kulay ng boxers shorts nito. He looked so clean and so sexy in it.

And the bulge was just so very noticeable.

“Hey,” anito. Sinapo nito ang baba niya, saka iniangat ang kanyang mukha.

Nais niyang lumubog sa kinatatayuan. Kinailangan pa nitong iangat ang kanyang mukha sapagkat

nakatingin siya sa bulge nito! Santisima!

“I... I w-was j-just thinking...” Muli na naman siyang napatingin sa bulge nito. She closed her eyes shut.

“Yes?”

“M-maybe you know s-someone from the NBI?”

“I do. We’ll talk about that later, all right?”

“R-right.”

“Is that all?”

“Y-yeah. B-bakit hindi ka pa natutulog?”

“Nauhaw ako, eh.”

“Oh. You know your way around. I-ikaw na ang bahala.” Nagmamadali siyang tumalikod.

Bakit parang nauuhaw na rin siya? Aw, shit!

MLMH: Franco Cortez | VANESSAWhere stories live. Discover now