09

186 8 0
                                    

CHAPTER NINE




ISANG floral-printed na bestida ang isinuot ni Paige patungo sa bahay ng mga magulang ni Belinda.



Nasa dulong bahagi ng farm iyon.



Marami nang bisita nang dumating sila ni Franco roon. Nakangiting sinalubong sila ni Mario. Agad



na kinarga ito ni Franco.



"Nasaan ang lola mo?" tanong ni Franco sa bata. Halatang malapit ito sa pamilya ni Belinda.



"Nasa loob. Pasok kayo."



"Hi, Mario," sabi niya rito.



"Hello po."



She was glad the boy seemed to like her. Pumasok na nga sila sa kabahayan. Doon ay sinalubong sila



ni Belinda. Aaminin na niya, maganda talaga ito at lalong na-enhance iyon ng pulang bestidang suot ito.



Walang manggas at mababa pa naman ang neckline ng bestida. Parang dadalo ito sa isang pang-yuppie na



party at hindi sa kaarawan ng ina nito sa sariling tahanan.



Nilapitan na rin sila ng may kaarawan. Ibinigay ni Franco ang regalo nila rito. Binati naman niya ang



matanda. Kamukha ito ni Belinda kaya kakatwang hindi siya nakadama ng inis dito. Magiliw kasi ito sa



kanya. Bagaman agad din itong nagpaalam para asikasuhin ang iba pang bisita.



Pagkatapos kumuha ng pagkain ay pumuwesto na sila ni Franco sa sala. Nasa labas ang mga tauhan



ng farm. Hindi pa nagtatagal ay niyaya na ng mga ito si Franco na makipag-inuman sa mga ito. Game



naman si Franco at hinayaan naman niya ito. Naiwan siyang nag-iisa sa sala. Nakabukas naman ang TV



kaya nanood na lamang siya.



Mayamaya ay tinabihan siya ni Mario.



"Hello uli," aniya sa bata.



"Hi po." Tiningnan siya nito. "Bakit po kayo palaging kasama ni Kuya Franco?"



"Magkaibigan kasi kami," nakangiting paliwanag niya.



"Ah..." Napatango pa ito. "Kasi minsan nagseselos ang mama ko, eh. Sinabi niya kay Kuya Franco na



nagseselos siya. Sabi naman daw ni Kuya Franco, magkaibigan lang naman daw kayo."



Awtomatikong kumunot ang kanyang noo. "Ano'ng ibig mong sabihin?"



"Eh, kasìdi ba mag-boyfriend silang dalawa?"



She was really taken aback dahil sa sinabi nito at higit sa ekspresyon ng mukha nito. Kung magsalita



ito ay inosenteng-inosente, halatang kung anuman ang sinabi nito ay iyon ang katotohanang nalalaman



nito. Bakit naman nito sasabihin iyon? Posibleng sinabi iyon ng nanay nito rito pero sa tingin niya ay



hindi tama iyon. Kung anu-ano ang isinasaksak ni Belinda sa isip ng sariling anak. Paano na lang kung



malaman nito ang totoo? Baka pati kay Franco ay magtampo ang bata.



"Sino naman ang nagsabi sàyo na mag-boyfriend silang dalawa?"



"Naririnig ko ang usapan nila. Saka sinabi ni Mama na nagseselos siya sàyo."



"Totoo bàyan?" paniniyak niya.

MLMH: Franco Cortez | VANESSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon