OBSESSION 2

5.5K 75 1
                                    

Chapter 2


“She did that?” Drakov answered while laughing at Stefano.

He glared at Drakov pero ang piste tumawa lang nang  malakas at halatang iniinis si Stefano ng todo.

“Fuck you!” inis na saad ni Stefano at nagmiddle finger ito kay Drakov.

Subalit lalong tumawa sa kaniya si Drakov.

“Shit, insan! Daddy ka na pala ngayon!” natatawang sagot sa kaniya ni Drakov.

“Fuck you! Fuck you! Fuck you!” galit na sabi ni Stefano kay Drakov.

Nagsisi tuloy siya nang sabihin niya kay Drakov ang nangyari sa kaniya two years ago. Still, hindi niya kasi makakalimutan ang tagpong ’yon.

Simula no'n palagi na niyang pinuntahan sa school ito at hindi siya nagpapakita rito dahil alam niyang magagalit naman ito sa kaniya. Pero, sinisiguro niyang walang lalaking makakalapit o magtangkang manligaw sa baby girl niya.

Katulad na lang no'ng malaman niyang may sumubok na manligaw rito.

“Sir, may lalaking umaaligid kay Ma'am,” kinakabahang sabi sa kaniya ng kaniyang secretary.

“Mukhang manliligaw po kay Ma'am,” dagdag na sabi nito.

Takot itong mabanggit ang pangalan dahil alam niyang magagalit ang Sir Stefano niyo. Minsan na kasi siyang nagkamali na masabi nito nang aksidente ang pangalan ni Rachelle. Muntik na siyang mabugbog ni Stefano. Kaya naman, nagtanda na talaga siya simula no’n.

“What?!” gulat na sagot ni Stefano sa kaniyang secretary.

Nasa isang meeting pa naman siya ngayon sa loob ng conference room ng kaniyang kompanya. Tapos bigla niyang malalaman na may nanliligaw sa baby girl niya.

“The meeting is cancelled!” galit na sabi ni Stefano sa kasamahan niya sa loob ng conference room.

Gulat at tahimik lang sila nang sabihin ito ni Stefano dahil alam nilang galit ito. He's obsessed with this girl named Rachelle Alcantara. Kaya naman, wala silang magawa dahil si Stefano naman ang may-ari ng kompanya.

Lumabas agad si Stefano sa conference room at walang sinayang na oras. Pinunta niya agad si Rachelle sa eskwelahan nito.

Pagdating niya sa labas ng eskwelahan ay pumasok agad siya sa loob pero hinarang siya ng guard.

“Sir, bawal po outsiders dito sa school except kung may anak kang nag-aaral dito,” sabi nito sa kaniya.

“What?! Pero—” sagot niya subalit pinutol ito ng guard.

“School policies lang po, Sir. Sumusunod lang po ako sa policy ng school,” paliwanag naman nito sa kaniya.

Naiintindihan naman ito ni Stefano dahil ’yon naman ang trabaho nito at tama naman ang ginawa niya. But, hindi pa rin siya makakapayag na gano'n-gano'n na lang at hindi niya mapuntahan si Rachelle.

“Boss, I'm Zeus Montemayor, cousin. Dito siya nagtuturo. Pinapunta niya ako rito dahil may ibibigay raw siya sa akin at dahil busy siya kaya ako na lang ang pinapunta niya rito,” saad naman niya.

Kahit ang totoo ay wala naman silang napag-usapan ng pinsan niyang si Zeus. Dito lang ito nagtuturo pero yong ibang sinabi niya ay hindi na totoo.

“Sorry, Sir. Si Sir Zeus pala ang sadya mo. Sige po pumasok na po kayo,” sagot agad nito sa kaniya.

“Salamat, boss!” saad ni Stefano at dali-daling pumasok sa loob.

Hinanap niya agad si Rachelle. Alam niyang saan niya ito mahahanap dahil hindi siya magiging ganito kung wala siyang alam. May mga mata siyang nakapaligid kay Rachelle. Kaya, wala talaga itong takas sa kaniya.

Tinungo agad ni Stefano ang tambayan ni Rachelle sa likod ng Business Administration building.

’Di nga siya nagkamali, dahil agad niya itong nakita. May suot na earphones at nakapikit.

Nilapitan agad ito ni Stefano and while looking at her beautiful face. Mas lalong nahuhumaling si Stefano na angkinin ito at hindi ishashare sa iba. Kung pwede lang niya itong ikulong sa bahay niya para wala nang ibang makatingin o makakita sa maganda nitong mukha ay ginawa na niya. Pero ayaw naman niyang gawin ’yon kay Rachelle. He's obsessed but not a kidnapper.

Napansin naman agad siya ni Rachelle. Bumangon ito mula sa pagkakahiga at tinanggal ang suot na earphones sa tenga. Pagkatapos, hinawi ang buhok nito at tinali.

Napatulala na lang si Stefano sa kaniyang nakita. Mas lalo itong gumanda sa paningin niya.

“Anong ginagawa mo rito?” biglang nagsalita si Rachelle kaya naman napabalik siya sa kaniyang sarili.

Naalala naman niya ang dahilan kung bakit siya narito ngayon.

“Is that your suitor?” tanong niya rito sabay pakita ng isang larawan na may kasama siyang lalaki na kapareho sa kaniyang uniform.

Naghihintay siya sa sagot ni Rachelle na hindi niya ito manliligaw pero nagulat siya sa sinagot nito.

“Ano naman ngayon kung manliligaw ko siya?” sagot nito sa kaniya.

Napatigil tuloy si Stefano at napahawak sa dibdib niya. Sumidhi naman bigla ang galit niya sa kaniyang nalaman.

“Reject him. ’Di kayo bagay!” galit na sabi niya kay Rachelle.

Maraming pumapasok sa isip niya sa lalaking sinasabi ni Rachelle sa kaniya.

“Fuck him! Fuck him! Ang lakas nang loob niyang ligawan ang baby girl ko!” sabi ni Stefano sa isip niya.

He was cursing the boy who courted Rachelle on his mind.

“Bakit sino ba bagay sa akin. Ikaw?” sagot nito sa kaniya.

Medyo gumaan naman ang loob niya sa sagot ni Rachelle dahil iniisip pala nito na bagay silang dalawa.

“Exactly! Mas bagay tayo! Kaya reject him!” masayang saad niya rito.

“’Di ako pumapatol sa matanda!” biglang sagot nito sa kaniya na ikagulat at ikinalaki ng kaniyang mga mata.

“What the fûck!” 'di makapaniwalang sabi niya dahil tinawag na naman siyang matanda nito.

Pagkatapos nitong sabihin sa kaniya na matanda siya ay bigla na lang din itong umalis at iniwan siya. Inis na inis tuloy si Stefano at padabog na umalis sa eskwelahan.

“Daddy Stefano!” natatawang sabi sa kaniya ni Drakov.

“Isang daddy mo pa, Drakov at masisira ’yang mukha mo! Buset ka!” inis na sagot niya rito.

Subalit, hindi man lang natakot sa kaniya si Drakov. Mas lalo pa nga itong tumawa at tinawag siyang daddy.

Napailing na lang si Stefano dahil sa pambubuwesit ni Drakov sa kaniya. Pumunta lang pala ito sa opisina niya para bwesitin siya. It's been two years na nga ang nangyari pero hindi niya pa rin ito makakalimutan but he's willing to be Rachelle's daddy kung gusto rin ni Rachelle. Ngunit alam naman niyang hindi siya gusto ni Rachelle.

Pinipilit pa rin naman niyang magustuhan siya ni Rachelle. He's fucking obsessed with her. Simula nang makita niya ito, damn, wala na siyang interest sa ibang mga babae. Si Rachelle na lang ang palaging naiisip niya. Ganiyan siya ka obsessed dito.

A/n: Stefano “Tinawag na Matanda” Montemayor. Here's the update! Sana magustuhan niyo. Typo and ungrammatical errors ahead!

Stefano's Obsession Where stories live. Discover now