OBSESSION 3

5K 79 4
                                    

Chapter 3

Patungo ngayon si Stefano sa kaniyang opisina. He had a meeting in ten minutes. Kaya naman nagmamadali siyang tumungo sa kaniyang opisina. Na late kasi siya nang gising dahil hindi siya nakatulog nang maayos kakaisip kay Rachelle.

Hindi kasi mabubuo ang araw niya nang hindi niya ito nakikita kaya pagkalabas niya kahapon sa kaniyang trabaho ay palihim niyang pinuntahan si Rachelle sa isang café kung saan ito nagtatrabaho. Nakasuot naman siya ng sumbrero at naka mask kaya naman hindi siya nakilala nito.

Nagmumukhang giraffe na nga siya kakatingin at kakataas ng leeg niya masilayan lang niya ang hindi nakakasawang kagandahan na taglay ni Rachelle.

Sa ngayon wala pa siyang maisip na plano paano niya makuha si Rachelle. Gusto niyang kusa itong sasama sa kaniya at hindi pilit. Ayaw niya kasing pilitin ito na sumama sa kaniya kaya naman ay hihintayin na lang niya ang tamang oras at pagkakataon makahanap ng paraan makuha niya ito.

“Stefano is that you?” tanong ng isang babae sa kaniya.

Tiningnan lang ito ni Stefano pagkatapos ay hindi niya pinansin at nagpatuloy lang siyang pumasok sa loob ng elevator. Ngunit, sinundan din pala siyang ng babae.

“Wait... Can't you remember me?” maarteng tanong ulit nito sa kaniya.

“It’s Ayesha, Stefano, remember? The girl on the bar you've left with no trace,” dagdag na sabi pa nito.

“I’m not interested,” malamig na sagot ni Stefano rito.

Hindi na siya ’yong Stefano na kilala nang mga babae sa bar noon. Tumigil na siya sa pagbabar at pambababae simula nang makilala niya si Rachelle.

“You're kidding, right?” ’di makapaniwalang sabi nito.

“You're Stefano for nothing. Alam kong hindi mo ako natatandaan pero hindi pa rin nagbabago,” dagdag pa nito.

“I’m taken and stop bothering me!” sagot pa ni Stefano rito.

“Wow! Really? Sino sa amin ang girlfriend mo?” paglalandi pang sabi nito sa kaniya.

Nilalandi pa sana siya ng babae subalit lumalayo naman siya. Ayaw niyang malaman ni Rachelle na may babaeng lumalapit sa kaniya kaya naman siya na ang lumalayo sa mga ito. Iniisip niya kasi na baka lalo siyang hindi magustuhan nito kapag marami siyang babae.

Dahil hindi makatiis si Stefano sa paglalandi sa kaniya. Kahit hindi pa floor sa kaniyang opisina. Lumabas agad siya sa elevator para makalayo sa babae. Subalit sa hindi niya inasahan. Pagbukas ng pinto sa elevator ay mukha ni Rachelle ang tumambad sa kaniya.

Nangangatog ang tuhod at pinagpapawisan si Stefano sa kaniyang nakita. Akala niya namalik mata lang siya pero hindi pala. Totoong nasa harapan niya si Rachelle.

“Fuck! Anong ginagawa niya rito. Baka iisipin niyang babae ko ang kasama ko sa elevator!” sa isip ni Stefano.

Hindi niya tuloy alam ang gagawin kung lalabas ba siya sa elevator o hindi. Nakapasok na rin si Rachelle sa elevator pero nakatingin lang ito sa kaniya.

Napalunok nang wala sa oras si Stefano dahil natatakot siya sa iniisip ni Rachelle sa kaniya lalo na’t seryoso itong nakatingin sa kaniya.

“Bye, Stefano, babe!” biglang sabi naman sa kaniya ni Ayesha at hinalikan pa siya sa kaniyang pisngi.

Mas lalong tuloy siyang nataranta sa nangyari. Lalabas sana si Stefano sa elevator pero huli na ang lahat. Muli na itong sumara at umandar.

Abot abot ang kaba ni Stefano habang pinagpapawisan siya ng malamig. Hindi siya makatingin nang maayos kay Rachelle dahil takot siyang makita ang matalim na tingin na pinukol sa kaniya.

Para tuloy siyang batang pinagalitan ng ina sa sitwasyon niya. Pero kahit takot siya ay susubukan niya pa ring magpaliwanag kay Rachelle.

“I-Is not like that what you think,” utal niyang paliwanag kay Rachelle.

Wala namang reaksyon sa kaniya si Rachelle. Kaya naman muli siyang nagsalita.

“H-Hindi ko ’yon kilala. Nagulat na nga lang ako sa ginawa niya,” paliwanag pa ni Stefano.

“Pinagsasabi mo?” tanong ni Rachelle sa kaniya.

Napalunok muli si Stefano sa sagot ni Rachelle sa kaniya.

“Fuck! I'm fucking messed up! Hindi siya naniniwala sa akin!” natatarantang sabi niya sa kaniyang sarili.

“Ganito kasi 'yon. Pagkasakay ko kanina ay sumakay rin siya pero hindi ko siya kinausap. I just ignore her whole time. Nagulat na lang ako na hinalikan niya ako bigla,” paliwanag ni Stefano.

“Para kang tanga sa pinagsasabi mo. Diyan ka na nga, you're creeping me out,” sagot sa kaniya ni Rachelle at lumabas na sa elevator. Huminto na rin pala ito nang hindi niya agad napansin.

Napatulala na lang si Stefano dahil sa sinabi sa kaniya ni Rachelle. Pagkalabas nito sa elevator ay hindi na niya ito nagawang masundan dahil sa hindi niya maigalaw ang mga paa sa gulat.

Hanggang sa tuluyan nang sumara ang pinto ng elevator at muling umandar. Sa muling pagbukas ng pinto ng elevator ay nasa destinasyon na nga siya. Tulala at wala sa sariling lumabas ng elevator si Stefano.

’Di niya namalayan na late na pala siya sa kaniyang meeting. Kaya naman, hindi na lang siya tumuloy sa kaniyang meeting at tinawag na lang niya ang kaniyang secretary para tanungin kung bakit nasa kompanya niya ang babaeng kinababaliwan niya. Nasa loob na pala siya ng kaniyang opisina.

Halos hindi nga siya kanina makagalaw at makapagsalita sa takot. Kapag si Rachelle talaga ang kaharap niya, nawawala ang tapang niya bigla. Talagang tiklop siya pagdating dito.

“Nakuha mo na ba?” tanong agad ni Stefano sa kaniyang sekretarya nang makapasok sa kaniyang opisina.

“Yes, sir. May nakuha akong information about, Ma'am,” sagot naman sa kaniya.

“Spill it!” saad naman niya rito.

“Narito po siya Sir dahil nagbabaka-sakaling may hiring tayo dahil naghahanap pala siya ng bagong trabaho,” pahayag sa kaniya ng kaniyang sekretarya.

“Did she left her previous work?” takang tanong ni Stefano at narinig naman ito ng kaniyang sekretarya.

“Yes, Sir. Umalis siya sa dating work niya dahil tapos na ang kontrata niya roon,” sagot nito sa kaniya.

“Pero, ilang weeks pa lang tayong tumigil sa pagtatanggap ng bagong aplikante at tapos na rin tayo sa paghihiring,” dagdag pang paliwanag nito sa kaniya.

“No! We should hire my baby, Nero! She's my baby!” pagalit na sagot ni Stefano sa sekretarya niya.

“Hanapan mo siya ng posisyon rito sa kompanya ko, Nero. I want my baby to work here! Understand?!” Stefano added.

“Pero, wala na tayong bakanteng posisyon, Sir,” pagrarason naman sa kaniya ni Nero.

“I don't care, Nero! Pwede naman siyang dito na lang sa opisina ko kahit walang trabaho. I'm willing to pay her kahit wala siyang trabaho!” inis na sabi nito.

“Did you get it, Nero?” saad pa ni Stefano.

“Yes, Sir,” napipilitang sagot naman ni Nero sa kaniya.

Umalis agad si Nero sa opisina niya. At dito siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

“Fuck! I'm excited to see you in my company. Sisipagin yata akong magtrabaho kapag palagi kitang nakikita,” parang timang na sabi ni Stefano habang nakangiti.

A/n: Stefano “Under kay Rachelle” Montemayor.

Share your thoughts about this story sa comment section. Para ganahan ako mag update.

And by the way, may group po pala ako sa mga readers ko. Pwede kayo sumali to interact with me. Add niyo lang ako sa Facebook. Pangalan ko po ay Jack or pwede niyo tingnan sa profile ko sa Wattpad Account ko. Naka link ang Facebook account ko. Salamat. PM niyo lang ako para napansin ko agad.

Stefano's Obsession Where stories live. Discover now