Primera página: Paglalakbay ng Pag ibig

17 8 0
                                    

"Paglalakbay ng Pag ibig"

Tayong dalawa ay magkasamang nagpasya,
Nagpasya na lakbayin ang pag ibig,
Tatahakin ang daan ng pangako't pangarap,
Magkaagapay sa hinaharap.

Sabay na sinilayan ang haring araw,
Hinakbang ang paa ng magkasabay,
At umpisahan ang Paglalakbay,
Umaasang hanggang dulo tayo'y magkaagapay.

Nagsimula na ang Paglalakbay,
Humakbang ng hawak kamay,
Ngunit ang daan sa paglalakbay ay hindi tuwid,
May mga liko at pasakit.

Ay daang lubak lubak,
Sa ating pag ibig ay humamak,
Kung pag ibig ba'y tapat at sapat,
Sa mga balakid na kinakaharap.

Ang isa'y napagod sa pag lalakbay,
Ninais mamahinga at sya'y alalayan,
Ngunit ang isa'y nais magpatuloy,
Hindi alintana ang pagod at panaghoy.

Mga pangako'y tila nakalimutan,
Mga pangarap na binuo ng sabay,
Sa pag nanais na maraming sa destinasyon,
Mag isa siyang nagpatuloy.

Ang isa'y naiwang nagtatanong,
Nais nya lang naman ng saglit na panahon,
Ngunit tila inip ang kanyang kasama,
Nagpatuloy kahit wala sya.

Tayo magkasamang naglakbay,
Ngunit ang destinasyon ay sablay,
Sapagkat sa huli, mas piniling tumabi,
Magkaiba na tayo ng naging kakampi.

Sa paglalakbay ng Pag ibig,
Tayo'y nakarating sa ating destinasyon,
Ngunit hindi tulad ng kung paano natin plinano,
Sapagkat magka iba na ang kasama natin sa dulo.

-D.CypherAzure

Whisper of Wilted Dahlia'sWhere stories live. Discover now