Segunda página: Paalam, Minamahal

13 7 0
                                    

"Paalam, Minamahal"

Paalam, Minamahal.
Pighati ang hatid ng iyong paglisan,
Kaguluhan sa puso ang iniwan,
Pangungulila sa tuwina'y nariyan.

Pagmamahalan natin ay tapat,
Ngunit hindi yata sapat,
Upang tadhana'y umayon sa lahat,
Planong sa dulo'y tayo dapat.

Pagbagsak ng ulan,
Baha ang kanyang iniwan,
Kasabay ng maglaglag ng luha sa mga mata,
Hindi ka na ulit makikita Sinta.

Naiharap mo pa'rin naman ako sa altar,
Ngunit katabi'y malamig mong katawan,
Lumuluha hindi dahil sa tuwa,
Ngunit dahil sa pangungulila.

Paano pang matutupad ang iyong pangakong kasal?
Payapa ka nang nakahiga r'yan,
Naisin man kitang pabangunin,
Hindi maari kahit anong gawin.

Tadhana'y sadyang kay lupit,
Pag ibig ay kay higpit,
Hindi hinayaang makawala sa tanikala,
Ako ngayo'y nangungulila,

Naririto at ihahatid ka sa huling hantungan,
Mahirap ngunit kailangan,
Paalam, Minamahal,
Hanggang sa kabilang buhay.

-D.CypherAzure

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Whisper of Wilted Dahlia'sWhere stories live. Discover now