Chapter 36

51.8K 1.2K 53
                                    

A/N: Di ko pa talaga nabasa ng buo tong chapter na 'to. Bawi nalang ako sa susunod.

CHAPTER 36

OWN ME

"Mommy, bakit wala pa po si Tito Clyde? Akala ko ba siya ang daddy namin ngayon? Nasaan po ba kasi ang daddy namin ni Dash?"

Nabigla siya sa tanong ng anak. Family day sa school ng mga ito ngayon at may mga family activity kung saan kailangang magparticipate ng parents. At ngayon nga ay literal yata siyang napanganga sa tanong ng anak.

Naupo siya para magpantay sila ng anak. Nate-tense siya lalo na at parang hinihintay talaga ng kambal niya ang isasagot niya. Si Dash na hindi palakibo ay nakatingin lang sa kanya ng matiim at ang mga asul nitong mata ay nagpapakita ng pagkagkainip.

Ngumiti siya at inayos ang head band ng anak. "Di ba doctor ng mga baby si Tito Clyde?" Tumango lang si Elle. "Baka male-late lang si Tito dahil may kaylangan syang gamutin na baby. Dadating din iyon. Nag promise siya, di ba?" Tumango tango naman si Elle sa kanya at tahimik na hinintay si Clyde.

"Mom, nasaan po ba ang daddy namin?"

"Di ba ang sabi ko ay nasa ibang bansa si daddy nyo? Someday, you'll going to meet him." At bahagya niyang nginitian si Dash.

"Same reason." At naupo na ulit ang anak sa isang sulok at hindi na siya pinansin.

"Ano, okay ka lang ba?" Tanong ni Chesca sa kanya. "Kung wala lang akong lakad kasama ng Irving James the third na iyon, sasamahan ko talaga kayo para may kasama si tito na mag cheer. Pero Rin, wala ka na ba talagang planong makipag-ayos pa kay Dwight? After all, he is still the father of the twin. He deserve to know that Dash and Elle are existing."

Umiling iling siya at ngumiti ng mapakla. "Hindi na siguro. Four years. Kahit isang beses, hindi siya nag-effort para kamustahin ako na kung ginawa sana niya ay nalaman niyang may mga anak kami. But he never cared."

"Sooner or later, kukulitin ka na ng kambal ng tungkol sa tatay nila. Nakahanda ka na ba sa mga isasagot mo?"

Umiling siya. "Chesca, kung ikaw ang nasa kalagayan ko, anong gagawin mo?"

Saglit na tumahimik ang kaibigan bago sumagot. "Kung mag asawa na kami ni Irving James the third tapos may mahal siyang iba pero sa akin siya kasal at may anak na kami? Friend, tututukan ko sya ng baril ako lang ang piliin niya. After all, I am his wife. I have all the rights in him at gagamitin ko ang karapatang iyon para tuluyan siyang mapasaakin lalo na at may anak kami."

Sumibqngit siya. Kahit talaga kailan ay wala siyang makukuhang matinong sagot mula kay Chesca dahil isa itong dakilang bitter. Palibhasa ay nabasted dati.

"Mommy!" Tawag ni Elle sa kanya at tumili pa. Kung bakit ay dahil pala papasok na sa gate nila ang kotse ni Clyde at sumalubong na ang kambal niya kay Clyde. Nakahinga siya ng maluwag.

KANINA PA SIYA nakaparada kung saan alam niyang hindi makikita ang sasakyan ni Clyde mula sa bahay nila Rin. Yes. He will act as Clyde and play the role of a father to his own twin tylad ng usapan nila Rin at Clyde para sa family day ng kambal.

Gusto niyang magmura. Bakit niya kailangang magpanggap na ama ng kambal gayong siya naman talaga ang ama ng mga ito? Kinakabahan siya, oo. Pero hindi sapat ang kaba niya para pangibabawan ang excitement na nararamdaman niya na malalapitan, makakausap at makakasama niya ang mga anak niya. Kaya ng ipinasya niyang lumapit na ay para siyang maiiyak sa kaba at tuwa lalo na ng salubungin siya ng mga anak niya at ilang hakbang mula sa kanila ay nakatingin lang si Rin sa kanila.

"Tito you are so late!"

Tito. That's it. Tito lang siya ng mga anak niya ngayon at parang karayom iyon na tumusok sa puso niya. Pero itinago niya ang sakit.

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Where stories live. Discover now