Chapter 10

74 0 0
                                    

Chapter 10

"Valdez?! Are you sleeping in my class? Go to detention room, now!" utas ng terror naming teacher. Nagising ako dahil sa pagkayugyog sa akin ni Emily, shit. Hindi ko na alam, ang gulo na. Naapektuhan na ang pag-aaral ko.

May nalaglag sa sahig na nakita ng teacher namin, it's Aiden's vape. My god, magagalit for sure 'tong teacher namin sa kaniya. Dapat hindi na siya nagpahuli!

"At ikaw, Dela Cruz?! Why do you have a vape? sumama ka kay Valdez. Akin na iyong vape mo, kakausapin ko kayo mamaya sa detention room. Now!" sigaw nito. Shit talaga naman.

"Baliw ka, sinadya mo 'yon na ilaglag vape mo 'no?" I asked. Hindi ako maniniwala na aksidente niya lang na nahulog 'yon, imposible na magpapahuli siya magaling magtago si Aiden.

"Oo, sasamahan kita sa detention room. Hayaan mo na mag q-quit na rin ako sa pag va-vape, ayaw ko rin na mag-isa ka." sabi ng lalaki.

Napaka swerte ko talaga kay Aiden bilang kaibigan, I am very grateful that I've met a wonderful person like him in this lifetime. Swerte ng babaeng makakatuluyan ni Aiden. Aiden has a soft heart and caring person, lahat ng hinahanap ng isang babae sa lalaki nasa kaniya na lahat. Even the good things, makikita mo talaga sa kaniya. Soft spoken pa siya, he never shouts to Emily, Lily o kahit sa akin. Kahit sa simpleng biruan, kasi iniisip niya damdamin namin.

Ayoko rin naman paasahin siya, ayoko rin naman na mawalan ako ng kaibigan na katulad niya eh.

"Are you okay?" He asked. Nakaupo na kami ngayon sa floor ng detention room, kaming dalawa lang andito dahil 'yung iba ata ay natapos na ang oras ng pag stay nila rito sa room. Nakakaboring dito dahil kukunin talaga ng teacher namin lahat ng gamit namin even the gadgets para ma-bored kami rito, that's a punishment at may idadagdag pa iyon kapag nakausap na kami ni Sir.

Nakakainis. My life already falling apart, hindi ko maisalba pa. Nahihirapan na ako.

"Yes, but I know I will be okay." sagot ko sa kaniya.

"Kaya sinamahan kita rito kasi alam kong malulungkot ka mag-isa, kasama mo ako sa lahat Sophie."

"Sus, hindi na kailangan. Ayos lang ako, Aiden. Kaya ko," utas ko.

"I know, but you need someone to lean on to be strong. And that's me, Sophie."

Nakatulog ako sa balikat ni Aiden, nagising na lang ako dahil nasa harap na namin si Sir. Nagulat ako at umayos ng upo.

"Clean the gymnasium," utas ni Sir na may dalang walis, dust pan at trash can. Nagsimula na kami maglinis ni Aiden, wala akong imik dahil wala naman akong gana makipag usap sa mga tao ngayon.

Alam mo 'yung feeling na, ubos na ubos ka na talaga to the point na miski pagsalita hindi mo na rin magawa. Sobrang hirap, hirap na hirap na ako. Sa totoo lang, hindi ko na alam saan ako kukuha ng lakas para bumangon pa.

Habang naglilinis kami ni Aiden, parang biglang nawala yung bigat sa dibdib ko. Nakakatuwa rin na kasama ko si Aiden, hindi lang sa paglilinis, kundi dahil kasama ko na rin ang isang tunay na kaibigan.

"Sophie," bulong ni Aiden habang patuloy kaming naglilinis. "Alam mo, nandito lang ako para sa 'yo. Kung gusto mo ng kausap, pwede mo akong lapitan."

Napangiti ako sa sinabi niya. Sa gitna ng pagod at pag-aalala ko, meron pa rin palang taong handang sumuporta sa akin. Hindi ko talaga inaasahan na yung simpleng paglilinis na 'to ay magiging isang espesyal na pagkakataon para makapagusap kami ni Aiden dahil hindi ako nagsasabi sa kaniya sa about sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Alam niya na nahihirapan ako, pero hindi niya ako pinipilit na mag open about it.

Love in the HallsWhere stories live. Discover now