CHAPTER 31

957 16 2
                                    



Nandito ako sa kwarto ko dito sa Rest house nag iimpake ng gamit, kakaunti lang naman ang gamit ko dito kaya isang travel bag lang ang dala ko. Hanggang ngayun kinakabahan parin ako dahil alam kong makakaharap ko na naman si mama.



"Are you done?" Nilingon ko si Tito Mateo na nasa may pintuan ng kwarto ko. Binalik ko ang tingin sa bag ko kung saan nandun ang mga gamit ko.



"Opo Tito, kakatapos lang po." Lumapit ito sa bag ko at kinuha, tinignan nya ako bago ilagay sa kanyang balikat ang gamit ko.



"Mag gayak kana para maka alis agad tayo, kase if natagalan tayo sa byahe baka mahirapan ka, lalo na di natin alam baka sensitive ang baby mo sa byahe na malayuan." Ginulo nito ang buhok ko bago umalis ng kwarto ko. Matagal kong tinitigan ang pintuan na siyang nilabasan ni tito bago nag simulang mag asikaso ng Sarili.



Actually sa pabango ako sensitive, mapili sa pabango ang baby ko, kaya minsan hindi na nag lalagay ng pabango sila kuya at sila Dana.



Nang natapos akong maligo at mag ayus ng sarili, humarap ako sa full body mirror para tignan ang sarili. Naka suot ako ng isang long sleeve Dress na kulay Peach at isang white doll shoes. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at hindi na ako nag abalang mag lagay ng make up dahil habang nag tagal kumakati ang mukha ko sa make up, pero nung hindi naman Ako buntis ok lang. Mukhang pati make up ayaw ni baby ah.



Lumabas na ako ng kwarto nang makuntento na ako sa ayus na meron ako, pag baba ko sa hagdan siya naman pag pasok ni tito galing ata sa labas para ilagay ang gamit ko sa sasakyan.



Mukhang napansin nya presensiya ko kaya napunta saakin ang attention nya. Ngumiti ito saakin bago ako inayang umalis na.



"Let's go? Binaon ko na yung natira mong veggieballs, para pag ayaw mong mag drive thru yun nalang Muna ang kainin mo." Inaalalayan nya akong mag lakad pa labas ng rest house,



"Ayus lang po Tito, Hindi naman po mapili sa pagkain si baby, sa mga Amoy lang po ang ayaw nya." Sabi ko dito habang pinapanood siyang isarado ang pinto.



Dumeretso na kami sa sasakyan nang matapos siyang ilock ang rest house. Pinagbuksan ako ni tito bago siya pumasok sa driver seat.



"At least we should be careful, Hindi natin alam na baka may food poison pala, edi napahamak pa kayo ng apo ko." Hindi ko talaga mapigilan na mapalingon sakanya tuwing binabanggit na ang salitang 'Apo ko', ang sarap lang sa pakiramdam na mayron pa palang taong kanyang tumanggap saamin ng anak ko.



Kinain ng katahimikan ang buong byahe namin, habang nasa labas ng bintana ang tingin hindi maalis sa isip ko kung Anong mangyayare mamaya, sana.. sana kayanin ko kung ano mang ibato saakin ni mama...

..

Hindi ko na malayan na nakatulog pala ako sa byahe, naalimpungatan ng ako ng may tumapik sa pisngi ko. Bumingad saakin si Tito na nasa labas ng kotse sa gilid ko.

"Wake up, we already here, continue your sleep in your room." Pinunasan ko Muna ang mukha ko bago lumabas ng kotse, pag labas ko bumingad saakin ang may kalakihang mansion. MAY kalakihan lang dahil mas malaki parin ang kay Jabez.



Inaalalayan nya ako papasok sa loob ng bahay, pag pasok namin sa loob bumingad saakin ang mga mamahaling gamit na naka display sa paligid, may malaking tv screen din at dalawang hagdan na mag ka rugton din sa itaas. May isang complete Set ng sala set.



"Hon your here already I thought you came home tomor....ror?"  Napabaling ang attention namin kay mama na pababa ng hagdan, natigilan ito nang makita ako sa tabi ni Tito, tinaasan nya ng kilay si Tito bago bumaling muli saakin.



"What she's doing here? Did you beg to my husband Katana?! Did I told you stay away from my family! Wala ka na bang kahihiyan? After sa mga anak ko ngayun sa Asawa ko? Ang kapal----" mabilis na pinutol ni Tito ang sasabihin ni mama kaya naagaw nito ang attention ni mama.



"Enough. Ikaw? Wala ka bang kahihiyan? Para tratuhin mo Ng ganyan ang anak mo? She didn't beg to me. I'm the one who told her that she will stay here." Madiin na sabi ni Tito habang seryosong naka tingin kay mama. Gulat na nakatingin si mama kay Tito, bumaling ang tingin nito saakin at binigyan ako ng matalim na tingin kaya napa atras agad ako.



Mabilis itong bumaba sa hagdan ang Galit na lumapit saakin, Bago nya pa ako ma hablot agad na iniwas Ako ni Tito sakanyan.



"Binalaan na kita Diba? I told you to stay away from my family! Hindi pa ba sapat ang perang binigay ko sayo?! And you get her out of my house Mateo! She not my daughter!" Napakagat ako ng labi dahil sa huling salitang binitawan nya.



"Don't you ever hurt her Maribelle! She's pregnant! Buntis ang anak mo! Kailangan nya ng pamilyang tutulong sakanya! Alam mong matagal ko nang gustong makasama si katana at ituring na anak Diba?! I want her to experience to have a family! And for fucking sake! She your daughter! Ikaw Ang gumawa Ng kagaguhan pero di mo kayang akuin ang responsibility mo! Kaya Hindi na Ako nag tataka kung wala ng respeto sayo ang mga anak natin. You know that we want to be with Katana, because she my daughter, she's our son's Sister!" Galit na Sabi ni Tito kay mama, they fighting because of me.



"She not your daughter Mateo! Alam mo Yan! And I don't care if she pregnant! Kasalanan nya Yan, labas Tayo sa problema na yan! Kung Hindi nya kayang buhatin Yan edi ipalaglag nya! Hindi ko kasalanan kung bakit siya nabuntis! Malay mo binenta nya Sarili nya may--" nanlaki ang mata ko nang sampalin ni Tito si mama, maski mga katulong na nasa bungad ng isang pinto na mukhang kusina ang naagaw ng pansin namin ay nagulat din.



"D-did you slap me?" Gulat ang rumihistro sa mukha ni mama. Hinawakan nito ang pisngi kung saan siya sinampal ni Tito.

"Yes I did." Kalmada pero ramdam mo ang Galit sa boses ni Tito.



"It's your fault why she got pregnant. How can you easily say that she can abort the baby?! How can you say that she sell her body just want?! Para mabuhay?! How?! How can you say that to your child! Kasalanan mo kase Hindi mo ginawa ang responsibility mo bilang Ina nya! You abandon her! Then now you will judge her?! Ina ka pero ang Dali mong Sabihin ang salitang ipalaglag. Sabagay yan naman ang gusto mo nung pinag bubuntis mo si katana. Ang ipalaglag siya. But you can say that because first of all Ikaw at ang tatay ni katana ang may kasalanan! She will live here whatever you like it or not. You have no rights to hurt her Maribelle, dahil Hindi lang sampal ang makukuha mo pag sinaktan mo ang anak ko at ang apo ko." Mukhang ito ang unang beses na napag buhatan Ng kamay ni Tito si mama, dahil Hanggang ngayun ay hindi parin ito mapakaniwala habang nakatingin kay Tito.



"It's your fault Katana! Are you happy now?! My husband mad at me! We're fighting because of you?! And you will choose her over me your wife?! Magiging pabigat lang siya Mateo! At sinong tangang aampon Ng isang hampas lupa?! Didn't you heard that she seduce her cousin because she want to be fucked!" Bago pa lumala ang away nila ay sumingit na ako sa kanila. Kaya napunta saakin ang attention nila.



"It's ok po Tito, p-pwede naman po Ako dun sa tinutuluyan ko nalang po ako,. Ayaw ko pong nag kakaganito kayo ni mama dahil sak--" naputol ang sasabihin ko Ng big lang sumingit si mama.



"Don't you ever call me Mama! You're not my daughter! Ilang beses ko bang isusuksuk jan sa kokote mo na hindi kita gusto maging anak! And what now? Nagpapaawa ka sa Asawa ko? Para ano? What the heck katana?! Puro nalang perwisyo ang binibigayo saakin! Tapos ngayun dadagdagan mo ng isang pabigat?!" Huminga ako ng malalim dahil kunti nalang tutulo na Ang luha ko, pero mukhang Hindi epektib dahil sunod sunod ang pag tulo nito dahil sa mga binitawang salita ni mama, I'm mean ni Mrs Ofracio.



"Manang Beth! Paki hatid si Katana sa Kwartonh pinalinis ko. Bring her dinner on her room." Mabilis na lumapit saakin ang matandang katulong na mukhang nasa mid 70 na ang matandang, tinanguan Ako ni Tito habang matalim ang tingin na binigay saakin ni Mrs Ofracio nang alalayan ako ng matanda na umakyat sa taas papunta sa magiging  kwarto ko.

*******

Enjoy reading Mi'Amor 🫶

The Mafia's Obsession ✓(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon