Simula

84 1 0
                                    

SIMULA

My life lately has been tough. College life nga naman ay hindi biro. Napakaraming school activies at projects na kailangan tapusin, mabuti na lang talaga ay may gwapo at matalino akong kuya na daig pa ang wonder pets kung sumaklolo.

“Urghhh! Ayoko nang mabuhay, Lord! Paano ba kasi i-drawing ’tong buwiset na ’to!?” sigaw ko sa kawalan at kunot-noo naman akong hinarap ni Kuya na kanina pa may kinakalikot sa laptop niya.

“Focus more, Riyela Faith. Kaya nga may faith sa pangalan mo para magkaroon ka ng faith.” Humalakhak siya at bumusangot ako.

“Anong pakialam ko sa faith na ’yan, Kuya? Ang baduy nga ng pangalan ko. Sana sa condom na lang ako pinutok kung ganiyan kapangit lang ang pangalan ko. Pang manang sa kanto.”

Mas lalong lumakas ang paghagalpak niya at napangisi na lang ako. Si Mama kasi, hindi man lang nilagyan ng konting effort at arte ang pangalan ko. Mabuti na lang talaga ay walang nagbabalak mam-bully sa akin dahil sa kakornihan na ’yon.

“Idinamay mo na naman si Mama sa inis mo, gumawa ka na lang diyan,” aniya.

Awtomatikong umikot ang mata ko at mas lalong nagpokus sa ginagawa. Kaninang alas-kwatro pa ako rito at alas-nuebe na ay hindi pa rin ako tapos. Hindi ko kasi makuha pattern ng lintek na ito. Na-kyut-an lang naman ako ro’n sa ipininta no’ng babae na bulaklak, napunta tuloy ako sa kursong ’to. Kasalanan niya ’to, e.

Nang mapagod ako ay sinandal ko ang aking likod sa may upuan at dinukot ang telepono ko sa gilid ng lamesa. Nakabusangot pa ang mukha ko habang nag-i-iscroll. Paano’y puro kalandian lang ng mga classmate ko ang laman no’n.

“Sus! Kung makaliyad e akala mo ang pagkalaki-laki, wala pa nga ’yan sa kalahati ng matambok kong puwet,” bulong ko sa aking sarili.

“Sino na naman ang nilalait ng dalagitang ito?”

Napatingin ako sa nagsalita at napabalikwas nang makita si Mama at Papa na kakauwi lang galing trabaho. Tumingala ako sa orasan at nagulat nang makitang alas-dose na nang madaling-araw. Gano’n ako katagal mag-scroll!?

“Oh, Marielle at Henry. Nand’yan na pala kayo! Haha!” Tumayo ako at nanlaki ang mata ni Mama sa sinabi ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Kuya dahil hindi niya nagustuhan ang narinig. “Joke lang po, hehe.”

“Sino na naman ang napupuna mo sa social media, Anak? Hindi ba’t sabi ko ay hindi maganda iyon?” sabi ni Mama habang tinutulungan si Papa magligpit ng gamit.

“Hindi naman po lait ’yon, Ma. Makatotohanan lang po.” Malapad akong ngumiti at nag-thumbs up pa.

“Hay nako, Ma. Pustahan ay si Joana na naman ang nakita niyan. Iyon naman palagi ang kinaiinisan n’yan, e.” Nginisian ako ni Kuya at pinandilatan ko naman siya ng mata.

“Anak, sinabi ko sa’yo, laitin mo na ang lahat ’wag lang si Joana. Anak siya no’ng Manager ng may-ari ng kumpanyang pinagt-trabahuhan namin ng Papa mo. Kung magkakagulo na naman kayong dalawa ay baka mawalan kami ng trabaho.”

Hindi na lang ako umimik at ngumiwi na lamang. Simula kasi nang pumasok sina Mama at Papa sa negosyong iyon ay hindi maganda ang nagiging trato sa kanila. They treat them differently which makes me hate their family. Wala naman akong kakayahan para patulan ang magulang ni Joana kaya siya ang pinupuntirya ko, pare-parehas lang naman sila na masasama ang ugali.

“Riyela, nakikinig ka ba?” Nginusuan ko si Papa at dahan-dahang tumango. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking noo. “Hayaan mo, kapag nakaraos-raos tayo ay aalis na kami sa kumpanyang iyon.”

Fall For Me Unconditionally (Lanforde Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin