Chapter 2

22 1 1
                                    

Unconditionally

Napakurap ako nang ilang beses sa narinig. Ako? Responsibilidad niya? That must be a mistake. Pinahiya niya ako kanina sa hallway, pinagmukhang sinungaling sa harap ng teacher namin. How could he say I'm his responsibility when he is irresponsible in everything?

"Responsibilidad na igaya sa mga estudyanteng binully mo noon?" sabat ni Travis. "Stop acting like you rule this school. Stop acting that people will kneel on you and obey everything you will ask them to. They are people, not animals."

Alizen just look at him with a blank face. Hindi naman ako umimik dahil baka sa akin pa niya ibato ang galit niya kay Travis. Tutal nandito na naman kami sa gym, ako na ang nauna pumasok. Hinayaan ko lang silang magtitigan sa labas.

I roamed my eyes everywhere, napakalaki ng paligid. Sa tingin ko ay more than 10,000 na estudyante ang kasya rito. Pero ang masakit, kami lang ang maglilinis. Napakakalat pa naman, puro papel at pumutok na lobo ang nasa sahig. Mukhang may naganap na event dito ngunit walang naglinis.

"Hays!!" sigaw ni Travis at sumalampak agad sa upuan niyang nakita. Mayayaman moments, hindi sanay maglinis ng bahay. Ang alam lang gawin ay umupo ay humarap sa cellphone nila magdamag.

Inumpisahan kong walisin ang sahig, nahagip naman ng mata ko si Alizen na tinatanggal ang mga confetti na sumabit sa mga alambre. He looks hot, hindi ko itatanggi, pero masama ang ugali. Kulang na lang ay isumpa ko siya dahil sa sama ng loob ko sa kaniya.

Habang nakatingin ako sa walang alam na si Alizen, biglang tumunog ang telepono ko na dahilan kung bakit napatingin ang dalawa sa akin. I stared on it at first, I saw Clarence name on it. Manliligaw ko siya ni-friend zone ko. Well, wala namang problema sa kaniya, mabait siya, gentleman, maalalahanin, he is totally a green flag and an ideal man. Kaso lang, sa sobrang bait niya, ako ang nagmumukhang red flag. I love enjoying my own company while he set me as his priority. Edi ang nangyayari, ako ang walang oras sa kaniya.

I dump him but he's not giving up. Madalas siyang dumadalaw sa bahay. Kilala siya ng pamilya ko. At si Kuya lang ang nakakaalam na binusted ko siya. Ayokong sabihin kina Mama at Papa, for sure sesermonan lang ako no'n. Ipapamukha sa akin na wala nang mas better pa kay Clarence. I know, he's a matured man, ako naman ang problema. For me, I want to enjoy my life. May oras naman para sa relasyon na 'yan. He's willing to commit for me and my mind still focus on something that will makes me happy. You know, not relationship, but exploring things on my own.

And I will admit to myself na hindi pa ako handa sa relasyong gusto niya. Ayoko lang ding madaliin ang sarili ko. He likes me and my feelings is just not strong enough to be commited. Labag din naman sa loob kong pumasok sa relasyon dahil baka masaktan ko lang 'yung tao.

I answered his call, saglit naman akong tumalikod sa dalawa.

"Hi, Ry! How's school?" bungad niya. I heard some noise of keyboards, I guess nasa office siya ngayon. The effort, he's really making time for me. Palagi siyang may oras na tawagan ako at i-text kahit busy siya.

"Nasa library ako, naglilinis."

The keyboard stop from making a noise. Siguro ay nagtaka ito sa aking sinabi.

"Anong ginagawa mo riyan? Why aren't you in class? Are you being bullied?" Natawa ako sa pagkataranta ng boses niya.

"Napaaway, e. Pero ayos lang naman, may kasama akong maglinis."

He sighed. "You should stop attracting fights, Ry! You're a lady, not a man!" sermon niya.

"Don't worry, Rence! 'Yung nakaaway ko naman ang kasama ko. Quits lang!"

Tumawa ito. "Still, nothing will change that you're still a lady, Ry! We're stronger than you, you know!"

"Masyado mo naman akong minamaliit. Kilala mo ako, Rence. Kahit 'yung mga maskuladong lalaki sa kanto ay umaatras sa akin," pagbibiro ko.

Fall For Me Unconditionally (Lanforde Series #2)Where stories live. Discover now