PROLOGUE

1.2K 13 2
                                    


"Kailan flight mo pauwi? Kakausapin ka raw ni Claudia."


Ayon kaagad ang bungad sa akin ni Keziah tsaka inabot sa anak ko ang cellphone.


"Mommy!"

Kaagad naman nag iba ang timpla ng mukha ko ng marinig ang paiyak na boses ng Anak ko mula sa kabilang linya. May sakit kasi nitong nakaraan araw.

My Five year old daughter.

"Oo, anak uuwi na si Mommy tommorow, ha. Kumain kana d'yan, huwag matigas ang ulo kay tita Keziah, ha." malambing na bilin ko.

Nasa New Jersey kami ngayon, last flight ko na rin pabalik ng Manila. Gusto ko na umuwi noong nalaman ko may sakit ang anak ko dahil hindi na ako mapakali kung nasaan ako ngayon.

Kating-kati na ang paa ko na makasama ulit ang anak ko. Kapag ganito may nararamdaman s'ya alam ko hindi s'ya makaka tulog ng hindi ako katabi.

"I want, Mommy..." naiiyak na siya.

Nakita ko kaagad kung paano kuminang ang mata n'ya dahil sa nag babadya luha. Kaagad ako napatayo sa pag kakahiga dahil sa pag-aalala.

"Shush, baby." I shushed. "Uuwi na si Mommy tommorow, okay? So be good to tita Ke, alright? We will gala kapag kumain ng maraming fruits and vegetables..."

"I don't want vegetables..." mas lalo pa yata s'ya naiiyak ng banggitin ko ang pinaka ayaw n'ya kainin.

"Anak, you need that para magkaroon ng sustansya ang katawa mo. Para when you grew up-"

"I will meet Daddy?" putol n'ya sa 'kin.

Nakangiti na s'ya ngayon sa 'kin, umaasa nanaman. She's so innocent. Parang pinipiga ang puso ko tuwing itatanong n'ya ang tungkol sa bagay na 'yan.

Kaagad nanuyot ang lalamunan ko dahil sa tanong n'ya. "Y-yes anak, soon..."

Ilan taon ko pa pinapaasa sa Anak ko na makikilala n'ya ang tatay n'ya. Dumaan na ang ilan dekada at halos natikman n'ya lahat ng gulay sa bahay kubo pero wala pa rin akong maipadala tatay sa kaniya.

Kung ganon lang kasi kadali, bakit hindi?

"H'wag ka mag-alala, Lynette. Mababa na rin naman ang lagnat n'ya ngayon, nakakain na rin 'to kaya papa inumin ko na rin mamaya ng gamot." sabi ni Keziah.

I'm so greatful to have a friends like her. Lahat naman sila ng mga kaibigan ko maasahan ko pag dating sa pag babantay ng anak ko. Kapag may maluwag silang schedule, sila na mismo ang nag priprisinta na alagaan ang anak ko. Lalo na kung may lipad ako.

Wala naman daw kasi s'ya gagawin, dapat si Pierre ang mag babantay kay Claudia kaso may lipad sa New york dahil sa pag momod nito.

"Salamat, Ke..." nakangiting sabi ko.

Pinigilan ko lang ang emosyon ko dahil masakit sa 'kin na nangungulila ang Anak ko sa pag mamahal sa 'kin ngayon. Pero wala na naman kami maasahan. Kailangan ko gawin 'to para sa kinabukasan n'ya.

"Bukas baby uuwi na si Mommy," pampalubag loob sa kaniya.

"Chocolates?"  she tilted her head, gamit ang maliit na kamay pinag dikit pa n'ya 'yon habang nakangiti sa 'kin. "Just one lang, Mommy..."

Kaagad naman lumambot ang puso ko kaya dahan-dahan akong tumungo sa kaniya, baka sakaling mapagaan ko ang mabigat n'ya pakiramdam. Natawa pa ako dahil nakita ko ang dalawang bungal na ngipin n'ya sa harapan.

"Okay na... H'wag na masyadong masaya, nakikita ko na ang bungal na ngipin, ih." Pang-aasar ko naman.

"Mommy!" she giggled, cutely.

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now