00

3.7K 81 4
                                    

"Alec, your dad is already awake. Bumangon ka na riyan."

Instead of getting up, I covered myself with my blanket to protect myself from my yaya's voice. Narinig ko pa ang pagtawa nito bago hinila ang kumot para alisin iyon mula sa pagkakatakip sa akin kaya nilingon ko ito at sinimangutan.

"Yaya naman, e," reklamo ko bago pilit na hinila iyon pero pinalo pa nito ang kamay ko.

"Bumangon ka na riyan at baka puntahan ka pa ng daddy mo rito at makitang hindi ka pa nakaligo," sabi nito sa akin bago ngumiti. "Malay mo, mabigyan ka ng assignment ngayong araw," she added, and I rolled my eyes and laid back again in bed.

Ang aga-aga, hindi ko mapigilan na mapasimangot at mainis na naman dahil sigurado naman ako na tambak na reports lang ang aatupagin ko kapag pumasok ako.

Like what I have been doing for the past six months.

Panay na lang ako nag-aayos ng mga reports na ipinapasa ng mga pinapadala nila Daddy sa mga assignments nila. Akala ba niya nakakatuwa na magbasa ng mga reports nila tapos mainggit dahil hindi man lang ako makagawa ng sarili kong report tungkol sa accomplishments ko kasi nagagawa ko ng maayos ang assignment ko?

No!

But what can I do? Kahit si Daddy pa ang head ng Praesidium, hindi pa rin ako nito pinagbibigyan. I get it, babae ako, pero bakit si Ada?

"I should just quit and work at Tito Thunder or Tito Hunter's office. O kaya kina Keij?" sabi ko habang nakahalukipkip. Tinignan ko si Yaya Armie. "Mag-resign na kaya ako, Yaya?" tanong ko pa rito na natawa naman sa akin.

She's been with me since the day I was born. Hindi na nga rin ito nakapag-asawa dahil ibinuhos na nito ang atensiyon sa akin at maging sa kuya ko. Para na rin talaga namin itong pangalawang ina.

"Naku, Alec. Alam na alam ko ng hindi mo naman talaga gagawin iyan at nagtatampo ka lang sa daddy mo dahil wala ka pa ring assignment hanggang ngayon," sabi naman nito sa kaniya kaya muli siyang napalabi dahil doon.

Of course, ilang beses ko na bang sinabing magre-resign na lang ako na hindi ko naman talaga rin ginagawa.

"Isa pa, bibigyan mo lang ng sakit ng ulo ang mga tiyuhin mo at mga pinsan mo kung papasok ka sa opisina nila," she added and I looked at her, faking a hurt.

"I am Tito Thunder's favorite. He'll favor me and everything I want and do," confident na sabi ko rito at napailing na lang ang yaya ko sa ka akin at sinabihan ako na bumangon na dahil kapag ipinatawag pa ako ng daddy ko ay mapapagalitan na ako nito. .

I frowned and got up from my bed.

Totoo naman na ako ang favorite ni Tito Thunder dahil na rin sa katotohanan na maliban kay Tita Mikaela, ako na lang din ang Dela Cruz na babae ang apelyido. Tita Mikaela is now an Anderson, though. Sina Tita Rain at Tita Zyline naman ay nag-asawa ng Dela Cruz at pulos lalaki ang mga anak.

Airi, Alyanna, and Jahann are all Anderson, too, and Dela Cruz is just their middle name now.

Technically, I am the Dela Cruz princess.

But I can't even use that as an advantage.

I sighed as I hit the shower and prepared for work. Nakahanda naman na rin ang lahat ng gamit ko paglabas ko ng banyo kaya nagbihis na rin ako kaagad at nag-ayos ng sarili. Hinayaan ko na rin muna ang buhok kong lagpas lang sa balikat. I kept my hair shorter than my female cousins since it would be such a hassle if I keep it long, and I will have an assignment–something that I have been preparing for but never happening.

My hair is naturally brown in color, which actually compliments my fair skin. Namana ko kay mommy ang kutis ko habang si Kuya Duke naman ay kay Daddy.

They're both tall, dark, and handsome.

Midnight PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon