Kabanata 1

162 3 0
                                    

"Bakla ang tatay mo!"

"Mangkukulam ka!"

"Hindi mahal ng mama mo ang bakla mong tatay!"

"Zevian-mangkukulam! Palaging nakaitim!"

I don't get why people keep insisting on that. People nowadays love light colors, but I am not one of them. Ever since then, black has been my favorite color. It was my safest color. I don't know why people consider that black is bad luck. For me, it was not.. because I grew up thinking I loved that color. I may be different, but the people's accusations and speculations about me are not true. Sinasabi lang nila na isa akong mangkukulam dahil kulay itim palagi ang suot ko, na kahit ang buhok ko ay sobrang itim din.

Hindi lang iyan ang pinapangutya ng mga tao sa akin, kundi marami pa. Nakasanayan ko na iyan, pero hindi ko pa rin talaga mapigilang umiyak tuwing gabi kapag naririnig iyon sa ibang tao. Bakit parang mas marami pa silang alam sa buhay ko kaysa sa akin?

Una, lumaki ako na kompletong pamilya subalit hindi ito katulad ng iba na ordinaryo lamang. Katulad nga ng sinasabi ng iba, bakla si papa. Aaminin kong totoo iyon, pero nagpakalalaki naman siya at pinanindigan ang kanyang pagiging ama sa akin, hindi naman siya nagkulang. Pero may isang tanong sa isipan ko. Isang tanong na ilang taon ko nang kinukupkop.

Bakit sinasabi ng ibang tao na isang pagkakamali lamang ako? Bakit sabi ng ibang tao ay kaya lamang pinakasalan ni papa si mama kasi nabuntis niya ito?

Ayaw kong maniwala sa sinasabi ng iba, pero may bahagi sa aking isipan ko naniniwala sa usap-usapan na iyon. Sa tuwing tinatanong ko naman sina mama at papa tungkol dito ay iniiba nila ang usapan, na para bang iniiwasan nilang pag-usapan ang bagay na ito.

Pangalawa, kinukutya nila ako na isa raw akong mangkukulam. Dahil sa buhok ko, at dahil daw kakaiba ako kumpara sa ibang mga ka-edad ko. They love light colors, while I love the dark ones. Ni hindi nga pinapakialaman ni mama ang pagkahilig ko sa kulay itim. Pero bakit iginigiit ng ibang tao na mangkukulam ako at pagkakamali ako dahil lamang kakaiba ako?

Niyakap ko ang mga tuhod ko habang tinitingnan ang larawan sa cellphone ko. Tinitigan ko lamang ang larawang ito kapag marami akong iniisip. Sa tuwing nakatitig ako sa larawang ito, parang gumagaan ang pakiramdam ko.

"Zevy, anak?"

Isang katok mula sa labas ng aking silid ang nagpukaw sa aking atensyon. Mabilis kong inalis ang mga natirang luha sa aking pisngi bago inabot ko ang aking salamin sa aking bedside table at sinuot iyon.

Bumaba kaagad ako ng kama at tiningnan muna ang aking repleksyon sa maliit kong salamin. Puyat at pagod ang nakarehistro sa aking mukha, sobrang laki na rin ng eyebags ko dahil sa kulang sa tulog. Bumuntonghininga ako at inayos ang aking mahabang buhok bago pinagbuksan ng pinto si mama. I turned the light on as I opened the door. I love darkness, kaya kahit sa silid ko ay palaging nakapatay ang ilaw at nakasara ang mga bintana. My room is full of black---the paint in the surroundings and the color of my door.

"Ma," I greeted my mother.

"Ayos ka lang ba, hija?" she asked and looked at me worriedly. "Your eyes are swollen, Zevy. Did you cry?"

Sapilitan akong ngumiti kay mama. "Kulang lang po ako sa tulog, mama, hindi po ako umiyak."

She smiled and nodded slowly, feeling relieved. "Basta, kung may problema ka man, anak, huwag kang mahiyang magsabi kay mama, ha? Hindi maganda na kinukupkop mo 'yang problema mo."

Umiling ako. "Wala po akong problema, mama, ayos lang po talaga ako at hindi po ako umiyak."

Pinasadahan niya ako ng tingin. "Mukhang handa ka na ring pumasok, ah?"

Reaching the Sky (Student Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora