Kabanata 7

135 2 0
                                    

"U-Uuwi na po ako sa amin."
 
"What's wrong? Did something happen? Why are you crying?"
 
Mabilis na lumapit sa akin si Mrs. Zeigler para daluhan ako. She hugged me and caressed my head. Euro left me crying a river. Bakas ang pag-alala sa mukha ni Mrs. Zeigler, hindi ko alam kung bakit nag-aalala siya sa akin. Hindi ba dapat ay magalit siya sa akin? Why does it seem like she's on my side? Bakit hindi siya galit?
 
"W-Wala po," I answered and wiped my tears.
 
"Manang," she called the old lady. "Pakikuha po ng basong tubig si Zevian, at pati tissue na rin po," utos niya.
 
Tumango naman ang matandang babae na mukhang katulong nila 'tsaka tumungo iyon sa kusina para sundin ang inutos sa kanya. Nang makabalik siya ay may dala na nga siyang tissue at isang basong tubig. Mrs. Zeigler immediately got it from her and handed it to me. Kahit hindi ako nauuhaw ay uminom pa rin ako ng tubig. Natigilan na lang ako nang siya na mismo ang pumahid ng luha sa aking pisngi gamit ang tissue.
 
"Pregnancy hormones?" she asked. "That's normal, Zevian. Nang pinagbubuntis ko rin si Euro noon ay madalas ang pag-iiyak ko. Ganyan din ako, katulad mo."
 
Napalunok ako. I am not pregnant! Euro and I did not even have sex! I am still a virgin! Ni hindi rin ako nagpaturok ng semilya! Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siya. Inayos niya rin ang buhok ko. I really don't understand why she's so nice to me. Ang ibang ina sa mga napanood ko na teleserye ay hindi naman ganito, ah?
 
"Ang ganda ng buhok mo," puna niya. "Sobrang ganda mo talaga, hija. Naku, suwerte nga iyang si Euro dahil may katulad mong nagkagusto sa kanya!"
 
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya, pero napangiti na lang ako. She complimented me. Namula naman ako kasi hindi naman talaga ako sigurado kung maganda ba talaga ako, pero para naman sa sarili ko ay nagagandahan ako, iyon din ang palaging pinapaalala nina mama at papa sa akin. Aside from them, I am wondering what I look like in other people's eyes.
 
"Hayaan mo na si Euro, hija," aniya sa akin at hinaplos ang aking pisngi. "Someday, he will realize that he loves you."
 
"Hindi naman po ako ang mahal niya, si Carrie naman po," I corrected her.
 
She sighed. "But eventually, he'll learn to love you. Trust me, that's how the love starts. Kami nga---"
 
She stopped mid-sentence and stared at me for a few seconds. Hilaw siyang ngumiti at hindi na tinuloy ang sinabi, umiwas na lang siya ng tingin at patuloy pa rin sa paghaplos sa buhok ko. Sila nino? Sila ni Mr. Zeigler? Actually, I knew them both as Euro's parents, but this was the first time I met them. I stalked them on social media. Hindi naman sila active online at doon ko lang din naman sila nakilala. Ganoon talaga, kapag gusto mo ang isang taong, mga pamilya niya, at ang mga malalapit na tao sa kanya ay kilalahanin mo rin.
 
"You know, hija, in love.. there are no boundaries. Wala sa yaman, wala sa edad, at wala iyon sa pagkatao ng isang tao. Mabuti nga iyan na college ka pa lang ay nakita mo na iyong taong para sa iyo."
 
Napalunok ako. "A-Ah.. hindi naman po sigurado kung kami ni Euro talaga."
 
"Of course, hija!" Humalakhak siya. "Ikaw talaga! Maniwala ka lang at kapitan mo 'yong nararamdaman mo para sa kanya dahil kahit ano man ang mangyari.. kung kayo.. kayo talaga."
 
Napakagat-labi ako. She looks like she's in love now. Siguro, ganoon talaga ka-mahal ni Mrs. Zeigler ang papa ni Euro. I wonder what it feels like to be loved that way. Ano kaya sa pakiramdam na mahalin ka rin, 'no? Siguro ganoon din kamahal ni Euro si Carrie kaya galit na galit siya sa akin ngayon?
 
Nang sumapit na ang gabi ay inaya ako ni Mrs. Zeigler na maghapunan, pero bago 'yon ay pinagpalit niya muna ako ng damit. She let me borrow one of her clothes. Sinabi ko rin sa kanya na mas komportable ako kung kulay itim na damit ang ipapahiram niya sa akin. Pinahiram niya nga sa akin iyong silky dress niya na kulay itim, fit dapat iyon kaso medyo maluwag nga lang sa akin dahil mas malaki si tita pero ayos naman ito.
 
Euro is still not around; I don't know where he was, kaya kaming tatlo ni Mrs. Zeigler at Mr. Zeigler ang naghapunan. Nakaramdam tuloy ako ng ilang kay Mr. Zeigler. He looks like he hates me. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay ramdam ko ang galit niya, dagdag pang nandidilim ang mga mata niya. I just tried my best not to look at him because he's making me feel so low. Si Mrs. Zeigler na lang ang naglagay ng pagkain sa plato ko.
 
"Kumain ka nang marami, Zevian," si Mrs. Zeigler. "Para iyan sa ikabubuti ng baby mo."
 
I really wonder.. how did she know me? Siguro, nakilala niya ako dahil alam ng lahat at kilala ako ng lahat bilang isang desperadang babae na habol nang habol kay Euro?
 
"By the way, hija, ilang buwan na ba ang anak ninyo ni Euro?"
 
Muntik na ako mabulunan sa narinig. Fuck it! I forgot about this! Sasabihin ko 'to kay Airica!
 
"H-Hindi ko po alam," mahinang sabi ko.
 
"What? Ano'ng hindi mo alam? You haven't checked yet?" she asked and massaged the bridge of her nose. "Oh God.. bukas na bukas ay pupunta tayo sa kakilala kong ob gyne. Naku, dapat maaga pa ay nagpa-check up ka na!"
 
Napakurap-kurap ako at mabilis na umiling. "U-Uh.. may pasok po ako bukas, Mrs. Zeigler."
 
"What? Mrs. Zeigler?" She shook her head. "Quit calling me that. Just call me Tita Madi or mom. I will be your mother soon."
 
"Madison." I heard Mr. Zeigler call her like he's warning her.
 
Bored na nilingon siya ni Mrs. Zeigler. "What?" Inirapan niya lang ito at binalik ang tingin sa akin. "And.. Tito Eric sa kanya. Do you understand? Ayaw kong tinatawag mo 'kong Mrs. Zeigler."
 
Tumikhim ako. "Okay po, t-tita."
 
She smiled. "Better.. at kung diyan ka komportable ay ayos lang."
 
Sa hapag ay si Mrs. Zeigler---I mean.. si Tita Madison lang ang nag-iingay dahil tahimik naman si Mr. Zeigler. Hindi rin ako masyadong nagsasalita, pero sumasagot naman ako sa tuwing nagtatanong si tita. Hanggang sa matapos kami kumain ay si tita pa rin ang nagsasalita. I even insisted on washing the dishes, pero hindi pumayag si tita at ibinilin iyon sa katulong.
 
"Uuwi na po ako sa amin," I told her later on.
 
Wala pa rin si Euro, hindi ko alam kung nasaan na siya. I wanted to see him before I left, pero wala yata siyang planong umuwi habang nandito pa ako. Gusto ko na ring umuwi dahil alam kong hinahanap na ako nina mama at papa. Wala pa naman silang alam sa nangyayaring ito.
 
"Okay, ihahatid kita sa inyo‐--"
 
"No," Mr. Zeigler cut off tita. "Ang driver lang ang maghahatid sa kanya, hindi ka kasama."
 
"Eric, naman! Para naman makausap natin iyong mga magulang---"
 
"No," final na sinabi nito. "You will stay here. Ang driver lang ang maghahatid sa kanya sa kanila."
 
Ngumiti ako kay tita. "I am fine naman po. Hindi n'yo naman po ako kailangang ihatid. Puwede rin naman akong mag-commute or mag-taxi."
 
Umiling si tita. "I won't let you, hija. You're pregnant with our grandchild, and I wanted you to get home safely. Kung mag-taxi ka pa, baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo."
 
Tumango na lang ako at hindi na sumagot pa. Wala ring nagawa si tita dahil hindi pumayag si Mr. Zeigler na ihatid ako na kasama siya. Nakauwi naman ako sa bahay nang walang galos at maayos ang pakiramdam. Sinalubong kaagad ako nina mama at papa. Paghatid sa akin ay nakaabang na sila sa labas ng gate namin. Niyakap kaagad ako ni mama.
 
"Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo!" naiiyak na sabi ni mama. "Bakit hindi ka man lang nag-text o tumawag sa amin, anak?" tanong niya nang kumalas sa yakap.
 
"Sorry po.. naiwan ko po kasi, ma, iyong cellphone ko kay Airica," I said.
 
"Ilang beses dumaan si Airica rito, anak," ani papa. "Nagtanong din kung nakauwi ka na, nag-alala rin iyong kaibigan mo."
 
I sighed and shook my head. I really feel so sorry for Airica. Hindi ko rin naman ginustong isali siya sa gulong ito, pero siya lang talaga ang malapitan ko, eh. Pumasok na kami nina papa at mama sa loob ng bahay. Tahimik lamang ako at iniisip kong kailangan ko rin bang magsinungaling sa kanila? Sasabihin ko kayang buntis ako?
 
"Kaninong damit iyang suot mo, hija?" tanong bigla ni mama.
 
Natigilan ako, hindi alam ang isasagot. Should I tell them about the Euro? Pero paano kapag sabihin nila na gusto nilang makita si Euro? Should I also tell them that I am pregnant? Fuck! I really don't know what to do!
 
"U-Uh.. pinahiram lang po sa akin," tipid kong sagot.
 
Ngumiti si mama. "Saan ka ba galing, hija, at bakit ginabi ka ng uwi?"
 
Pakiramdam ko ay isang oral recitation ito na hindi ko masagutan dahil hindi nakapag-aral. Nakangiti si mama at hindi ko kayang suklian ang ngiti niya. Yumuko na lang ako at mas piniling huwag magsalita.
 
"Zevy, anak.. may problema ka ba, hija?" si papa. "You looked problematic. Is there something wrong, anak?"
 
I grew up in a household with soft-spoken parents. Ni isang beses ay hindi ako pinagtaasan ng boses nina papa at mama. Hindi sila iyong tipong naninigaw o nanunumbat kapag makagawa ako ng mali. Instead, they are correcting me or telling me that it is okay to make mistakes sometimes.
 
"Hija, kung may problema ka.. puwede mong sabihin sa amin ng mama mo. Kahit ano man 'yang problema mo.. hinding-hindi ka huhusgahan ng mama at papa mo," marahang sabi ni papa. "Zevian?"
 
Umiling ako. "Wala naman po, papa. Maayos lang po ako."
 
"Is it about your school? Maybe we can help you with that?" si mama naman.
 
Umiling ulit ako at ngumiti na. "Wala po talaga, ma, pa. I am fine, po. There's nothing to worry about."
 
Tumango si papa. "Okay, if you don't want to tell us your problems, it's okay, but if you need someone to lean on, cry on our shoulders, alright? Hindi ka namin pinalaki para kupkupin mo iyang mga problema mo."
 
The next day, when I woke up, I felt so empty. Bumangon ako kahit na sobrang pagod ng katawan ko. Naligo ako sa bathroom at nagbihis na kaagad ng masusuot ko na damit. It is good that I am studying at a private school so that we, the students, have the right to wear whatever we want as long as our clothes are not revealing and could pass to dress code. I never wore our school uniform, although I tried to wear it once, but I think it doesn't suit me. Like usual, after doing my daily routine, I went out of my room.
 
The smell of the morning breakfast filled my nose. Napangiti kaagad ako nang makita si papa na nag-aayos ng lamesa, samantalang si mama naman ay kumukuha ng utensils sa pinaglalagyanan. Ngumiti kaagad sila nang makita ako, lumapit din naman ako. I really wanted to cook for us, but papa won't allow me. Marunong naman ako magluto dahil high school pa lang ako ay tinuruan na ako ni mama, pero hindi ko naman nagagamit ang skills ko dahil hindi naman ako hinahayaan ni papa na magluto.
 
"Hm, ang bango!" I exclaimed.
 
"How's your feeling? Are you okay now?" si mama.
 
"Of course, mama! Kailan pa ba hindi naging okay ang anak ninyo? Sus." I gave her a thumb sign and winked at her.
 
Matapos kaming mag-umagahan ay umalis na kaagad ako. It's Monday. May pasok si Airica, pero gabi pa kaya commute lang muna ako sa ngayon. Hindi rin naman ako nagtagal dahil nakarating din naman kaagad ako sa school. Katulad ng kinasanayan, mapanuring tingin ang sumalubong sa akin, ang iba ay galit pa. But people nowadays are like that. Diretso lang sa harap ang tingin ko at hindi na nagpaapekto pa sa tingin ng iba sa akin.
 
"Really? She did it?"
 
"She's pregnant?"
 
"How come na may nangyari sa kanila ni Euro? Hindi kaya ginayuma niya?"
 
"Kawawa naman si Carrie kung ganoon, 'no?"
 
Ang chismis ay parang virus lang, hindi talaga kayang pigilan na kumalat at sobrang bilis pa. Pinagtitinginan na ako ng lahat hanggang sa may humarang sa akin na matangkad na babae. Her arms are crossing over her chest, and the way she looks at me is so judgmental. Bored ko lang siyang tiningnan.
 
"Ang kati hindi talaga mawawala 'pag hindi kinakamot," parinig niya. "So.. may nangyari nga sa inyo ni Euro kaya buntis ka ngayon? How can you prove that something really happened between you two? I'm pretty sure na hindi ka niya papatulan..."
 
I gritted my teeth and took my phone out of my sling bag. Binalik ito kahapon ni Airica, pinaabot niya lang sa kina mama at papa dahil tulog na ako no'n. Hinanap ko sa aking cellphone ang larawan na kinuha ko sa amin ni Euro na kunwari may nangyari sa aming dalawa at ipinakita ko iyon sa babaeng kaharap ko. Umawang ang bibig niya nang makita ang larawan.
 
"H-How.."
 
"Now, can you move away? May pasok pa ako," mahinang sabi ko sa kanya.
 
"Ikaw na nga itong mang-aagaw rito, ikaw pa ang may lakas-loob na magsabi niyan?" She arched her brow at me.
 
Nagtaas din ako ng kilay. "Bakit? Ikaw ba ang inagawan?"
 
"Gaga ka, ah!"
 
Napapikit ako nang makitang umangat ang kanyang kamay sa hangin at handa nang sumampal sa akin. Ilang segundo akong naghintay na dumapo sa aking pisngi ang palad na iyon, pero wala kaya pagmulat ng mga mata ko ay nagulat ako nang makitang may nakahawak sa kanyang palapulsuhan na para bang pinigilan siya. Mas lalo akong nagulat nang mapag-alaman kung sino iyon. Bumilis ang paghinga ko sa kaba.
 
"C-Carrie?"

Reaching the Sky (Student Series #2)Where stories live. Discover now