CHAPTER 1

6.7K 63 11
                                    

Note: itong series 2 ay pwede niyo siyang basahin as STAND-ALONE STORY, pero may mga character dito na nabanggit sa series 1 kaya kung ayaw niyo po malito sa mga character ay basahin niyo po muna ang naunang series.

(The Trace Of Yesterday Series #1)

Maingat na pagbabala: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang at hindi para sa mga sensitive na mambabasa. Ang mga karakter at pangyayari sa kwento ay likha lamang at walang kinalaman sa tunay na buhay o relihiyong Katoliko.

Sa kwentong ito, ang pagiging madre ay iniba at ginawang isang elementong kuwento lamang. Ibig sabihin, ang pagkatao ng mga karakter at ang kanilang mga tungkulin ay hindi nagtataglay ng totoong kaugnayan sa mga madre sa totoong buhay o sa anumang relihiyon.

CHAPTER 1


5 years ago

"Oh ano? Saan ba kasi tayo pupunta?" Inip na tanong ko. Kanina pa kami paikot-ikot ni Amelia dito sa palengke.

Siya si Amelia Grace, Ang nakababata kong kapatid.

"Ate hindi ko kasi alam kung nasaan dito ang suki ni Inay. Hindi ko naman natanong sa kaniya kung ano ang itsura ng pwesto ng kaniyang suki"

Inutusan kami ni Inay na bumili ng Hipon. Bata pa lamang ay paborito na namin iyon lalo na kapag sinigang ang kaniyang pagkakaluto. Napaparami ako ng kain.

Si Inay kasi madalas ang bumibili sa palengke dahil pagka uwi namin galing eskwela ay may naka luto ng ulam. Alam na alam talaga niya na paborito namin ni Amelia iyon.

"Umuwi nalang tayo, sabihin natin kay Inay na hindi natin alam kung nasaan ang sinasabi niyang suki"

"Tapos babalik ulit, Ate? Ay ayaw ko na. Ikaw nalang" pagmamaktol niya.

Napabuntong hininga ako, bakit nga ba ako nandito? Hindi ba dapat ay nasa school ako at nagbabasa ng kung ano-anong libro?

Mahilig ako sa pagbabasa ng kahit na anong libro kaya madalas ako sa library, iyong nga lang ay madalas gabi na rin ako nakaka uwi dahil hindi ko pwedeng iuwi ang libro. Wala naman akong pambayad.

Isa lang akong babae na nanggaling mula sa mahirap na pamilya. Scholar lang ako sa kilalang Unibersidad. Mabuti nalang talaga kahit mahirap ako ay matalino din naman kahit papaano.

Nag aaral ako sa isang kilalang University dahil balak ko maging isang Engineer.

Nais kong pagkatapos ko sa pag aaral ay makapag pagawa ako ng sariling bahay na ako mismo ang Engineer. Wala kasi kaming sariling bahay dahil apartment lang ang tinitirhan namin.


"Osiya bumili nalang tayo sa iba at sabihin natin kay Inay na hindi natin mahanap ang kaniyang suki"

Tumango si Amelia.

"Manang hipon nga po" panimula ko habang nakatingin sa mga hipon "Anong manang? Nakikita mong dalaga pa ako tapos manang ang itatawag mo sa'kin?!"

Napatingin ako sa babae. Hindi ko naman kasi nakita na dalaga pa pala siya. Mukha naman kasing-

Ay ewan! Ayoko manghusga.

"Ate akala ko ba bibili lang tayo bakit parang mapapa away yata tayo nito" bulong ni Amelia sabay hawak sa braso ko. Talagang mapapa away kami kung hindi niya ako pagbebentahan. Kanina pa kami dito sa palengke at nais ko ng umuwi.

"Ay nako sorry ate! Hindi kasi kaagad kita nakita" saad ko at pinantaasan niya ako ng Kilay. "Ano ba ang bibilhin mo, Aber?"

May regla ba ito? Bakit ang sungit niya naman? Kaya pala wala masyadong bumibili sa kaniya.

Residual Mark (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 2) ONGOING Where stories live. Discover now