CHAPTER 4

1.8K 26 12
                                    

CHAPTER 4

5 years ago

Matapos ng pag uusap namin ni father ay dumiretsyo kaagad ako sa kumbento upang kuhanin ang gamit ko, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha ko at nagawa ko iyon kay father kanina, nakuha ko pa talagang bumalik ng kumbento.

Nang makarating ako ay dumiretsyo kaagad ako kung nasaan nakalagay ang gamit ko "Sister Lia?"

Halos mapatalon ako nang may magsalita sa likuran ko, Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang magkapatid na madre na sina Sister Jaz. Kunot ang kanilang noo at dahang dahang bumaba ang tingin nila sa hawak kong bag. Tila ba napupuno sila ng pagtataka, nagtinginan silang dalawa at binalik ang tingin sakin.

"Saan ka naman pupunta Sister Lia?" Kunot noong tanong ni Sister Jaz, mariin akong napalinok dahil hindi ko naman maaring sabihin ang totoo, mas lalo silang magtataka at hahaba lang ang usapan namin.

"Ah a-ano kasi, inaayos ko lang ang gamit ko, ayoko kasing magulo ang mga ito" utal kong wika.

Tumango tango naman sila, lumapit silang dalawa sakin kaya nagtataka ko naman silang tinignan. Kumapit silang dalawa sa magkabilang braso ko.

"Halika na, ikaw nalang ang hinihintay ni Father, ngayong araw ay sabay-sabay daw tayong kakain" 

"A-ako? H-hinihintay ni Father?" 

"Oo naman, Sister Lia, bakit parang gulat na gulat ka naman yata" natatawang wika ni Sister Feli.

"Ah ano, hindi naman" ngumiti nalang ako upang mabawasan ang kaba sa aking puso. Ayokong mapansin nila ang aking ikinikilos.

Sumunod nalang ako sa kanila sa hapag kainan, nang makarating kami ay nakita ko na ang lahat na naka upo at abalang kumakain, pasimple akong sumulyap kay Father na ngayon ay tila tapos ng kumain at nakatingin ng deretsyo sa'kin.

Nag iwas ako ng tingin sabay mariin na lumunok.


Nahihiya akong magpakita sa kaniya ngunit wala akong pagpipilian, pareho lang kami ng kumbentong kinalalagyan. Napalingon ako kay Sister Jaz nang mahina niya akong siniko, sinenyasan niya na akong umupo upang simulan ang pagkain.

Halos mapamura ako nang makita kong naka pikit sina Sister Feli at Sister Jaz habang nagdadasal, hindi naman ako na inform na magdadasal pa pala.

Narinig ko ang buntong hininga ni Father sabay tayo, tanging ako lang ang nakatingin sa kaniya hanggang sa maka alis siya.


Hindi ko alam kung paano nakuha ni Father ang ganitong ka perpektong katawan, alam kong wala siyang time mag gym. Pari ang lalaking ito kaya paniguradong palaging bible ang hawak niya, kahit isang sulyap nga lang sa mga madreng nag gagandahan dito sa kumbento ay hindi niya magawa.


Sa lahat ba naman ng magugustuhan ko ay sa isa pa talagang pari.


"Sister Feli" panimula ko.


"Hindi tayo maaaring mag usap sa harap ng mga pagkain, Sister Lia" sambit niya kaya napalunok nalang ako. Hindi ako maaaring kumain dahil hindi ko maaaring tanggalin ang Mask ko, paniguradong pag nakita ako ni Sister Feli at Sister Jaz na may mask ay malalagot ako. Kilala na nila ang mukha ko dahil ako ang una nilang nakita bago sila nakapasok sa kumbentong ito.

Dahan-dahan nalang akong tumayo, napatingin sakin sina Sister Feli at Sister Jaz. "Saan ang punto mo, Sister Lia?" Kanilang tanong, nakita ko din si Sister Angel na kakapasok lang at may dalang pandilig ng mga halaman.

Residual Mark (FONTAVILLA BROTHERS SERIES 2) ONGOING Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang