Simula

7 1 0
                                    

Simula




"Why are you doing this? Paano mo natitiis ang manirahan sa lugar na ito? Really, Elina Josefina? " diring diri ang pinsan kong si Choloe habang ginagala ang tingin sa loob ng kwarto ko.

Binato ko siya ng damit ko kaya napaangal siya lalo at sumama ang tingin sa akin.

Inayos ko ang higaan kong nagusot dahil sa mga batang naglalaro lang kanina.

"Mas gusto ko dito, Choloe. At mas maganda ang mabuhay ako sa sarili kong mga paa. At gusto kong mapag-isa like adventure! " sabi ko at tumawa.

'Di makapaniwala akong tinapunan ng tingin ni Choloe.

"Alam mo ikaw lang ang nakilala kong babae sa mundo na mas pinili ang hirap kaysa sa yaman!"

Pinandilatan ko siya at tinungo ang labahan ko at inayos ang mga damit para lalabhan ko na lang mamaya.

"Mas better kapag mahirap. Kahit walang pera masaya pa rin. Doon mo mararamdaman ang tunay na saya kasi kahit walang pera nag tutulungan kayo para lang makahanap ng pera. " Doon siya hindi nakaimik dahil sa sinabi ko.

Narinig ko na lang siya na nag buntong hininga na talaga namang narinig ko.

Nilingon ko siya dahil doon at nakita ko ang awa niya sa akin.

"Bumalik kana, miss kana ni Grandpa. Promise, bumalik kana. We're always begging you to come back to our home, where you really belong. Kahit sina Tito and Tita nagmamakaawa na rin sa'yo, parents mo sila baka nakakalimutan mo kaya please. Bumalik kana. "

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya hindi ko siya sinagot dahil lumabas ako ng k'warto ko dala ang mga labahan ko. Sakto naman na nakasalubong ko ang mga bata at bigla akong inaya sa labas, isa na rin sa dahilan kaya hindi ko nakausap si Choloe.

At saka nagsasawa na ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya ng sinasabi iyon. Siguro pang dagdag word count niya sa bawat chapter ng buhay niya.

Pero sa totoo lang si Choloe lang ang mapagkakatiwalaan kong pinsan. Hindi ko kasi mapagkatiwalaan ang iba kong pinsan dahil ang tingin nila sa akin ay pariwara. Pero para sa akin hindi ako pariwara, matapang ako kasi ipinaglaban ko kay Grandpa ang gusto ko.

At ito ang gusto ko. Ang makasalamuha ng mga bata at mapasaya sila at ituri ko silang mga anak ko.

"Ate, si Jesusa may sakit po siya ayaw po niyang kumain. " kalabit sa akin ng batang si Biboy.

Pinuntahan ko si Jesusa sa k'warto nila kasama ko si Choloe na dinudumog ng mga bata.

Hinayaan ko na lang siya kasi mukha namang natutuwa siya. Hindi naman madumi ang mga bata rito. Mababait sila at talagang malinis. Alagang madre din kasi at doktor.

At ito ang gusto namin para sa mga bata ay ang kaligtasan nila.

Gumagaan ang loob ko kapag nakikita ko ang mga ngiti nila, lalo na kapag nakikita naming maayos ang kalagayan nila. At hindi lang ang loob ko ang gumagaan pati na rin ang mga madre. Talaga namang napalapit na ang loob namin sa mga bata. Wala pa silang alam sa mundo nakamulatan na nila na wala na silang magulang.



Ang iba sa kanila ay wala na talagang magulang ang iba naman ay pinabayaan na.

Hinagkan ko ang noo ng natutulog na si Jesusa, yakap yakap nito ang paborito niyang manika.

Nagising siya dahil sa magaan kong halik sa noo.

"Ate Elina... " maaligagas ang bata nitong boses dahil kakagaling lang niya sa sakit.

Perfect Imperfections (Rush Beast Series #7) Where stories live. Discover now