Kabanata 1

2 1 0
                                    

Kabanata 1

Sponsor



"Ayusin niyo ang lakad niyo. Hindi lang kayo singer, mag mumukha rin kayong model kaya kung gusto niyong manalo galingan niyo ang lakad niyo. Kagaya nitong kay Miss number 8." Sabi sa amin ng nag a-assist sa amin sabay tingin sa akin.




Nahihiya naman akong nag iwas ng tingin dahil tumingin din sa akin ang iba. Ang iba pa ay hindi ako nagugustuhan. Insecure siguro kasi palagi akong napupuri.


Ganoon pala kapag maganda hakot award.


Inihahanda na kami sa darating na contest sa sabado. Lunes na ngayon at noong nakaraang linggo ko lang na laman na nasali ako sa kakanta sa darating na sabado ng gabi na gaganapin sa plaza sa may court.

(Actually diko alam kung may court ba sa Samar but I think meron naman kasi lahat ng lugar may court)




"Ate, goodluck po sa'yo. Sasama po kami ha? Manonood po kami, Ate." Nakatingala sa akin si Jesusa. Ipinapasyal ko sila sa playground ng ampunan.


Kakatapos ko lang sa practice pero hindi muna ako nag pahinga kasi gusto ko silang makalaro. Pakiramdam ko ay nawala rin ang pagod ko dahil kasama ko sila.



Ang iba sa kanila ay nasa swing na at naglalaro na at may kaniya kaniya ng mga sariling mundo.


"Oo naman... " pumunta siya sa mga kalaro niya at kinantahan niya na ang mga ito.


Napangiti ako. Kagaya ko ay mahilig din siyang kumanta.


Nakita ko pa ang pag simangot ni Biboy sa kaniya pero nawala rin ang simangot niyang iyon habang pinapanood si Jesusa na kumakanta. Para sa mata niya ay nag-iisa lang si Jesusa.

Napangiti ako lalo. Itong batang ito talaga. Napaka torpe. Di bale na at saka bata pa sila baka crush crush lang iyon.


Biglang napawi ang ngiti ko nang makita si Sister Era. Hindi lang iyon ang dahilan. Dahil sa kasama niya.



Iyong lalaking sinungitan ako at parang biglang naging kasalanan ko pa kung bakit ako natulak ng mga babaeng pinagkakaguluhan siya. At iyong lalaking mainit ang tingin sa dibdib ko!




Bigla akong nakita ni Sister Era kaya tinawag niya ako ka agad sa pangalan ko at kumaway pa kaya napatingin din sa akin ang katabi niya.


"Elina!"

Napangiwi ako at kumabog bigla ang dibdib ko at nag aalinlangan pa noong unang pumunta.

"H-hi, sister... " nag init ang pisngi ko diko alam kung sa inis ba o init ng araw.

Malaki ang ngiti sa labi ni Sister Era. Same age lang kami pero mas mukha pa akong bata sa kaniya.


"Elina, I would like you to meet our handsome sponsor, Cedrix Clark Galvez Bilarmino." Tiningnan ko ang lalaki, tipid lamang ako nitong tinanguan iyon din ang ginawa ko. Kaya pala suplado kasi mayaman at isang Bilarmino.



Hindi ko siya magawang ngitian. Mukha talaga siyang babaero. Pabango pa lang mukha ng paglalaruan ka sa presyo.


Kilala ang Bilarmino bilang respetadong tao pero siya isa siyang bastos na tao. Nirerespeto pa rin ng karamihan ang mga Bilarmino dahil sa kabaitan ng mga ito, kahit nagkaroon na ng bad record ang mga ito. Dahil para sa kanila ang mga Bilarmino ay may mabuting puso, hindi sila naniniwala rin sa paratang na iyon.

Kahit ako rin naman ay hindi maniniwala na may ni-rape ang isa sa Bilarmino. Mukha silang disente, lalo na ang mga lalaki. Parang naturuan ng magandang asal.



"Sister Era, pupuntahan ko lang po ang mga bata... " pero mabilis niyang sinundan ang mga sasabihin ko.


"Hindi, ikaw ang sasama kay Cedrix na mamasyal. Ipagmalaki mo sa kaniya ang ganda nitong Samar. At alam mo bang kakadating lang niya dito noong nakaraan? Galing pa siya ng Maynila, dai. Kaya ikaw na muna ang sumama sa kaniya." Ngumiwi ako. Daig pa ni Sister ang reporter.



Napatingin naman ako kay Cedrix na tahimik lang at hindi pinapansin masyado ang paligid. Ang atensyon niya ay nasa mga bata habang nakangiti.



Marunong pala siyang ngumiti? Akala ko joke lang.




NAKASIMANGOT at tahimik lang ako sa tabi ni Cedrix na ang layo ay isang distansya. Mukha lang kaming tanga, I mean ako yata. Mukha kasing preskong presko siya sa dulo ng bangka kahit mainit habang ako panay ang paypay sa sarili.



Bakit ba kasi hindi na uso sa bangka na ito ang bubong?




At bakit din kasi sa sobrang kaba ko ito ang napili namin?




Okay lang may vitamins pa naman ang araw. Ay hapon na pala.




"Ito ang Kandiwata rockformations. Malalaki ang bata kagaya ng pagmamahal. At madulas kagaya ng paraan ng pagtitig sa iyo ng taong mahal mo. " naghiyawan ang lahat sa bangka dahil sa hirit ni Manong nang madaanan namin ang malaking rockformations ng Kandiwata na talaga namang maganda lalo na ang asul na asul nitong tubig na nakapalibot.




May floating cottage pa. Nahagip pa ng gilid ng mata ko ang pag galaw ni Cedrix at pag haba ng leeg habang nakatingin sa Kandiwata rockformations. Hindi lang iyon ang rockformations dito, may isa pa. Kaso nakalimutan ko ang pangalan.



"I want to go there."





Nagbingi-bingian lang ako. Ano siya masarap? Pagod na nga 'yong tao dahil sa init eh.




Doon na ako nilingon ni Cedrix ng hindi ako gumalaw kaya napalingon din ako sa kaniya sa gulat at nakita ko ang salubong niyang kilay.





"Did you hear me? I want to go there!" Napapasigaw na siya dahil sa malakas na tunog ng makina ng bangka.




Nakasimangot ako lalo. "Sir, hindi po tayo makakababa nalagpasan napo natin."



Bigla ay parang nakita ko ang pag ikot ng mga mata niya at inis na sumandal.



At narinig ko pa siyang mahinang nagmura.


Ako naman ang napairap. Mukhang spoiled ang isang ito. Sarap niyang itulak sa dagat.



Nabigla ako ng bigla siyang lumapit sa akin at bumulong.


"Is that true about the story of Kandiwata? I think it's not a love, it's a lust." Walang prenong sabi niya.




Muntik na akong matawa. One hundred over ten daw ang rate.




"Mukha mo lust." Bulong ko kaya napakunot ang noo niya.




"My face is handsome, maraming may gusto akong titigan ng matagal. "


Napairap na lang ako. Hindi ba siya nakakaintindi ng sarcasm? Ganiyan naba ang paraan ng pag-iisip ng mayaman?




At ang hangin niya pa, huh. Halatang na spoiled siya ng mga babae niya.



Hindi ko siya pinansin at ibinaling na lang ang tingin sa harap. Nanlaki pa ang mata ko noong makita ko ang pinsan kong maldita na maarte habang nasa ilalim ng payong at nagrereklamo.




Bigla akong napa harap kay Cedrix at malay ko ba na sobrang lapit pala niya sa akin at nag mukha pa tuloy kaming nag hahalikan kaya narinig ko ang pag tsk ng katabi namin.




"Tsk, mga kabataan talaga. Walang pinipiling lugar."




Nanlaki ang mga mata ni Cedrix mula sa sunglass niya at bahagya pang umawang ang mapula niyang labi na manipis ngunit hugis puso.



"Wait lang, Sir. Iyong inuutangan ko baka makita ako," palusot ko.







Don't forget to vote, comment and share your thoughts my shinecils^^

Perfect Imperfections (Rush Beast Series #7) On viuen les histories. Descobreix ara