Chapt-6 ngiti

19 0 0
                                    

Nag kukwentuhan ang tatlo habang ako naman ay nasa kwarto. Lumabas muna ako para magpahangin.

Pinikit ko ang mata ko at nilanghap ko ang simoy ng hangin at ngumiti. Rinig na rinig ang paghampas ng mga damo sa damo at dahon sa dahon, isama mo na ang lamig ng hangin. Parang musika. Ang sarap pakinggan.

Minulat ko ang mata ko at nilanghap ulit ang simoy ng hangin. Babalik na sana ako nang makita ko si agustin sa bundok, di gaanong kataas. May ginagawa siya roon habang nakangiti.

Tinitingnan kolang siya sa malayo. Ang ganda ng view pero mas lalo atang gumanda nung nandon siya at nakangiti. Mga ilang segundo pa ay pinuntahan ko siya at tiningnan kung ano ang kanyang ginagawa.

"Marunong ka mag pinta? Ang ganda ah"

'gwapo na, may talento pa. Grabe iba ka talaga bebe agustin!'

"Huh? Ah... Oo, salamat"

"Oh, nagulat ba kita? Sorry ah"

'ang cute niya magulat nakakainis'

Maganda yung view dito. Pero parang mas gumanda yung tanawin dito nung nandiyan siya.

May ibon na dumapo sa balikat ni agustin, dahilan para mapalingon ito sa kaniyang balikat at ngumiti.

'pero mas maganda pala kapag nakangiti ka'

"Huh?"
Sabi ni agustin at lumingon sakin.

"Huh?"
Sabi ko. Dahil hindi ko alam bakit nag sabi siya ng "huh?" sa pag kakaalam ko e di naman ako nag salita at tinitingnan lang siya.

"Ano yung sinabi mo? Pero mas maganda pala kapag nakangiti ka?"

"Ako ba yung tinutukoy mo? Jose?"

'oh sh;t lumabas pala yun sa bibig ko!, dapat sa isip lang yun e!!'

"Ang assumero mo naman"

"Assumero? Ano ang mga salita na iyon?"

Awit nag salita kananaman josh ng word na di nila alam!!.

"Assumero? Ahh, ano yun e...."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at nag isip.

💡

"Tenga! Oo tama, tenga yun"

"Tenga? Ang ibig mo bang sabihin ay 'ang tenga mo naman?' jose?"

"Oo, kase diba? Narinig moko kaya 'ang tenga mo naman' ang sinabi ko"

"Ahh... Ngunit parang hindi ko pa ata naririnig ang salitang assumero"

"Baka naman narinig mona, nakalimutan mo lang"

Nakita ko naman itong tumango lang sa mga sinasabi ko.

"Hm, baka nga"
"Ngunit-"

Di pa niya tapos ang kaniyang sasabihin ay agad ko nang nilagay ang hintuturo ko sa kaniyang labi.

"Shh, wag masyadong maraming tanong mag pinta kana lang diyan dahil..."

"Dahil?"

'dahil diko na alam sasabihin ko!'

"Wala"
"Ituloy mona yan, papasok na ako"

Tiningnan niya lang ako ng ilang segundo at bumalik na ulit siya sa pag pipinta.

Papasok na sana ako nang makita ko si pablo na papunta ata kay agustin.

"Oh pabs"
Sabi ko. Ngumiti ako, at sabay tinaas ang aking kamay para bumati.

"Anong pabs? 'Pablo' jose, 'pablo' ang aking pangalan"

Pagka sabi niya ng mga salitang yun ay inirapan niya ko at nilagpasan ako dahilan para maiwan ang aking kamay na nasa ere.

'ayy wow ate chona yan?'

"Aguy"

----

Pagka pasok ko ay nakita ko ang dalawa. Si felipe at si silvestre na nag uusap at...

'naka back hug?, with holding hands?'

Pag dapo nang tingin ko sa kanila ay gulat na tumingin sila saakin at nag hiwalay sa pwesto nila kanina.

"Oh, pasensya na na istorbo ko ata kayo"
"Sige ituloy niyo lang yan, labas muna ako"

Nakahawak nako sa door knob at lalabas na sana nang magsalita si silvestre.

"Ay hindi!, hindi ka nakaka istorbo yung kaninang nakita mo wala lang yun"
Sabi nito na parang kinakabahan. Habang si ken- ay felipe pala ay tahimik lang na tumatango.

'sus ware pa e'

"Okay lang naman yun e, walang masama kung maging kayo"

Nagkatinginan lang silang dalawa at ngumiti.

"Salamat, wag mo sanang ipagsasabi kahit kanino"

Tumango lang ako bilang pag sang ayon.

"Alam naba ng mga kaibigan niyo?"

"Hindi pa, kaya kung maaari sana ay wag mo ring ipag sasabi sa kanila ang tungkol samin"

"Pero nararapat na sabihin niyo sa kanila ang tungkol sainyo, dahil kaibigan niyo sila"

"Hayaan mong kami na ang mag sabi sakanila, natatakot pa kasi kaming sabihin dahil baka pandirian o lumayo sila samin"

"Wag niyong pangunahan, sigurado namang maiintindihan nila kayo e"

"Hm, salamat"

Hayss, ilang araw palang ako dito may ganito na agad na nangyayari. Naol.

Pero nagkatuluyan si silvestre at felipe dito sa nakaraan, pero yung sa future, si ken at stell hindi. Hay nako ang torpe kasi ng manok ko e.

To be continued...

_____

Hi!
(Mga cheater) Char.

Diko knows kung makakapag update ako bukas but i try:>.

Thank you for reading!.
__

Congratulations SB19 & TEAM! Sulit ang hindi pag ligo namin at hindi pagkain sa tamang oras haha.

Lakas niyo.

🌽🍢

Pintor¹⁸⁹⁶Onde histórias criam vida. Descubra agora